Karma 15 - Boracay escapade part 3 (please)

11.8K 187 5
                                    


"Xander!"

Nabigla ako sa nakita ko. Si Xander na nagligtas sa akin sa muntikang pagkagahasa ay kaibigan pala ng asawa ko. This is so unbelievable. Una si Kuya Zach na isa sa mga best buds nila. Ngayon naman si Xander na new friend namin.

Napatingin ako kay Milly ng kalabitin niya ako sa braso. Lumapit siya sa akin at may binulong.

"Best, di ba si Xander yun?"

"Yeah!"

"Bakit kaya siya nandito at bakit parang close sila sa kanya?" Takang tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. I am shock nga na may common friends tayo sa buhay ni Dave."

Nakatingin lang ako sa kila Dave na kasama si Xander. Nagtatawanan at nagkwewentuhan sila. Parang ngayon lang nila ulit nakita si Xander.

Napaisip ako sa nakita ko. Si Xander na saviour ko ay kilala si Dave. Natigilan ko sa pag-iisip ng tawagin ako ni Dave.

"Allyssa!" Sinenyasan niya ako na lumapit dun sa kumpol nila ng kaibigan niya. Ang iingay nga nila dahil nagtatawanan, nagbobolahan at nagkakantsyawan.

Parehas din naman sila sa mga simpleng magbabarkada. Ang kaibahan lang ay lahat sila may kaya at professional.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Sinama ko rin si Milly pagkalapit namin sa kanila ay agad akong hinila ni Dave at itinabi sa kanya. Si Milly naman ay tumabi kay Kuya Zach. Nginitian ako ni Dave at nagsimula na siyang ipakilala ako sa bagong dating na si Xander.

"Xander, I would like you to meet my wife. Allyssa Jean Madrigal." Nakangiting sabi niya. Humarap naman si Xander at kinamayan ako pero nakakunot ang noo niya.

"Oh no! mukhang naalala niya ako." Sabi ng utak ko.

"Have we met before?" Tanong ni Xander sa akin.

Umiling lang ako dahil ayokong malaman ni Dave ang nangyari sa akin. A month or two. Siguro hindi niya ako maalala dahil may mga sugat at pasa pa ko sa mukha ko that time pero ang ikinakabahala ko ay baka makilala niya si Milly.

"Akala ko nameet na kita. Oh, sorry. By the way, nice to meet you Allyssa. I'm Xander Perez. I'm the one and only bestfriend of your husband." Inextend niya ang kamay niya para makipagshake hands kaya iniabot ko na lang ang kamay ko sabay sabing.

"Hi, nice meeting you," mahinang sabi ko.

"Ok, Tama na ang meet and greet. Let's go back to our table and let's eat." Masayang sabi ni Blue sa amin.

Nagsalita ang iba niya pang kaibigan at sinimulang alaskahin si Blue.

"Dude, Takaw mo naman."

"PG yan," sabi naman ni Justine.

"Hindi pa kayo nasanay diyan." nakisali na rin sa pagbibiruan si Xander.

Tinignan ko si Milly at sinenyasan ko siyang pumunta sa banyo. Narinig kong nagpaalam siya kay Kuya Zach.

Ako naman naghintay lang ako ng 20 seconds bago nagpaalam kay Dave.

"Dave, Comfort room lang ako." Pagpapaalam ko sa kanya.

Tumango lang siya at dali-dali akong pumunta ng banyo. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Milly kaya dahil sa bigla ay napasigaw ako.

"Ahhhhhhhh!" Agad kong tinakpan ang bibig ko at ni Milly dahil sumigaw din siya.

"Ano ka ba na Millicent. Bakit ka nang-gugulat. Kainis naman ito eh. Kita mo naman na kanina pa ako kinanakabahan simula ng dumating yan si Xander. Hindi mo ba napapansin sa kilos ko." Natatarantang sabi ko sa kanya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now