Chapter Fifteen

242 1 0
                                    

NAKATINGIN sa sariling repleksyon si Eliana sa salamin. She is naked dahil katatapos niya lamang maligo. Napatingin siya sa repleksyon niya ng madaanan ito. She can clearly see the different woman in the mirror. Broken and pity. Gone the brave and wise woman that she build for the past six years.

It's ironic.

Umalis siya sa Pilipinas para kalimutan ang nararamdaman niya para kay Nicco pero ngayong nakabalik siya, she grab the opportunity to win his heart ng nalamang hiwalay na ito kay Diana. But remembering what she saw in Baguio, masakit pa ring makitang inaalala pa rin ni Nicco ang pinagsamahan nila ni Diana.

Nagiging duwag siyang komprontahin ang nobyo sa totoong nararamdaman nito sa kanya. Naduduwag siyang malamang hindi siya kaya nitong mahalin ng buo at magkakasya na lamang sa pinapakita at binibigay nito sa kanya. She tell to herself that she wanted to fight for him, na handa siyang burahin ang alaala ni Diana kay Nicco. She wanted to erase the pain he felt to Diana, but in the end, siya ang nasasaktan.

Nakakapagod din pala.

But she loves him.

And now she's in pain.

Nabaling ang atensyon niya at mabilis na sinuot ang roba ng marinig ang pag-vibrate ng cellphone.

Nicco is calling...

Mabilis niyang pinatay ang cellphone. Ayaw niya munang makausap ito. Dahil alam niyang sa oras na marinig niya na naman ang boses nito hihilahin siya nito pabalik sa bisig niya. Mas malulunod na naman siya sa pagmamahal dito. Gusto niya munang huminga. Baka sakaling mas malinawan ang pag-iisip niya.

Sumabay siyang maghapunan sa mga magulang niya. Kakauwi lang din ng mga ito sa trabaho. Inabala niya ang sarili sa pagluluto. Tutal naman nakapatay ang cellphone niya, no one dare to call her.

     "Eliana, saan ka nga pala pumunta no'ng nakaraan?" tanong ng mommy niya.

Huminto siya sa pagkain at bumaling dito.

     "Sa Baguio, mommy. Kaya may dala akong strawberry jam. Nagkayayaan kasi kami ng mga friends ko na pumunta roon," pagsisinungaling niya.

Iniwas niya ang tingin nito ng hindi niya na makayanan ang uri ng titig nito. She feels pressure. Mas natatakot tuloy siya sa susunod na asabihin dito dahil baka malamang nagsisnungaling siya.

     "You look happy with your friends, huh? Nadadalas yata," dagdag pa nito.

Napisil niya ang kamay sa ilalim ng mesa.

     "Sinusulit lang po bago ako bumalik ng Canada."

Tumango lamang ang mommy niya at tinuloy na ang pagkain.

     "Wala ka ba talagang balak na mag-settle rito sa Pilipinas, anak? You can find job here too," ani ng daddy niya.

Nginitian niya ito.

     "Pag-iisipan ko pa po, daddy."

Sumilay ang ngiti sa labi ng daddy niya.

     "Talaga, anak?" tuwang-tuwang sabi nito.

     "Yes, dad."

Nagkatinginan ang mag-asawa, nakangiti.

Naisip din ni Eliana na naririto naman talaga ang buhay niya sa Pilipinas. Her family and her Nicco. Kahit nasasaktan siya sa nalalaman kay Nicco, mahal niya ito at boyfriend niya. Nag-umpisa na ang relasyon nilang dalawa. Why not to continue? Sana lamang ay may lakas na siya para sabihin dito ang mga nalalaman. Nakakapagod na rin kasing umiyak nang umiyak.

***

SUMAMA siya kina Vince sa 'Midas Night Out'. Nagkayayaan kasi sila. Sakto lang dahil kinakailangan niya ring uminom. Hanggang ngayon kasi ay panay ang paramdam sa kanya ni Nicco at patuloy niya lamang itong binababaan.

Can I be Her?Where stories live. Discover now