[34] ♠ The Sovereign Queens

921 34 0
                                    

Short update lang ito guys kaya pag-pasensyahan na.

Happy reading!

_________________________________________________________________

CHAPTER 34 - THE NEW SOVEREIGN QUEEN

*~*~*~PHIRE’S POV~*~*~*

NAGISING ako dahil sa ingay na sigawan na naman nila.

Kailan ba sila titigil?

Napa-tingin ako sa labas, okay na yung panahon at hindi na umuulan. Pero ang aga pa, madilim pa nga sa labas. Siguro alas 3 pa ng madaling araw.

"Hati nga tayo di'ba?" Pasigaw na bulong ni Emmet.

"Ba't ang damot niyo?" Tanong ni Leo sa kanila.

"Pwede ba, Emmet. 'Wag mo kong istorbohin, giniginaw pa ako." Sabi naman ni Sky at mas lalong kinumutan ang sarili sa jacket kaya kinuha muli ng dalawa ang jacket para makumutan din sila.

"Kasalanan mo rin 'to no!"

"Tama na yan. Tara na at mag-simula na naman tayong mag-lakbay pabalik sa Gem Kingdom." Sabi ko at narinig ko ang kanilang pag-ungol. "Kung gusto niyong maiwan, O sige. Okay lang. Mauna na kami ni Amethyst." Sabi ko saka lumabas habang karga-karga si Amethyst.

"Ito naman, excited nga kami eh." Sabi ni Emmet saka nauna pang lumabas.

Nag-simula na naman kaming mag-lakad papunta sa Gem Kingdom. Kahit madilim ay nakikita pa rin namin dahil sa liwanag ng buwan.

Maya-maya lang ay nakarinig kami ng pag-daing ng isang lobo.

Mas napapabilis din ang aming paglalakad, "Ah, Phire. Parang... Parang may lobo ata ngayon?" Tanong ni Sky.

"Basta Blue Moon, maraming wild animals ang lalabas. Hindi lang basta wild animals. May kapangyarihan din sila kasi ginamit nila ang tao, sinanib ng wild animal ang kanyang sarili doon sa tao. Kagaya ko." Sabi ni Leo, seryoso siya ngayon. "Kagaya ko. Kaya kailangan natin silang patakan ng kahit isang patak ng dugo lang. Para maka-laya na sila."

Napa-lunok ako sa narinig ko, kaya siguro may sugat si Amethyst sa pulso-pulsuhan?

"Oo, tama ka. Si Amethyst ang nag-ligtas sa akin. Pinatakan niya ako ng dugo dahilan upang makalaya ako sa katawan ng isang leopard." Sabi pa niya.

"Grabe pala ang nangyari sayo." Kumento ni Emmet.

"Pero, bakit dugo pa ni Amethyst?" Tanong naman ni Sky. Tama, bakit dugo pa ni Amethyst?

"Kasi isa siyang dugong bughaw. Siya lang ang makakaligtas ng lahat." Biglang kumidlat nung mga iras na iyon at mas lalong naging asul ang buwan.

Blue moon. Shit!

"Nasaan tayo?" Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Maging sila din ni Sky, Emmet at Leo.

Boses iyon ni Amethyst ah.

"Shh, 'wag kang mag-alala. Ibabalik ka na namin sa Gem Kingdom." Sabi ko at saka inilagay sa gilid ang mga buhok niyang tumatabon sa mukha.

"Amethyst, marami pang kailangan mong tulungan. Isa kang reyna hindi ba? At ikaw ang itinakdang maging taga-paglaya ng mga katawan ng tao sa isang hayop." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I put Amethyst down first bago ko sinunggaban itong si Leo. "Ackk! F*ck! Ouch!" Sigaw niya.

Bumwelo pa ako at saka siya napatumba, "Gusto mo talagang mamatay si Amethyst ha?!" Susuntukin ko pa sana tong lalaking to nang bigla nalang may yumakap sa likod ko.

"Please, tama na." Narinig ko ang pag-hikbi niya. "Siguro, tama siya. Kailangan kong tulungan ang mga tao na maka-laya." Sabi pa niya at umiyak. "Siguro, nabuhay ako para mamatay." Ikinalas ko ang pagkakayakap niya saka siya tiningnan ng may galit sa mata.

Alam kong nag-iiba na naman ang kulay nito dahil galit ako, galit ako sa kanya, kay Leo. Sa lahat, galit ako! "Bakit ba hindi mo maintindihan?! Ibabalik na kita sa Gem Kingdom. Halika na!" Hinila ko siya pero hindi siya nag-patinag.

Hindi na rin siya umiiyak at saka siya napalunok ng malakas. "Sige na, Phire. Mauna na kayo. Hindi naman siguro ako mamamatay di'ba?" Tanong niya sa akin.

Niyakap ko siya saka ko hinaplos ang buhok niya.

Kailangan niyang iligtas ang mga tao para makalaya sa katawan ng isang hayop.

Siya lang ang makakaligtas dahil isa siyang dugong bughaw.

"Kasi isa siyang dugong bughaw. Siya lang ang makakaligtas ng lahat."

"Kasi isa siyang dugong bughaw. Siya lang ang makakaligtas ng lahat."

Ibig sabihin, pwede ang sinumang dugong bughaw ang tumulong.

Napangiti ako, "Wag kang mag-alala. Paparating na din sina Jade dito." Sabi ko, hindi maalis ang ngiti ko.

"Huh?!" Gulat na tanong ni Amethyst.

"Dude, 'wag mong sabihin na pinapasunod mo siya?" Tanong naman ni Sky.

"Naku, lagot talaga sila sa akin pag napahamak sila." Sabi naman ni Emmet.

"No, they insisted." Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay bigla kaming nakarinig nang pag-neigh ng mga kabayo.

No, pegasus.

Nandito na sila.

"So, I tracked you guys." Sabi naman ni Jade.

"I’ve heard you need help?" Tanong naman ni Ruby.

Napangiti nalang ako. Siguro, sapat na silang apat ang magtulong-tulongan hindi ba?

"Oh, who’s the new guy?" Tanong ni Scarlet.

"Just a bastard outsider." Sabi ko.

"Hoy, grabe ka naman Phire." Reklamo ni Amethyst. Napatingin ako sa kanya at sinamaan ng tingin.

So kinakampihan niya si Leo bastardo na iyon? "Tss." Sabi ko nalang saka siya tinalikuran. "Mauna na kami. Kayo nang bahala dito. Kailangan pang magamot itong kapatid niyong tanga." Sabi ko referring to Amethyst.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanila ngayon. Lalong lalo na kay Amethyst at kay Leo bastardo.

"Hoy Phire. Baka nakalimutan mong halos inaway mo lahat nang nasa kingdom dahil di mo mahanap ang tanga kong kapatid?" Napalunok ako.

"Huh?!" Sambit ni Amethyst.

Damn.

_______________________________________________________________

Let me hear your opinions about this chapter and don’t forget to vote.

AmethystWhere stories live. Discover now