Chapter 2: Swear on Liquor

60.9K 4.8K 2.9K
                                    

Chapter 2: Swear on Liquor

Ang pangalan niya ay Miss Poppy at maliban sa alam niya na isa akong babae, alam niyang isa akong magnanakaw. Kaya naging parte 'yon ng hiningi niya sa'king kapalit.

"Isang kwintas?"

"Maaaring nasa kwintas ito, maaaring nasa singsing," marahan niyang sinabi. "It's a bloody-red ruby stone at 'yon ang kailangan mong ibigay sakin."

"Saan ko ito makikita?"

She leaned forward, resting her chin on her palms, eyes alight in fatal glint. "Sa Night Court."

Natulala ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Her head swung lightly from side to side as though she's singing a song inside her head, imagining the ruby already in her hand. She's like a crow who collects shiny things. Shiny, expensive, dangerous things.

"Impossible ang gusto mong mangyari."

Alam kong pumayag na ako sa hinihingi niya. Pero imposible talaga, lalong lalo sa isang tulad ko.

The Night Court is the residence of the royals ruling this kingdom. Ang mga tulad naming taga-siyudad kailanman hindi makakapatak sa lugar na 'yon.

Walang nakakakita sa pamilya maliban sa ilang piling tao sa bawat rehiyon. Walang nakakaalam ng itsura nila. One thing I know for sure. They are wicked.

"Hindi ako humihingi ng imposibleng bagay."

Tinitigan ko siya. Ang maikli at magulo niyang buhok, ang kinang sa mga mata niya. Alam kong panganib ang dala nito. I could die getting that thing for her.

"Paano ko masisigurado na matutulungan mo ako sa gusto kong mangyari?"

"Maaaring tumuloy ang Lola mo dito habang ginagamot ko siya at ginagawa mo ang dapat mong gawin."

"At kapag hindi ko nagawa?"

Ngumiti lang siya saka tumayo. Akala ko doon na natatapos ang usapan namin, pero umikot siya sa mesa at pumunta sa likuran ko. Tinaas niya ang damit ko.

I prevented a shameless shriek from escaping my lips. She's a small lady but she moves without warning. She brushed her palms on the surface of my burnt skin and I nearly crawled away from her because of the pain.

Isang malamig na bagay ang tila dumampi sa balat ko. The strange sensation covered my entire back. Gusto kong lumingon para makita kung ano ito, pero nakapatong ang isang palad niya sa balikat ko para pigilan.

In the corners of my eyes I could see something glowing. Galing ito sa palad niyang nakatapat sa likod ko. Natulala ako sa napagtanto. She's using magic.

"Mukhang kailangan kong magpasalamat," sabi niya. "Dahil sa'yo hindi umabot ang apoy sa aking lugar."

Tuluyan akong lumingon, forcing her hands off my shoulder. "Anong sinasabi mo?"

"Doon mo nakuha ang mga sugat na ito, hindi ba?"

Gusto kong magsinungaling. But there are only few things you can hide from a magic user. And using magic isn't one of them.

--

Isang bagay ang binigay sa'kin ni Miss Poppy bago ako umalis. It was a small piece of brown paper, tattered and stained with something red with a name scribbled on it.

"Hanapin mo siya. Makakatulong siya sayo."

Tinignan ko ang papel bago ito siniksik sa bulsa ko. For good measures, iniwan ko ang mga alahas kay Miss Poppy. Para kahit mawala ako ng ilang araw, hindi niya pababayaan si Lola.

The Wicked CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon