BLESSED

122 4 0
                                    

"BLESSED"
written by: lovely

You × Justin
(One Shot Story)
Y/n means 'your name'

    Nagising ka sa malakas na tunog ng alarm. Oras na para bumangon at maghanda ng almusal.

Y/n: (napatingin sa kama) Nasaan si Justin? Maaga ba s'yang pumasok sa work? (may naalala) Sandali, hindi ba Sunday ngayon? Paanong—

    Nag-decide ka na tumayo na lang dahil kailangan mo pang maghanda ng pagkain for Jacob, your son.

Y/n: Ano kayang lulutuin ko ngayon?

    Saktong pagkalabas mo ng kwarto ay napapikit ka sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina.

Jacob: (tumakbo papunta sa'yo) Mommy, let's eat na po. Daddy has already prepared the food.
Y/n: (nalilito) Ha?
Jacob: Tara na po. (hinihila damit mo) Mommy, let's eat na.
Y/n: Oh, ba't nagmamadali ka? Walang pasok ngayon, anak.

    Nagsalita si Justin mula sa kusina.

Justin: Love, halika na. May pupuntahan pa tayo.
Y/n: (nakadama ng slight kilig) Oo na, sige na.

    Naupo na kayo at nagsimulang kumain. Kapansin-pansin ang pagmamadali nina Justin at Jacob.

Y/n: Good job, Love ha. Ang sarap ng luto mo, as always.
Justin: (ngumiti lang at tumuloy sa pagkain)
Jacob: (walang imik)
Y/n: Sandali nga lang, ano ba'ng meron? (kunot-noo) Nag-uunahan ba kayo sa pagkain? Saan nga pala tayo pupunta at ganyan kayo kung magmadali?
Justin: (tumigil sandali sa pagkain) We're going to church, Sunday ngayon.
Y/n: Ahh, oo nga pala.. (sandaling napatahimik) Pero may second mass pa naman, 'di ba?
Jacob: Daddy said, bibisita pa po tayo kayna lola and—
Justin: Jacob!!
Jacob: (napa-takip sa bibig)

    Nagliwanag ang mga mata mo sa narinig mo. Ilang buwan na rin kayong 'di nakakabisita sa hometown mo.

Y/n: (ngumiti) Talaga?
Justin: Oo, kaya bilisan mo na. Liligo ka pa.
Y/n: Si Jacob?
Justin: Nakaligo na kami, natuyo na buhok namin kakahintay sa'yo.
Y/n: Galit ka ba? (nagpa-cute) I love you!
Justin: (itinatago ang ngiti)
Jacob: Mommy, Daddy, tumatakbo po 'yung time. Mamaya na 'yan.
Justin: Talaga ba, anak? Sige, habulin mo na muna 'yung time, ha. Maglaro muna kayo hanggang sa magkadumi ka para marinig na naman natin ang pangmalakasang rap ng mommy mo. (sabay tawa)
Y/n: Tsk, corny.

    Natapos na ang mga dapat matapos. On the way na kayo ngayon papuntang simbahan.

    Ilang sandali pa at...

Justin: We're here! Sakto lang dating natin, magsisimula pa lang ang mass.

»»»»»»»»

    Natapos na ang misa. Excited na kayong lahat na makapunta ulit sa probinsya. Ang mga magagandang tanawin at sariwang hangin doon ang mas lalo pang nagpa-sabik sa'yo.

Jacob: Lolo!! (nakangiting niyakap ang papa mo pagkababa ng kotse) Where's lola po?
Your Dad: Nasa loob, halika na apo at pumasok na tayo.

    Sinalubong ka ng best friend mo and as usual, mas nauna ka pang makipag-kwentuhan bago pumasok sa bahay niyo.

Justin: Love, uuna na ako sa loob ha!
Y/n: Sige, susunod na lang ako.

    Ilang sandali pa, and you decided to come inside. Alam mong hinihintay ka na ng pamilya mo.

    Pagkabukas mo ng pinto...

Jacob: (may dalang kahon ng regalo) Happy mothers' day, mommy. I love you!
Y/n: (napangiti) Thank you, anak. (naupo para yumakap) I love you, too.

    Dumating si Justin na may dalang isang malaking bouquet ng favorite mong flowers.

Justin: Happy mothers' day, Love. Thank you for everything, I love you. (kissed your forehead)
Y/n: I love you, too.
Your best friend: (kinikilig) Mothers' day ba talaga ngayon o Valentine's?

Y/n: Kayo ha, may pa-surprise pala kayo, 'di kayo nagsasabi. Akala ko tuloy, nakalimutan n'yo na kung ano ang meron ngayon.
Jacob: Kaya nga po surprise, eh.

    Napuno ng tawanan ang buong silid na natigil lamang nang biglang pa-simpleng umubo ang mama mo.

Y/n: Makakalimutan ko po ba kayo, Ma? (napangiti at may dinukot sa bag na regalo) Happy mothers' day po, Mama!! Thank you for being a good mother, a good teacher, a good listener and everything. Mahal na mahal po kita. (yumakap)
Your Mom: Mahal din kita, anak ko.

    Doon na kayo kumain ng tanghalian at nagtagal pa ng ilang oras. Ang mga oras na iyon ay tunay na masaya at alam mong 'di mo malilimutan.

Justin: (tumingin sa relo) Ahm, mama, papa, uuna na po kami. (nagmano)
Y/n: Ha? Mamaya na tayo umuwi, please.
Justin: Gusto ko sana kaso, may pupuntahan pa tayo.
Y/n: Meron na naman? Saan?
Justin: Love, hindi lang ikaw ang may mama. Syempre, hindi ba tayo bibisita sa pamilya ko?

    Napuno ulit ng tawanan ang silid. Hindi matutumbasan ng ano man ang mga ngiti ng mama, papa, best friend mo, asawa, at anak mo nang mga sandaling iyon.

Jacob: Mommy, why are you crying?
Y/n: (nagpahid ng luha) Masaya lang ako, anak. I am blessed and lucky to have you all in my life.
Justin: (nakangiti) Group hug?
Jacob: Group hugg!!

– THE END –

——————————————————

Thank you so much po for reading!!

DISCLAIMER: This is just a pure FanFICTION. Please do NOT take it seriously. 
WARNING: PLAGIARISM is a CRIME.

#SB19
#SB19_JUSTIN

SB19 Scenario's Where stories live. Discover now