🌹 Chapter Thirty 🌹
"SECRET AGENT: AARON LEE, Rank No. 99. CodeName: Red Phoenix!"
Lihim na nakaramdam ng kaba si Ella nang sabihin sa kanya ni Jinuel ang tungkol sa next mission niya. At sa taong papatayin niya.
Siya si Aaron Lee, kinikilalang isa sa mayaman na negosyante na nagpapatakbo ng ilang legal na Casino sa bansa. May mga maliliit ding illegal na pasugalan itong hinahawakan. Talaga namang kinarir ng taong ito ang pagiging smuggler ng Pilipinas. Naging maingay rin ang pangalan nito dahil ilang beses na itong nasangkot sa mga kontrobersyal na isyung pampolitika.
At hindi lang iyon. Sa ginawang pagsasaliksik ni Ella sa naturang target niya, natuklasan niya na gumagawa rin ito ng mga pekeng pera; na siya naman pinangambahan ng mga nasa likod ng secret organization kaya nagdesisyon ang mga itong ipaligpit na ang naturang lalaki.
Napaisip si Ella. Ano'ng dahilan bakit sa kanya binigay mission na iyon? Ang pagkakaalam niya, mga small time lang ang binibigay sa kanilang mga baguhang agent na katulad niya. Pero ito, may ranggo.Kasalukuyan silang nasa gitna ng pagsasaliksik ni Mimi nang may dumating silang hindi inaasahang bisita sa kanilang bahay.
Si Lady Lyra, at ang kambal nitong anak.
Nagulat man ay napansin pa rin ni Ella ang sigla sa mga mata ni Jinuel nang makita ang mga ito. Lihim siyang natuwa nang marinig niyang magkamustahan ang magkapatid.
Pero sumeryoso ang mukha ni Lady Lyra nang makita siya, "Kamusta ang mission na pinapagawa ko?" tanong nito.
Napabaling ang tingin ni Ella kay Jinuel. Para kasi siyang nagulat nang bigla siyang tanungin nito.
"Ikaw ang tinatanong ko, Belle!" ani Lady Lyra na nagtaas pa ang dalawang kilay na parang hinihintay ang sagot niya.
"P-Planstado na po ang plano," tugon naman niya saka niya diniscuss rito ang planong pagpasok niya casinong pagmamay-aari ni Aaron Lee.
"Kaylan ninyo sisimulan? Matatagalan pa ba? Kung babagal-bagal ka, baka maunahan ka ng iba!" babala ni Lady Lyra.
Napalunok si Ella.
"Malaki ang tiwala kong magagawa mo ng tama ang mission na ito, Belle..." mariin siyang tinitigan ni Lady Lyra, "...Sa'yo ko talaga binigay ang mission na ito para patunayan sa iba na hindi mahina ang grupo ni Jinuel. Once na magtagumpay ka rito, hindi ka na magagawang maliitin ng kung sinong agent!"
Napakuyom ang kamao ni Ella.
"Hindi ako bulag, Belle. Kahit wala pa sa amin, may nagaganap nang iringan sa pagitan ng mga agent hindi lang sa mga agent namin, maski sa ibang organization. Ikaw lang ang naging dahilan kaya nag-voice out na itong si Jinjin sa akin. At tama siya, kung hindi ko ito gagawing paghihiwalayin silang pito, baka dumating ang panahon na kinakatakutan namin ng asawa ko. Ilang beses kong pinag-isipan ang huling pag-uusap namin. Nang makita ko siyang inaawat sila Tata at Jimmy, doon ko na realize na sa lahat ng kapatid ko, si Jinuel lang ang hindi ko napagtuunan ng pansin. Katulad ko, maaga rin siyang humarap sa responsibilidad na iniwan ng mga magulang namin," mahabang hayag ni Lady Lyra saka ito napabuntong-hininga.
Napangiti si Ella.
"Sa ngayon, patunayan mo sa lahat na karapat-dapat kang mapangasawa ng kapatid ko," mapanghamon na turan ni Lady Lyra sa kanya.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Doc Book 2 (Completed)
ActionSi Doc, ang tinuturing na leader ng Seven Dwarf ni Snow White. At bilang panganay, si Jinuel ang tumatayong kanang-kamay ng kanyang Ate Lyra. Pero ano ang gagawin niya kung bigla na lang bumalik ang first love niya, after thirteen years? Si Ella...