Karma 16 - Joke!!!

10.3K 175 1
                                    


"BE MY GIRLFRIEND."

"BE MY GIRLFRIEND."

"BE MY GIRLFRIEND."

Nabigla ako sa sinabi ng lalaking ito. Paulit-ulit lang na parang sirang plaka ang sinabi niya. Hindi pa nagagrasp sa utak ko lahat. I was really shocked and cannot think right because of what he said to me. I can't find to uter a single word. Isa lang ang naisagot ko.

"What? Are you serious? Pinagloloko mo ba ako kasi hindi ako natutuwa. Wala ako sa mood na makipagbiruan sayo dahil hindi tayo close."

Napatayo ako sa pagkakaupo ko dahil sa sinabi niya. Sabi ko na eh. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking ito kahit na gwapo siya. Nakakainis! Merong kakaiba sa kanya na hindi ko mapaliwanag. Maling-mali talaga na pagkatiwalaan ko itong lalaking ito.

Grabe! Sobra akong naiinis sa kanya. Talagang gusto niya akong maging girlfriend pero hindi pwede dahil may asawa na ako. Lakas ng apog ng lalaking ito na alukin ako. Anong akala niya sa akin kaladkaring babae? Masamang babae? Kung hindi lang siya bestfriend ng asawa ko sinapak ko na ito. Hindi na siya nahiya na manunulot siya ng babae sa pangit na paraan. Kung tutuusin ay parang habulin naman to ng mga babae dahil sa itsura niya.

Tumango lang siya at nagpipigil ng tawa. Tinitigan ko siya ng masama dahil sobrang hindi ako makapaniwala sa gusto niyang gawin ko. Ang kapal ng mukha niya. May time pa talaga siyang tumawa. Ang saya?

"For God sake Xander! May asawa ako at yun ay ang bestfriend mo. Sana alam mo yan at iattak mo sa utak mo. You want me to give you a punch or a slap. CHOOSE NOW! TELL ME! Kasi sobra akong naiinis or rather nangagalaiti syo. Alam mo ba yun?" Nagsisisigaw na ako sa inis at galit sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang agawin ang asawa ng best friend niya. Anong rason niya? Naiingit ba siya o talagang lahat ng gusto ng asawa ko gusto niya rin? Ibang klase talaga ang lalaking ito. Mabait sa harap pero nasa loob naman ata ang kulo.

Tinitigan ko ulit siya ng masama. Mas lalong nainis ako dahil tumatawa pa din siya. Ni hindi nga siya makapagsalita at take note hawak-hawak niya pa ang tiyan niya. Napapa-iyak na rin ako dahil sa gusto niya tapos tawa lang siya ng tawa. Napaupo na lang ako sa inis.

"Akala ko mabait ka pero hindi pala. Alam mo ba sobra ang pasasalamat ko sa pagligtas mo sa akin pero ngayon binabawi ko na. Hindi ka pala mabait. Ano ito? Ito na ba ang kabayaran ko sa pagtulong mo sa akin. Sana hindi mo na lang ako tinulungan at pinabayaan mo na lang akong magahasa. Hindi ko akalain na sa iyo pa talaga yan mangagaling. Of all the people na kilala ng asawa ko ay ang bestfriend niya pala ang balak mag-traydor sa kanya." Umiiyak na sabi ko.

Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pinapatahan niya ako sa pag-iiyak pero hindi ko talaga mapigilan. Nagpupumiglas ako sa yakap niya dahil kinamumuhian ko siya at galit na galit ako sa kanya. Bakit naman ganito ang gusto niya. Karma ko na naman ba ito? Pero hindi ako magpapatalo.

"Don't touch me! I hate you!" Sigaw ko sa kanya pero malakas siya kaya nayakap niya pa rin ako at hinahaplos na ang buhok ko.

"Stop crying Yssa. May tanong lang ako sayo?" Humiwalay na siya sa pagkayap sa akin at naupo sa tabi ko. Tinignan ko siya at seryoso ang mukha niya na nakatingin din sa akin. Takang sinagot ko ang tanong niya.

"Ano yun?" Pairap na sabi ko sa kanya. Galit ako sa kanya.

"Alam mo ba nag salitang JOKE?" Pagpipigil na tawa niya. Ako naman ay matagal na nagloading sa utak ko ang sinabi niya.

"Joke? Syempre alam k...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sinimulan ko siyang paghahampasin sa braso.

"Walang hiya ka Xander! Nakakainis ka! Alam mo ba yun ha? Pinakaba mo ako. Akala ko talaga totoo ang sinabi mo sa akin kanina." Patuloy lang ako sa paghampas sa kaniya at siya naman ay sinasangga lang habang tumatawa pa.

"Nakakainis ka alam mo ba? Sobra akong naiinis ako sayo." Tinigil ko na ang paghahampas sa kaniya. Hindi ko na napigilan na pumalahaw ng iyak dahil sa joke niya.

"Uy, Yssa, Stop crying. Joke lang naman yun at isa pa hindi ko yun magagawa sa best friend ko. Sa tingin mo ba ganun na ako kasama at mangba-black mail para makuha ang isang babae?" Pagpapatahan niya sa akin. Hindi ko siya pinakinggan at umiyak lang ng umiyak. "Tigil na! Baka makita tayo ng asawa mo at kung ano pang isipin na ginawa ko sayo. Isa pa nakakatawa kasi ang istura mo."

"Kaso hindi ako natutuwa sa biro mo. Alam mo ba na pag kay Dave ay ayokong binibiro ako. Ang rami ko ng sakripisyo para sa pagsasama namin at nakikita mo naman na may improvement na diba?"

"Oo na pero may tanong ako? Bakit hindi mo sinabi kay Dave ang lahat ng nangyari sa iyo. Hindi ba karapatan niya rin naman yun bilang asawa mo?" Mahinahong tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Alam mo Xander, ayoko lang na kaawaan at pandirian niya ako. Madumi na ako dahil may nakahawak na sa aking lalaking hindi ko kilala at isa pa mabuti na ito dahil baka magdulot pa ng kaguluhan sa pamilya nila. Ayokong maging pabigat. Malakas ako at ayoko sa lahat ang awa ng mga tao sa paligid ko. Kaya nakikiusap ako na huwag mo ng sabihin sa kaniya o kahit na sino ang nalalaman mo. Ibaon mo na lang dito sa buhangin ang lahat ng nalalaman mo kasi masaya na ako at masaya na rin kami bilang mag-asawa. At isa pa, we started wrong kaya, kaya kong gawin ang lahat para sa pagsasama namin. Alam mo naman siguro na pagnagmahal ka gagawin mo ang lahat kahit na sobrang imposible. Pipilitin mong maging posible ang mga bagay batay sa gusto natin." Seryosong sabi ko sa kaniya.

Hinihintay ko ang reaction niya sa lahat ng sinabi ko. Nafeel ko ang awkward silence namin. Sa lahat ng sinabi ko, isa lang ang comment niya.

"Isa lang ang masasabi ko. Subukan mong mag-iwan ng kahit katiting na pagmamahal para sa sarili mo. Huwag mong ibuhos lahat ng meron ka. isipin mo rin ang sarili mo para hindi ka magdusa. Hindi yung ikaw lahat ang nagbibigay at nagmamahal dahil baka sa huli ay ikaw lang din ang masaktan. Hindi ko kayo pakikialaman ni Dave pero kung kailangan mo ng makakausap ay nandito lang ako bilang kaibigan at bilang nakatatandang kapatid. Tandaan mo yan, Yssa."

"Thank you Xander," yan lang ang nasabi ko sa kaniya. Thank God dahil tapos na rin ang pangamba ko tungkol sa nalalaman ni Xander. Kailangan ko lang ng tripleng pag-iingat para walang makakaalam pa ng mga sikreto ko.

I'm happy na may bago akong kaibigan sa katauhan ni Xander. Alam kong kakampi ko siya kahit na matalik na kaibigan pa siya ng asawa ko. I hope and wish na sana wala nang dumating na problema sa amin.                                                                                                                                                                                                                 

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now