Karma 48 - May Forever?

15.1K 244 15
                                    

Dave Pov

"Si Yssa!"

I am so nervous nung marinig ko ang pangalan ng asawa ko. Agad akong tumakbo sa may Operating Room at nakita ko si Xander na kausap ang doctor habang sila Zach naman ay tahimik na nakaupo sa gilid ng OR. Hindi ko mahulaan ang emosyon nila. Para silang mga taong walang emosyon at nakayuko lang habang nagsasalita yung doctor. Kita ko na wala sila sa wisyo para makipagkulitan dahil sa sitwasyon. Nakikinig lang sila sa usapan ng dalawa.

Agad kong binaling ang tingin kay Xander habang seryoso silang magkausap ng doktor. Una kong hinanap at tinignan ang reaksyon niya habang nagsasalita ang kausap. Kita ko sa mukha niya na puno siya ng pag-alala kaya agad akong lumapit sa kanila at sumingit na sa usapan nila.

Agad kong kinausap ang doctor. Hindi ko masabi at matanong ang gusto kong sabihin dahil sa extreme na kaba na nararamdaman ko. Naghihirapan akong mahanap ang tamang words na dapat kong itatanong.

"Doc, how's... my... wife?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Nakita ko lang na bumuntong hininga siya at tila nahihirapan sa sasabihin. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko at gusto ko na malaman ang nangyari. Habang tinitignan ko siya at hinihintay ang sasabihin niya ay mas lalo lang akong kinakabahan ng husto.

"As I was saying a while ago kay Xander. Naging maayos ang operasyon niya but I'll tell you honestly. Successful ang operation namin pero in the middle of it biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya. Nagpanic kaming lahat dahil usually seconds lang ay bumabalik na agad ang heart beat /rate ng patient pero inabot kami ng halos 5minutes sa pagrevive sa kanya. I'm sorry to say but..." malungkot na sabi niya sa akin.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Mas lalo akong kinabahan at nanginig, hindi pwede. Hindi siya pwedeng mamatay. Huwag ang asawa ko, Lord. Hindi ko na pinatapos ang sinabi ng doctor at agad akong tumakbo sa loob ng Operating Room.

"Yssa!" Malakas na sigaw ko pagkapasok ko sa unang pinto bago makapasok sa loob ng mismong OR.

"Sir, hindi po kay pwede dito. Bawal po kayo dito, Sir. Sa labas lang po kayo pwede. Mapapagalitan po kami ni dok kapag nanatili kayo rito." Pagpipigil sa akin ng isang nurse pero hindi ako nagpapapigil kaya dire-diretso lang ako sa paghahanap sa asawa ko sa loob. Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan ag hinarangan na naman ako ng isang nurse na lalaki.

"Huwag niyo kong pigilan. Gusto ko lang makita at masiguro na maayos ang asawa ko. Please lang, hayaan niyo na akong makita siya kahit ngayon lang, "pagmamaka-awa ko sa kanila. Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata dahil sa iba't-ibang senaryo na naiisip ko.

Ayaw pa nga nila akong papasukin kaso nagpupumiglas ako at agad na pumasok sa loob at hinanap agad ang asawa ko.

Nakita ko ang isang pasyente sa loob ng operating room. Nilapitan ko dun ang isang katawan na nakahiga sa operating table at nakatakip ang katawan niya ng puting kumot. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi pwede, Lord. Huwag naman pong ganito.

Hindi ko na napigilan ang umiyak doon sa nakatalukbong na katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko na tinanggal ang kumot na nakatakip sa kanya. Iyak lang ako ng iyak habang niyayakap ko siya. Ayokong tanggalin ang kumot na puti dahil hindi ko kaya na makita siya na ganoon at wala na sa piling ko.

Gusto kong magwala at manisi pero wala akong magagawa kasi alam ko na ito na ang gusto ng panginoon. Kasalanan ko lahat ng ito. Naging makasarili ako dahil hindi ko siya pinakinggan man lang. Ito na ba ang parusa mo sa akin? Ang kunin ang asawa ko para hindi na siya mahirapan at masaktan sa piking ko? Masakit po. Sana binigyan mo man lang ako ng isa pagkakataon para maitama ko lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko. Pero wala na ako magagawa, Lord.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now