[20] ♠ The Sinners

1.2K 38 0
                                    

Mukhang napapadalas ang update ko na papalapit na ang balik eskwela... Na naman. Good luck sa mga students. Goodluck sa mga teachers and staffs na magkakaroon na ng klase bukas at sa June 8.

___________________________________________________________________________

*~*~*~FREYAH’S POV~*~*~*

Naka-higa na ako ngayon sa kama habang nakatitig sa kulay gold na kisame sa harap ko.

Hindi ko maitatanggi na mas nakalalaman talaga ang Gem Kingdom at Gem Quarters sa mga disenyo at palamuti nila. Maging sa mga gamit na ginamit.

Napa-ngiti ako. Talo pa rin ang Black Sea. Kahit na pag-ipunin pa ang Underworlds, Nephilims, Evil Witch Kingdom at Black Sea ay wala pa sa kalahati ng mga allies ng Gem Kingdom at mismong Gem Kingdom ang mga ari-arian namin. Kahit pagsama-samahin pa.

Kailan ko kaya sisimulan ang pagpapatahimik sa kanya?

May nabuo namang plano na sa isipan ko. Hindi ko naman siya masyadong pahihirapan. Yung punto na parang kinagat lamang siya ng lamok.

Pero kawawa siya. Nakalimutan niya sigurong siya ang lamok at kaya ko siyang tirisin na parang kuto. Isang pitik ng kamay. Isang kitil ng buhay.

Napa-ngisi ako.

Isang gantimpala.

---

Flashback

Lahat kami’ng mga tao sa Dark World ay nag-punta sa Black Sea Palace... Para sa isang announcement.

"Makinig kayong lahat." Dito sa Dark World, walang galang ang mga demonyo, demonya, demonyito at demonyita. Walang sinasanto ang mga nakatira dito. Kabilang na rin ako at ang pamilya ko doon.

"Nandito tayo para i-announce sa inyong lahat na magkakaroon ng gantimpala kapag nadala niyo... Ang babaeng ito." Sabi ni Black King habang naka-turo sa kanyang hologram. Na gawa sa hangin. Ang kapangyarihan niya. Manipulator.

Marami ang nag-palitan ng opinyon, may iba ding nagtanong kung ano ang magiging gantimpala.

Pero interesado ako nito. Sigurado akong exciting ito. "Ano naman ang magiging gantimpala?" Biglang sigaw ng isa sa mga demonyo na nakihalubilo din sa ibang demonyo.

Natahimik ang lahat. Tanging pitik ng puso lang namin ang naririnig namin. Ramdam kong seryoso ang lahat.

"Ang magiging gantimpala ay ang pagiging... Black Queen ng buong Dark World." Muli ay namuhay ang ingay. Ang saya. Ang kaba. At ang pagiging interesado ko.

Seryoso ako. Hahanapin ko ang babaeng iyan. Ang matgal na tinagong anak ng reyna ng Gem Kingdom. Si Amethyst.

End of flashback

---

Matagal ko nang hinangad ang magkakaroon ng atensyon. Ang matuon ng lahat ang atensyon sa akin. At matutunan nila akong pansinin man lang.

Hindi ko hinangad na maging Black Queen pero kailangan ko. Kung tutuusin, nasa akin na ang susi ng lahat. Maaaring dalhin ko nalang ang ulo ni Amethyst at itapon sa mukha ni Black King.

Walang rules na sinabi. Walang sinabi na kailangang hindi saktan si Amethyst at dalhin siyang buo.

Nakapag-desisyon na ako. Kailangan kong maging si Black Queen.

Hindi ko alam kung bakit napaka-sabik ko sa atensyon, sa pagmamahal at sa pansin. Ayokong bina-balewala lang nila ako.

Ayokong hindi nila ako napapansin at dinadaanan lamang nila ako na para bang polusyon na hangin.

Ako si Freyah, Evil Witch Princess at magiging Black Queen.

Napangisi ako ng matamis. Habang hawak ko ang kwintas ko. Tumayo ako at pumunta sa harap ng salamin. Gagawin ko na ang plano ko.

Hinawakan ko ang salamin gamit lamang ang dulo ng hintuturo ko at nakita ko si Amethyst na masayang nagk-kwentuhan sa dining hall.

Sabi niya, dadalhan lang niya ako ng pagkain pag-balik niya dito. Nasa kwarto niya ako at sinisigurado niya na walang nakaka-alam na may tao pa dito.

Tanga. Ano’ng akala niya, na tao ako? Isa akong halimaw. Halimaw na kayang-kayang patahimikin ang isang tatanga-tangang prinsesa.

Agad akong na-alarma at napa-tigil sa ginagawa ko nang may narinig akong kalampang sa pinto.

Nag-handa na rin ako. Maya-maya lang ay pumasok ang isang babae. "Cindy." Banggit ko.

Mukhang narinig niya dahil kakalapag palang niya ng pagkain ay napa-lingon siya sa akin.

Tinawag ko ang walis ko gamit ang panaghoy ko sa bibig at dalawang daliri. Agad ko yung sinakyan at lumapit kay Cindy.

Sinarado ko muna ang pinto bago ko muling hinarap siya. "S-sino ka? Ano’ng ginagawa mo dito sa kwarto ni Amethyst?" Halatang takot na siya pero ayaw lang niyang ipakita sa akin.

Masubukan nga. "Hmm. Paano kung sabihin ko sayo’ng pinatira ako dito ng amo mo?" Sabi ko habang naka-ngiti. Mapang-asar na ngiti.

Pero tiningnan niya ako sa mata. Matapang ‘to ah. "Heh, hindi basta-basta pinapatira ang mga evil witch dito. Walang lugar sila sa kaliwanagan." Sabi niya.

Tiningnan ko siya ng nanlalaki ang mga mata ko. Ang kapal ng mukha niya para sabihin yon. Muli tiningnan ko siya, blangko na ulit ang ekspresyon ko ngayon, "Bakit, sa tingin mo kabilang ka dito? Sa sinasabi mo’ng kaliwanagan? O baka naka-limutan mo'ng matagal ka ng naiinggit sa reyna niyo? Na may plano kang palitan siya sa trono niya?" Nakita ko ang gulat na gulat niyang ekspresyon.

Ngayon, siya na naman ang may malalaking mata habang naka-nganga. "Cindy. Diba, pinapangarap mo'ng maging reyna dito sa Gem Kingdom? 'Wag kang tumanggi dahil alam ko ang mga ginagawa mo." Sabi ko sabay turo sa salamin.

Napa-tawa ako nang makita niya ang sarili niya sa salamin na may pina-planong masama ngunit palaging napapalpak. Katulad nalang ng pag-gawa niya ng kape para sa reyna. Hinahaluan niya ng lason.

Muli akong humarap sa kanya. "Boo!" Panggugulat ko sa kanya. "Nagulat ka?" Hindi siya umimik.

"Cat got your tongue, dear?" Muling tanong ko. Nakita ko ang pag-lunok niya ng sunod-sunod.

"Paano kung sabihin ko sayong gustong-gusto kong maging reyna dito sa Gem Kingdom?" Napa-ngisi ako.

Tinapik ko ang balikat niya. "Baka nakalimutan mong hinding-hindi ka magiging reyna? Sa itsura mong iyan? Sa diskarte mo? Walang-wala ka sa tatanga-tangang amo mo. Magsama kayong lahat!" Sabi ko at sinampal siya.

Napa-sigaw siya sa sakit at gulat. Naka-rinig ako ng mga yabag. Itinago ko ang walis ko at nag-panggap na ako ang nasaktan. Nung nabuksan na yung pinto, sakto namang nag-bago ang anyo ko.

Umiiyak pa ako, "Cindy. Ano'ng ginagawa mo? Bakit mo sinaktan si Freyah?" Tanong ni Amethyst.

Sina Phire lang pala ang umakyat. Sayang at hindi silang lahat. Mas magiging enjoying ang palabas kapag nandito silang lahat. Lalong-lalo na kapag nandito si Queen Jewel at ang asawa niya.

Lumapit ako kina Amethyst. "Sinaktan niya ako. Bakit daw ako napadpad dito. Sabi pa niya gusto niya'ng patayin ang reyna." Sabi ko habang umiiyak.

Tunay na may lumalabas na luha sa mata ko. Pero hindi nila alam na matatawa na ako. Tears of laughter.

Nanlaki ang mga mata nina Phire at Amethyst. "Simula ngayon, sa basement ka na magt-trabaho." Sabi ni Amethyst at pinalabas si Cindy.

Ang saya.

______________________________________________________________________________

Para sa Walang Forever. Check it on my profile.

AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon