Chapter 1

26 2 2
                                    

Halos hindi ako makatulog noong gabing iyon. Naghahalo ang emosyon na namumuo sa akin. Nagugulohan at natatakot. Nagugulohan kung sino ang mga iyon at kung ano ang kailangan nila sa akin. Natatakot din ako sa pwede pang mangyari sa akin sa mga susunod na araw.

“Let her go.”

I suddenly heard the voice of that man. Who is he? May kinalaman ba siya kung bakit muntikan na kong kidnappin kanina? Bakit niya ‘ko tinulongan? Dapat ba ‘kong magpasalamat? O mas mabahala pa lalo.

Dahil sa maraming katanungan na pumasok sa isip ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Maaga pa akong nagising para samahan si lola sa palengke. Ipinagluto ko rin siya bago tumungo sa restaurant na pinapasukan ko. Naabutan ko sa locker’s room si Fatima, inaayos nito ang kaniyang apron.

“Oh, Aelyh. Nandiyan ka na pala.” Nakangiting bati nito sa akin bago pinagpagan ang apron niya. “Alam mo ba kahapon, nakita ko si Zach kasama yung bago niya.” Umismid ang mukha nito kaya napailing-iling na lang ako.

Tumungo ako sa locker ko at kinuha ang susi sa bag ko. “Oh, tapos?” Tanong ko nang mabuksan ang locker ko.

“E ‘di ayon, ewan hindi ko alam pero nakakainis lang. Hindi naman sa nagseselos ako or what ah. It’s just their presence annoys me lang talaga. Ngumisi pa sa’kin ‘yung babae. Akala mo naman talaga may pake ako sa kanila.” Ramdam ko ang inis sa boses neto at alam kung umirap ito kahit nakatalikod ako sa kaniya.

She’s Fatima, waitress din dito. Hindi kami gaano nagkakasama kasi may klase siya minsan pero pag magkasama kami ay marami itong chika sa’kin. Masasabi ko na ring magkaibigan kami. Hindi ko nga lang alam kung kaibigan din turing niya sa’kin.

“Talaga? E, bakit parang affected ka riyan?” Asar ko at hinarap siya. Nakaupo lang ito ngayon sa plastic chair malapit sa locker niya. Naka krus pa ang balikat.

Marami pa siyang sinabi sa’kin at naka kunot lang ang noo nito. Hindi ko maiwasang matawa sa mukha niya. Halatang in love pa sa ex, e.

“Enjoy your dinner, Ma’am and Sir.” Tipid akong ngumiti nang iserve ko ang pagkain ng table na nasa harap ko.

Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa matapos na ang trabaho ko. Nauna nang umuwi si Fatima at inaya ulit ako Cielo. Sinubukan kong tumanggi pero hindi na gumana sa kaniya sa pagkakataong ito. Wala akong choice kundi ang sumama na lang sa kaniya. Nakakahiya man pero mas mabuti na ito kesa maulit ang nangyari kagabi.

“Are you hungry?”

Agad ko namang naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba at takot sa tuwing pumapasok iyon sa isip ko. Paano na lang kaya kung wala ang lakaking iyon kagabi? Saan na kaya ako ngayon?

“Hey,” Agad kong liningon si Cielo ng bigla itong magsalita. “You okay? Lalim ng iniisip mo ah?” Tinapunan lang ako ng tingin nito bago bumalik sa daan ang tingin.

“Ah yeah, I’m okay. May iniisip lang ako.” sabi ko at binalik ang tingin sa labas ng kotse.

“Hungry?”

Umiling lang ako.

“But I am.” aniya. “Daan muna tayo sa drive thru? Gutom ako, e.” Nilingon ko siya ulit at nakita ko ang maliit na ngiti nito. He’s fine, hindi ko ipagkakaila iyon.

“Ah, sige lang.” Sagot ko at tipid na ngumiti rin.

Napagtanto ko lang na nasa drive thru na kami ng huminto ang sasakyan at bumukas ang pinto ng kotse. Narinig ko na lang na nagpasalamat si Cielo bago ulit sumara ang pinto.

“Nag order ako ng tatlong meal. Isa para sa'yo, isa para sa’kin. And kung nagtataka ka kung kanino ‘yung isa, ibigay mo kay lola.” He casually said bago ako tinignan.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan iyon. Tumingin lang ako sa kaniya, halatang natatawa sa reaksiyon ko.

“Gulat ka ata?” He chuckled.

“Hindi naman kailangan, Ce. Gumastos ka pa tulo-”

“Ce?” Tumaas ang dalawa niyang kilay. “You’re the first girl who called me that.” Hindi umalis ang ngiti niya.

“Here's your order, Sir.”

Sabay kaming lumingon sa pinto ng may nagsalita. Agad na kinuha iyon ni Cielo sa babae at inilagay sa likod. Nagtaka naman ako. Akala ko ba gutom na ang isang ‘to?

“Thank you.” Nginitian niya ang babae. Agad namang nanlaki ang mata ng babae. Bahagya pa itong namula bago kumaway kay Cielo.

Sumunod ang katahimikan sa aming dalawa. Focus lang siya sa daan at sa labas pa rin ang aking tingin. Tahimik lang kaming dalawa. Nakakailang man ay mas mabuti na iyon kasi wala naman kaming pag-uusapan. Baka mas lalo lang akong mailang kung mag-usap pa kami.

“Salamat dito Ceilo. Sasabihin ko kay lola na galing ‘to sa’yo” Sambit ko nang huminto ito na ito sa labas ng bahay namin.

“Wala iyon, Ael.” Ngumiti ito.

“Ingat ka.” I smiled at him too.

“See you tomorrow” Hindi umalis ang ngiti nito hanggang sa lumabas na ako sa kotse. Tinignan ko lang ang kotse niya na umalis hanggang sa mawala na sa’kin paningin.

Nagbuntong hininga ako bago tumingin sa dala kong pagkain. Wala sa sarili akong napangiti. Bait niya talaga ‘no?

“5 days.”

Kumunot ang noo ko ng may narinig na pamilyar na boses. Napalingon-lingon ako sa paligid ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking naka sandal sa pader ng kapitbahay. He was waring a white hoodie while both of his hands are in his pocket.

“Bago ka nila kukunin.” Because of his cold voice I recognized him immediately.

Naglakad ito palapit sa’kin kaya bahagya akong napa atras. Ang bigat ng bawat hakbang niya dahilan din ng pag bigat ng hininga ko. Napasinghap ako ng dumaloy sa ilong ko ang mabango niyang amoy.

“Sino ka ba talaga?”

“Doesn’t matter.” He said and stopped in front of me. Halos isang metro na lamang ang layo namin sa isa’t-isa. “They already have planned how to take you.”

Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin. “Bakit ako? Wala akong kasalanan. Ni hindi ko sila kilala.”

“Because of Lim.”

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pangalan iyon. Nanlamig ang buo kong katawan. Mas lalong gumulo ang isip ko.

“S-si Papa?” Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. “Buhay ba siya? Saan siya ngayon? Pwede ko ba siyang makita? Pwede mo ba ‘kong dalhin sa kaniya?”

Nakatingin lang siya sa’kin. Ang walang emosyon niyang mata ang sumalubong sa tingin ko. My hands were shaking, waiting for his answer. A few seconds passed before he let out a deep breath.

“He’s gone,”

And I fell to my knees. Tears fell from my eyes one after another. Sobrang bigat ng puso ko, hindi ako maka hinga nang maayos. Yumuko ako at tinukod ang dalawang kamay sa tuhod. Walang hikbi na lumabas sa bibig ko, nakatulala lang ako habang nakatingin sa daan.

Iyon na pala ang huling araw na makikita ko siyang buhay. Hindi man lang siya bumalik at nagpaalam sa akin nang maayos. Hindi ko itatanggi na minsan ko na rin siyang hinintay sa labas ng bahay. Nagbabakasakali na kahit anino niya ay mag pakita sa akin even though I'm not sure if he'll come home again. kahit na ilang taon ko ng inisip na parang namatay na rin siya katulad ni mama dahil sa pag iwan sakin, hindi ko pa rin inaaasahang isang araw malalaman ko na lang na wala na siya. Ang sakit.

“I failed to protect him.” Umangat ang tingin ko. I looked him in his eyes and I saw sadness peeked into his eyes nang sambitin iyon. “That’s why I am here, Aelyh. I'm here to get you out of this mess.”

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko bago dahan-dahang tumayo. “How can I trust you?”

“There is no need.” His jaw tightened. “All I know is that I have to keep you out of the trouble na hindi ko nagawa kay Lim.”

My Dearest, AbsquatulateWhere stories live. Discover now