Chapter Eight

225 4 1
                                    

PUMUNTA si Eliana sa bahay nina Nicco at may dala siyang root beer. Kanina niya pa hinihintay ang binata na makauwi sa trabaho nito. Nakikipagkwentuhan siya kay Kuya Rod at Manang Tess na katiwala at gwardya ng mga Meneses. Inip na inip na naman kasi siya sa bahay nila at katatapos niya lang din maglaro ng Mobile Legends at COC. Kagagaling lang din nilang mag-anak sa bahay ng lolo niya para bisitahin ito at hanggang kaninang tanghali ay nagpa-iwan siya para alagaan at bantayan ito.

     "Eliana? Anong ginagawa mo rito?" Hindi naman galit ang tono nito, nagtataka lamang. Kapapasok lamang ni Nicco sa bahay nila ng marinig niya ang boses ni Eliana.

Ngumiti ng matamis si Eliana rito at iniwan na siya ng dalawang kausap niya.

     "Hi, Nicco. Good afternoon din sa 'yo."

Inilingan lamang siya nito at lumapit sa kanya. Tinanggal nito ang cargo jacket at pinatong sa sofa.

     "Talagang nangapit-bahay ka lang para maghanap ng kausap huh? Ibang klase ka talaga."

Inirapan niya ito at tinadyakan ang paa.

     "Masama na bang maghanap ng ka-chikahan? Hindi ba kasama 'yon sa bokabularyo mo?"

Umasim ang mukha ni Nicco habang hinimas-himas ang binting tinadyakan ng dalaga.

     "Ang sakit mo namang mantadyak! Nagsasabi lang naman ng totoo."

Inismiran ito ni Eliana.

     "Ewan ko sa 'yo. Pagkatapos kitang hintayin dito, 'yon ang isasagot mo? Tss."

Sinandal ni Nicco ang katawan sa sofa. Nakakahapo ang trabaho niya. Mabuti na lamang at maaga-aga siyang nakauwi ngayong araw. Lumapit si Eliana rito dahil naaawa naman siya sa nahahapong hitsura nito, pero hindi naman nabawasan ang kakisigan.

     "Pagod ka?"

Nakapikit ngayon si Nicco at dumilat lang ng marinig ang tanong niya.

     "Obviously," pagod na sagot nito.

Lumabi si Eliana at minasahe ang ulo nito.

     "Nakakapagod ang trabaho mo at risky pero nevertheless masaya ka naman kasi pangarap mo 'yan kaya deserve mo rin naman ang nararamdaman mo," aniya habang minamasahe ang ulo nito.

Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Nicco ng dumilat ito dahilan para matawa siya sa reaksyon nito.

     "What I mean, worth it naman ang pagkapagod mo kasi satisfy ka sa trabaho. Parte naman kasi ang pagod sa pagkilos at pagtatrabaho. Iyong iba ngang hindi nagtatrabaho, napapagod, paano pa kaya ang nagtatrabaho."

Naramdaman niya ang pagiging komportable ni Nicco sa ginagawa niya. Mukha namang walang kaso ito sa binata kaya tinapos niya na rin ang ginagawa niya.

     "Thank you, Eliana. Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagmamasahe."

Inayos na ni Nicco ang pag-upo at ngumiti kay Eliana.

     "Eh hindi mo naman kasi ako pinahihintulutan noon eh."

Nawala ang ngiti ni Nicco sa labi at akmang may sasabihin ngunit kaagad nagsalita si Eliana.

     "Joke lang. Hindi ka naman mabiro."

     "I know. Ang kulit-kulit mo kasi. Hanggang ngayon naman."

Nginisihan lamang ito ni Eliana. At least nag-level up na ang turing nito sa kanya. They are friends now. Maybe they given a long time to grow and mature para maging ganito na sila kalapit ni Nicco. It took six years bago niya maabot at makausap ng ganito kalapit si Nicco.

Can I be Her?Where stories live. Discover now