Chapter 9: Strategy

9K 538 233
                                    

Chapter 9: Strategy

Hindi maipinta ang mukha ni Prince Keegan pagbalik namin sa Wicked Hall. He was pissed. Hindi naging maganda ang resulta ng agenda nila ni Khino sa labas ng palasyo at dumagdag pa ang gulong nangyari nang ipatawag ako ng reyna.

He instructed Khino and Hera to follow him into the strategy room. Bago umalis, Hera told me to rest for the day. Siguro ay ramdam niya ang matinding takot na nananatili sa aking sistema. Para bang ano mang oras, bibigay ang mga binti ko sa panghihina.

I dragged myself to my room with heavy steps. Pero hindi ko magawang magpahinga tulad ng dapat kong gawin. Nanatili akong nakaupo sa kama habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa palasyo.

Nagkaroon ng kasunduan ang reyna at ang pangalawang prinsipe. Kailangan kong pagdaanan ang proseso na pinagdaanan ng lahat ng sentry sa Night Court. If I survive the competition, doon lamang ako makokonsidera bilang sentry ng pangalawang prinsipe. But for someone like me who has no proper training to compete with people who trained and prepared for this competition all their lives, it's self-destruction.

"If she fails, I will have to dispose of her."

Pumayag sa kasunduang ito si Prince Keegan. It means I have no way out of this mess.

Huminga ako nang malalim habang nakapatong ang magkabilang palad ko sa aking tuhod at nakatitig sa sahig. Death is closer in this place than any other places I've been to. This vulnerability... I hate it  so badly it's leaving a bitter taste in my mouth.

Ano'ng mangyayari kay Lola kapag hindi ako nakabalik? Kailangan kong makabalik, sa ano mang paraan at kahit gaano katagal, makita lang siya.

Pagsapit ng gabi, hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang ilang bagay. Isama pa ang labis na katahimikan sa palasyo. But this silence is far from the peaceful silence someone would expect from such a guarded place. If I listen  closely, I could hear the moving servants and the roaming Nightguards working in the shadows.

Madalang ang ganitong klase ng katahimikan sa labas ng palasyo. Hindi dahil panay ang gulo o alitan sa labas.  Kundi dahil bawat sulok ng bayan ay buhay. Natural noises from the nearby forest occupy most of our nights. The howling wolves and the coos of lone birds mixed with the movements of people working  until dawn. Silence isn't glamorized  because it means there's no longer work to do, no money to make a living.

Lumabas ako sa kwarto. I found myself walking to the inner courtyard surrounded by the walls of the Wicked Hall. Pinagmasdan ko ang madilim na langit na binabalutan ng maninipis na ulap saka nagbuntong-hininga.

"That's a deep sigh."

I instinctively backed away, bago lumingon sa pinanggagalingan ng boses. I stared up at Khino who was laying languidly on a thick tree branch with his head resting against his folded arms.

"What are you doing here at this hour?" He asked.

"What are you doing here at this hour?" Balik-tanong ko.

He chuckled. "I'm on night duty." He removed himself from resting against the tree saka tumalon sa lupa malapit sa kinatatayuan ko.

"Marahil nagulat ka sa mga nangyari kanina."

I was. Pero doon ko din nalaman kung anong klaseng relasyon ang meron sa pagitan ng reyna at ng pangalawang prinsipe. Mahirap isipin na isa silang pamilya sa uri ng pakikitungo nila sa isa't-isa.

Mas tumindi din ang hangarin ko dahil sa nangyari. At first, I only wanted to survive in this place. It doesn't matter how or in exchange of what. But now... it's not enough.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wicked CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon