[27] ♠ Realization

1.1K 34 0
                                    

CHAPTER 27 - A TRUTH REVEALED

*~*~*~AMETHYST'S POV~*~*~*

Nang muli kong marinig ang mga hagulgol ni ina ay nilapitan na namin siya.

Kahit masaya akong naka-ligtas si Phire. Ay sa kabilang dako naman ay malungkot ako.

Siyempre, kapatid ko si Bella. Kahit hindi kami magkakilala. Magkadugo pa rin kami.

Namatayan pa rin ako ng kapatid na ngayon ko palang nakilala. Niligtas niya ang pinatay niya. Niligtas niya si Phire.

Kahit papaano ay malungkot ako. Malungkot akong nakikita si Ina na nahihirapan at nasasaktan habang nakayakap kay Bella.

Niyakap ko si Ina kahit nakatalikod siya sa akin at nakayakap siya kay Bella. Na kalansay nalang.

Yumakap din ang mga kapatid ko na maluha-luha. Maging si Scarlet.

"Wala na si Bella." Nanginginig pa yung boses ni ina.

Pinaupo namin siya sa upuan na inupuan ni Scarlet kanina. "Alam niyo ba," muli na naman umiyak si Ina. "Si Jade at Ruby pa ang anak ko nun at buhay pa ang papa niyo. Mahilig mangaso ang papa niyo nun kahit na pwede lang siya'ng mag-utos sa mga tauhan. Bigla nalang akong kinagat sa leeg ng papa niyo pag-uwi niya. At nalaman ko din na nasalinan siya ng dugo ng isang bampira nun. Si Victoria. Nag-buntis ako ni Bella noon at sa'yo, Scarlet." Sabi ni ina habang nakatingin kay Scarlet at patuloy na lumuluha.

"Sa pag-labas ni Bella, biglang naging pula ang mata niya. Naipanganak ko siya'ng patay at napaka-putla niya. Ilang segundo lang ang nakalipas at nagkaroon siya ng buhay. Naisunod kitang napanganak nun, Scarlet." Sabi ni Ina. Napatingin siya sa kalansay ni Bella.

Huminga muna siyang malalim matapos niyang humagulgol, "At pagkagising ko, nawala na si Bella." Lumayo sa amin si ina at lumapit sa kalansay ni Bella at niyakap iyon.

Hindi ko alam kung bakit biglang umilaw yung katawan ni Bella nung tumulo ang luha sa dibdib niya. Umilaw yung parte na iyon.

Lahat kami naka-tutok lang sa kanila until Phire spoke, "Sorry Queen Jewel. Kung hindi po dahil sa akin, hindi mawawala si Bella." Naka-yukong sabi niya.

Paano kung hindi mawala si Bella pero ikaw ang nawala?

Hindi ko alam kung napakasama kong kapatid kapag sinabihan ko si Phire ng ganun.

Mas ginusto ko pa'ng mabuhay ang lalaking gusto ko kesa sa kapatid. It's funny how my life became like this.

Noon, isa lang akong ordinaryong tao na may average IQ, walang crush, mahilig sa fairytales at nananaginip na magiging successful sa buhay pag-laki.

Hindi pa ako ganito noon, ngayon... Napaka-engrande, napaka-yaman... Ng tunay kong magulang.

At hindi ako makakapaniwala na ang minsang bi-nu-bully ng mga kaklase ko noon ay naging prinsesa sa isang mala-fairytale na mundo. Sa Gem Kingdom.

Hay! Tama na nga ang drama.

Niyakap ko nalang si ina. Ganoon din ang ginawa ng mga kapatid ko, pero matapos naming magyakapan ay bigla nalang umilaw ang kalansay ni Bella.

Nakakasilaw na ilaw na hindi ko kayang tingnan. Nang maramdaman kong wala na yung nakakasilaw ay hinanap agad ng mga mata ko ang kalansay ni Bella.

"Paano nawala ang kanyang kalansay?!" Gulat na tanong ko.

Seryoso, parang fairytale na talaga to. Napaka-seryoso na nito na parang horror. Grabe ah, natatakot na ako.

"Iyan ang nangyayari kapag ang dugong bughaw na nabahiran ng masamang dugo ay namatay." Sabi ni Phire.

Tumayo kaming lahat at umakyat sa itaas, pinapahinga nalang namin si Ina dahil halatang depressed at pagod siya.

Matapos naming maihatid si ina ay dumiretso kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Pero bago ako makapasok sa loob ng kwarto ko ay napatingin ako sa katapat na kwarto. Kay Phire.

Nandoon siya nakatalikod sa akin at nakaharap lamang sa pintuan. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at niyakap ko siya kahit na naka-talikod siya.

Lubdub. Lubdub.

Bakit lumalakas yung tibok ng puso ko? "Pinag-alala mo ako." At hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga katagang iyon.

--------------------------------xXXx----------------------------

*~*~*~PHIRE'S POV~*~*~*

Alam kong hindi pa pumasok si Amethyst sa kanyang kwarto kaya ay hinintay ko siya.

Laking gulat ko nalang nang maramdaman ko ang mainit na katawan niya sa likod ko. "Pinag-alala mo ako."

Napa-ngiti ako dahil dun. Dinaramdam ko ang bawat pintig ng puso ko. Ngunit napawi ang mga ngiti ko.

Malabo Phire.

Malabo, hindi pwede. Mali ito.

Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. "Matulog ka na, Amethyst." Sabi ko at pumasok sa loob.

Iniwan ko siya'ng nakaharap sa nakasaradong pinto ng kwarto ko.

I shut the door.

--------------------------------xXXx----------------------------

*~*~*~AMETHYST'S POV~*~*~*

Nganga.

Ano'ng nangyari?

Sinaraduhan ako ng pinto. Napangiti ako ng mapait, sana pala hinayaan ko nalang mamatay ang g*gong yun!

Naisuko ko pa ang buhay ng kapatid ko para sa kanya. Nakakainis lang!

Ma-swerte nga siya at gusto ko siya. Aish! Bahala nga! Ang childish ko, eh ano ngayon?

Kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nagkaganito ngayon, kung hindi ko nalang sana nagustuhan edi wow!

Binaba ko na nga ang pride ko, nasigawan ko pa si Ina para lang sa kanya. And what's worst is yung mas pinili ko ang buhay niya kesa sa kapatid ko.

Napakatanga mo, Amethyst. Napa-pikit ako at napa-dilat ulit. Nandito pa din pala ako sa harap ng pinto ng kwarto niya.

Alam niyo ba'ng kanina pa ako nag-iisip na sunugin ang kwarto niya? Paulanan ng bala ng kanyon at bazooka, mag-uulan ng martilyo at pako, pati bolo.

Kanina ko pa siya pinapatay sa isip ko. Pero patuloy na tumutubo ang pagkakagusto ko sa kanya sa puso ko.

Ano ba, Amy! Napakashunga mo. Ang daming lalaki sa tabi-tabi jan oh! Namimili ka pa ng nanakit sa damdamin mo.

Tumalikod na ako sa kwarto niya at pumasok sa aking kwarto. Naisara ko na yung pinto at napasandal doon.

Napaupo ako sa lapag at napahilamos sa haggard kong mukha dahil na din kanina.

Ang kapal niya lang ah! Ma-swerte siya at pinili ko siyang iligtas.

Napaka-unfair. Kung pwede lang na iwasan ko siya...

Wait, iwasan siya.

Hindi naman iyon bawal di'ba?

Dahil na-realize ko na habang mas napapalapit ako sa kanya, nasasaktan ako at mas lalo ko siya'ng nagugustuhan pag nasasaktan niya ako.

And I also realize na matagal ko na siyang gusto.

Mahal ko na ata ang g*gong iyon. I guess I already love that f*cktard man.

Damn.

__________________________________________________________

Natawa ako sa f*cktard word.

Lol!

AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon