Chapter 2

21 2 0
                                    

My mind was occupied in the following days after that night. Hindi ako makapag-isip nang maayos. ‘Yung nalaman ko no’ng gabing iyon ay masyado pa ring sariwa kaya hindi ko maiwasang maiyak na lang minsan. Gulong-gulo ang isip ko, ni hindi ako makapag focus nang maayos sa trabaho ko. Nag-aalala na rin si Lola sa’kin.

Hindi ko na alam gagawin ko lalo nang dalawang araw na lang ang natitira bago ako kunin ng gustong dumakip sa’kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sakin at kung ano nga ba ang pakay nila. Papatayin din ba nila ako katulad ng ginawa nila kay papa? Natatakot ako sobra.

“Apo, ayos ka lang ba? Ilang araw na kita hindi maka-usap nang maayos. Nag-aalala na ‘ko sa’yo. May problema ba sa trabaho?”

Naramdaman ko na lang na umupo si lola sa tabi ko. Nasa labas ako ngayon ng bahay, hoping that the fresh air will help me para makapag isip nang maayos.

“Wala, Lola.” Sagot ko.

I suddenly feel guilty dahil nagsinungaling na naman ako sa kaniya. Wala rin naman akong plano ipaalam kay Lola dahil ayokong mag-alala siya at madamay pa rito.

“Kilala kita, Aleyh. Alam kong may bumabagabag sa’yo.” Hinawakan ni Lola ang kamay ko kaya tinignan ko siya.

“Malalampasan mo rin ‘yan, apo ko. Alam kong makakaya mo rin ang mga bagay na akala mo hindi mo kaya.” aniya. “Kung iniisip mo ko, ayos lang ako rito. Tulad ng ginawa mo sa papa mo, hihintayin kitang bumalik.”

Biglang tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko si Lola. Hinagod niya ang likod ko at sinuklay ang buhok ko.

Alam niya. Alam niya lahat.

“Ayaw kong pati ikaw mawala sa akin pero alam kong babalikan mo si Lola. Alam kong hindi ka tutulad sa kaniya.”

Wala akong nasagot sa lahat ng sinabi ni Lola. Ang sunod na narinig ko lang ay ang walang tigil kong hikbi habang naka yakap pa rin sa kaniya.

“Natatakot po ako.”

“Hindi ka niya pababayaan,” Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. “Hindi niya hahayaang may madadamay ulit.” Hinarap ako ni Lola at hinawakan ang mukha kong basang-basa na ng luha.

All this time, alam na ng lola ko na nasa pahamak na ang buhay ng ama ko no’n. Alam niya kung bakit hindi na bumalik si Papa. Alam niya kung bakit bigla na lang iyon nawala.

Hindi ko na tinanong kung bakit hindi niya sinabi sa’kin. Kilala ko ang Lola ko, alam kong nag-aalala lang din siya sa’kin pag nalaman ko ang totoong rason kung bakit hindi na nakabalik si papa. Kaya rin pala wala akong narinig na kahit ano kay Lola na galit siya kay papa because she knows everything. Pati roon sa lalaking iyon.

At sino nga ba talaga ang lalaking ’yon? Ano pa ang mga alam ni Lola na hindi ko alam?

“Ikaw ang tutuklas ng lahat na iyon, Apo. Ayaw kong pangunahan ang mga pangyayari. Masyado pang sariwa sa’yo ang lahat. Pero dadating din ang araw na maiintindihan mo lahat.”

Wala akong maintindihan. Nagugulohan ako.

“Sa ngayon, kailangan mong maging matatag. Labanan kung ano man ang laban na iyon.”

Laban? Anong laban ito? Masyado na ba akong manhid para hindi man lang malaman kung ano ang nangyayari sa paligid ko? Masyado na ba akong ignorante at hindi ko napapansin na marami na akong hindi alam?

“Hoy! Nakikinig ka ba sa’kin?”

Nagising ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Fatima. Nasa harap siya ng locker niya nakasimangot ito ngayon habang naka tingin sa’kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dearest, AbsquatulateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon