Chapter Nineteen

244 3 0
                                    

NANG GABING ding iyon ay hinatid siya pauwi ni Nicco sa bahay nila. Ilang beses na missed calls at messages ang nakita niya sa cellphone na galing sa magulang, pati na rin kay Vince kaya wala silang choice kung hindi umuwi. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang papasok sa gate. Nginitian siya ni Nicco at magaang pinisil ang kamay.

     "Everything will be alright," anito. Tinanguan niya ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Nasorpresa siya na naroroon si Vince sa sala nila kasama ang magulang. Nakatingin ang mga ito sa magkahawak nilang kamay ng nobyo. Wala ng balak pang bawiin ni Eliana ang kamay niya kay Nicco, maging ang nobyo ay ganoon din sa kanya. They both decided to tell them their relationship with their families, but she wasn't ready to face Vince that looking into their intertwined hands. Hindi rin mabasa ni Eliana ang mga emosyon sa mga mata nito.

     "Eliana, bakit magkasama kayo ng lalaking 'yan?" mahinahon ngunit puno ng diing sambit ng ama.

Mas hinigpitan pa ni Nicco ang paghawak sa kanyang kamay. He even cleared his throat.

     "Daddy, nag-usap na po kami ni Nicco, we settle things, at okay na po kami. It's just a misunderstanding po," ani Eliana.

Mariin pa ring nakatingin sa kanila ang magulang ngunit nababakasan ang pagkagulat at madilim na tiningnan si Nicco.

     "Linoloko ka lang ng lalaking 'yan, Eliana. Papaano mo nasisiguradong totoo ang sinasabi niya?"

Mahinahong tumingin si Eliana sa ama at nang tiningnan niya ang mommy niya mababakasan ang kalungkutan sa mga mata nito. May makahulugang ngiti ang ama niya kay Nicco ngunit hindi inalintana iyon ng nobyo.

     "Daddy, naiintindihan ko kayo sa nararamdaman ninyo, but trust me, Nicco and I settle this already. He showed me evidence just to prove his innocent."

Hindi kumibo ang magulang. Pinisil ni Nicco ang kamay niya kaya napatingin siya rito. Nguniti ito sa kanya kaya napangiti na rin siya rito. Humarap ito sa mga magulang niya.

     "I love your daughter, ma'am and sir. Hindi ko po siya kayang lokohin. Hindi man po namin inamin kaagad ang relasyon na mayroon kami pero hindi ko po kayang lokohin ang anak ninyo." Tumingin ito sa magulang at huli kay Vince. "And to confirm, we have relationship."

Nag-iwas ng tingin si Vince ng magtama ang tingin nila ni Eliana. Malungkot na tumingin sa kanya ang ina ngunit kinalaunan ay nginitian siya. Wala namang emosyong pinakita ang ama niya kaya hindi mawari ni Eliana kung tanggap ba sila ng mga ito. Magalang na nagpaalam si Nicco nang gabing iyon sa magulang.

Nasasaktan siya sa uri ng mga tingin nila sa relasyon nila ni Nicco. Naiintindihan niya namang nabigla ang mga ito pero sana mabigyan sila ng pagkakataon ng magulang na ipakitang masaya siya kay Nicco.


***

SA SUMUNOD na araw ay sinama siya ni Nicco sa bahay nila dahil inimbitahan sila ng magulang nito sa isang dinner celebration. Naroroon din ang pamilya ni Kuya Harold.

     "Finally, I meet my girlfriend's son. I am happy for both of you. Sana next time makasama na ang parents mo," may simpatyang sambit ni Mrs. Meneses nang naiwan silang dalawa sa sala.

Sinamahan na ni Ate Megan ang mga anak para matulog sa dating kwarto ni Kuya Harold habang ang tatlong kalalakihan ay magkakasamang umiinom. Hindi na nga lang siya sumama dahil nakikipagkwentuhan sa kanya si Mrs. Meneses.

     "Maybe soon, tita," aniya, ngumiti.

Hindi niya mapilit sa magulang na tanggapin ang relasyon nila ni Nicco sa hindi malamang dahilan bukod sa paglilihim nila at ang hindi magandang pagbuking ng mga ito. Lumuwag ang damdamin ni Eliana ng civil ang magulang pagdating kay Nicco. Her boyfriend is trying to win her parent's heart and acceptance to their relationship.

Can I be Her?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant