🌹 Chapter Twenty Four 🌹
NAPANSIN NI JINUEL NA HINDI na lumabas ng kuwarto ang kanyang Ate Lyra matapos niyang kausapin ito. Pero bago siya iwan nito kanina ay pinaki-usapan siya nitong kausapin si Yuki. Aaminin niyang nagdadalawang-isip pa siya dahil alam niya sa kanyang sarili na galit pa siya at baka ano pa ang masabi niya sa kapatid na lalong ikalala ng sitwasyon.
Maski noong mga bata palang silang dalawa ni Yuki, madalas parehas silang nagugustuhang laruan kaya madalas din sila noon mag-away. Pero hindi niya akalain na pati pala sa babae ay iisa lang ang magugustuhan nila. Wala talaga siyang ideya na may iba na pala itong nararamdaman kay Ella.
Nito lang huli nang makita niyang tinuturuan ni Yuki si Ella sa training nito. Aaminin niyang nakadama siya ng selos noong sandaling iyon. Pinilit niyang isawalang bahala iyon. Pero minsan talaga tama ang nagiging kutob niya. Isa pa, hindi rin niya kayang harapin ngayon si Yuki dahil alam niyang nasaktan niya ito. Alam niyang nahihirapan ito ngayong makita sila. Posibleng sila ni Ella ang talaga ang dahilan nito kung bakit gusto na nitong bumukod.
Sinandal ni Jinuel ang kanyang likuran sa kanyang swivel chair.
Iniisip niya kung tama bang bumukod na rin sila ng kanyang mga agent. Pero iniisip niya paano ang Ate Lyra at mga pamangkin niya? Kaya na naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili pero ang mga ito?
Napapikit siya.
Nanakit na rin ang ulo niya sa pag-iisip. Ngayon kailangan na lang niyang hintayin ang desisyon ng kanyang Ate Lyra. Nasabi na rin naman niya rito ang gusto niyang sabihin.
Twenty eight years old na siya. Pinaplano na rin niyang pakasalanan na si Ella, kaya maganda na rin na bumukod sila ng tirahan.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng kaguluhan sa labas. Ilang beses siyang nakarinig na nabasag na pigurin.
Kinontak niya ang kanyang bodyguard sa pamamagitan ng kanyang wrist watch.
"What happened?" tanong niya rito.
"Nag-aaway po si Sir Jimmy at Sir Tata," tugon nito.
Pagkarinig niyang iyon ay nagawa na niyang tumindig, at dali-dali na siyang lumabas ng kanyang opisina. Dumiretso siya sa lobby kung saan niya narinig ang kalabog.
Naningkit ang kanyang mga mata ng maabutan niyang inaawat na nila Cobi, Arjhay at Jun sina Jimmy at Tata.
"Sa tingin mo, ikaw lang ang nawalan? Tata, girlfiend ko iyon!" hinanakit ni Jimmy.
"So, kasalanan ko? Ako ba ang nagsama sa kanya sa mission? Diba, ikaw?" ganti ni Tata rito.
Napakunot ang noo ni Jinuel sa kanyang narinig. Tama nga ang sinabi ni Arjhay sa kanya, manang-mana sa dalawang ito ang mga pasaway nitong agent na naparusahan kanina ni Lando.
Mabilis nang namagitan si Jinuel sa mga kapatid niya. Pero kahit nandoon na siya ay hindi pa rin tumigil ang mga ito. Nagawa pang magtutukan ng katana ang dalawa.
"Ranggo lang mataas sayo pero mas matanda pa rin ako sa'yo!" sabi ni Jimmy kay Tata.
"Pero mas magaling pa rin ako sa'yo," sagot ni Tata.
"Ano ba? Tumigil na kayong dalawa!" singhal ni Jinuel. Pero tulad ng kanyang inaasahan hindi na naman siya pinansin ng mga ito. Maski sila Cobi at Arjhay na mas matanda rito ay wala na ring nagawa.
Aktong magsusuguran na ang dalawa nang makarinig sila ng tatlong magkakasusunod na putok ng baril.
Sabay-sabay silang napalingon sa itaas ng hagdanan. At pare-parehas silang natigilan nang makita nila ang galit na galit na mukha ng kanilang Ate Lyra.
"Pataasan ba ng ranggo ang usapan rito?" galit na tanong nito saka tinututok ang baril sa pagitan nila Jimmy at Tata, at bigla nitong kinalabit ang gatilyo nito.
Umalingawngaw sa buong kabahayan ang malakas na pagputok ng baril, at pagbasak ng antigong vase kung saan silang naroroon.
Pare-parehas silang padapa sa sahig habang nasa ulo ang mga kamay. Para na silang mga maamong tupang na handang sumuko sa mabangis na leon.
"Magpapatayan kayo dahil diyan! Kung patayin ko na lang kayong lahat?" pagbabanta nito, "Ganyan ba ang tinuro namin sa inyo ng Kuya Agustin n'yo? Ang magpatayan?"
Hindi kumibo ang lahat.
"Lando, kunin mo ang mga lahat ng armas nila! Lahat, pati kay Yuki!" mariin na utos ni Ate Lyra sa tauhan nito.
Kaagad namang tumalima si Lando, at ilang mga tauhan rin nito. Kinumpiska ng mga ito ang armas nila.
"Huwag na huwag kayong tatayo d'yan hangga't wala akong sinasabi!" sabi ni Lyra saka tinalikuran ang mga kapatid.
Pare-parehas pa nilang narinig ang pagbalibag ng pintuan sa silid nito.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Jinuel. Kahit kaylan talaga, ang kanyang Ate Lyra lang ang kayang kumontrol sa kanila. Hindi dahil ito ang pinakamataas na ranggo sa kanila, kungdi ito ang pinakapanganay sa kanila. Mas may takot ang mga kapatid niya rito pati siya.
"Pati ako nadamay sa inyo!" inis na paninisi ni Jun kina Jimmy at Tata, "Umawat lang naman ako!"
"Luh! Sino ba?" segunda ni Tata at nanatili pa rin silang mga nakadapa sa sahig nila.
"Tumahimik na nga kayo!" saway ni Arjhay, "Para pa rin kayong mga bata! Pinarinig n'yo pa kay Ate na nagpataasan kayo ng ranggo!"
Natahimik naman silang lahat. Pero ilang saglit lang ay nakarinig sila ng pag-iyak. Dahilan para pare-parehas silang napatingin kay Jimmy.
"Kallen..." sabi nito na may kasama pang pagsinghot.
"Luh, akala ko ba Jennifer ang pangalan ng Girlfriend mo?" gulat na tanong ni Tata rito.
"Break na sila 'nun," si Jun ang sumagot.
"Huh? Kahapon lang nakita ko kayong masayang magkasama ah!" naguguluhang sabi naman ni Cobi, "Kahapon lang kayo ng break?"
"Ilan ba ang girlfriend mo?" usisa ni Arjhay.
"Lahat yata ng babaeng agent niya, girlfriend nito ni Kuya Jimmy!" natatawang sabi naman ni Jun.
"What?!" gulat ni Jinuel sabay batok kay Jimmy, "Hindi ka pa rin nagbabago!"
Aktong sasagot pa sana si Jimmy nang pinandilatan ito ng mata ni Jinuel, "Ano ipagmamalaki mo iyang ranggo mo? Baka nakalimutan mong mas matanda ako sa inyo!"
Hindi kumibo pa si Jimmy.
Hindi na nila alam kung ilang oras na silang nasa ganoong sitwasyon hanggang marinig nilang pinatawag ng kanilang Ate Lyra ang mga original agent ni Kuya Agustin.
Wala silang ideya kung ano ang pinagmi-meetingan ng mga ito. Iisa lang napansin nila, hindi kasama si Mayo roon.
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Arjhay kay Jinuel.
"Hindi pa ako sure kung ano iyon," tugon ni Jinuel pero ang totoo may kutob na siya kung para saan ang emergency meeting na iyon.
Itutuloy...
🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
BINABASA MO ANG
CODENAME: Doc Book 2 (Completed)
ActionSi Doc, ang tinuturing na leader ng Seven Dwarf ni Snow White. At bilang panganay, si Jinuel ang tumatayong kanang-kamay ng kanyang Ate Lyra. Pero ano ang gagawin niya kung bigla na lang bumalik ang first love niya, after thirteen years? Si Ella...