🌹 Chapter Five 🌹
HINDI MAIWASAN NI ELLA ang magtaka nang may nilapag na black envelop si Jinuel sa ibabaw ng lamesa nito. Kasalukuyan na silang nasa opisina nito. Sumunod siya rito dahil may ilang bagay raw itong idi-disscuss sa kanya about sa trabaho at kontratang pinirmahan ng kanyang magulang.
"Basahin mo," utos nito.
Nagawa namang kunin ni Ella ang naturang envelop. Sinimulan niyang basahin iyon. Nakalahad sa kasulutang iyon ang tungkol sa mga gagastushin ng Papa niya sa hospital. Kasama na roon ang mga gamot pati ibang extended expenses tulad ng mga past utang nila. Magkakaroon rin ito ng thirty thousand na allowance every week.
"Thirty Thousand Pesos?" gulat niya, "Masyado naman yatang malaki iyon? Baka umabot ng milyon ang utang namin sa'yo!"
"Kaya nga nandito ka kapalit ng mga iyan! Sa tingin mo magagawa mong bayaran ang lahat ng iyan kung ibebenta mo ang sarili mo?" seryosong tanong nito.
Napakuyom ang kamao ni Ella.
"Alam mo bang muntikan mo nang ilagay ang sarili mo sa panganib kanina? May ideya ka ba kung sino ang lalaking pinatay kanina?" tanong ni Jinuel.
"Aba, malay ko kung sino iyon!" matapang din niyang sagot at nagawa niyang makipagtitigan rito, "Iisipin ko pa ba iyon kung sino iyon?"
"Siya si Doctor Henry Jimenez! Isang Pyschopath Doctor!" diin nito.
"Pyschopath?" gulat niya.
"Sa tingin mo kung sumama ka ngayon sa kanya? Magagawa mo pang makauwi ng ligtas? Baka nga sinisimulan na niyang pag-aralan niyang katawan mo!" tugon nito.
Hindi alam ni Ella pero naramdaman niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa katawan. Ibig sabihin kung natuloy pala siya kanina, posibleng isa na siya sa mga biktima nito? Lihim siyang nagpasalamat sa taong pumatay sa taong iyon.
Bigla siyang napaisip.
May ideya kaya sila Myrna at Kakay sa taong iyon?
"Alam kong noon pa na pangarap mo nang maging doktor kaya ilalagay kita sa medical department balang-araw pero dahil trainee ka palang, at wala ka pa talagang alam sa magiging trabaho mo, dito muna kita ia-assign sa bahay," ani Jinuel, "May isa ka pang kontratang pipirmahan pero saka na iyon kung sakaling tanggap mo na ang magiging kapalaran mo!"
"Isa pang kontrata? Eh ano ito?" naguluhan niyang tanong rito.
"Kontrata iyan ng mga magulang mo sa akin. Bukod iyong sa'yo," sabi nito saka may pinindot ito sa suot nitong wrist watch.
Ilang saglit pa, pumasok roon ang tatlong babae na may bitbit na itim na kahon. Lumapit roon si Jinuel, at may dinampot ito sa loob.
Isang relo na katulad ng suot nito. At inibot nito sa kanya.
Nagtatakang kinuha naman niya iyon.
"Si Mimi na ang bahalang magdisscuss kung para saan ang relong ito. At kung paano iyan gamitin," paliwanag nito saka nagtungo ito sa isa pang babae. Sa muli ay may kinuha ito sa naturang kahon.
Isang cellphone.
Nagulat si Ella nang inabot nito iyon sa kanya.
"Sa iyo iyan," anito.
"Akin?" gulat niya.
"Nakainstall na d'yan ang cellphone number ng magulang mo. Pwede mo silang tawagan kapag tapos na lahat ng gawain mo rito. Nandyan na rin ang number ko. At ng mga kapatid ko," paliwanag nito.
YOU ARE READING
CODENAME: Doc Book 2 (Completed)
ActionSi Doc, ang tinuturing na leader ng Seven Dwarf ni Snow White. At bilang panganay, si Jinuel ang tumatayong kanang-kamay ng kanyang Ate Lyra. Pero ano ang gagawin niya kung bigla na lang bumalik ang first love niya, after thirteen years? Si Ella...