CHAPTER SIX : Farewell, Archeo

5 2 0
                                    


“ Chapter Six : Farewell, Archeo ”

Habang naglalakad ako papuntang terminal ay tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa, lola? Hindi naman tumatawag ng ganito si lola lalo na maaga pa naman, "Hello po lola? " sagot ko ngunit walang sumasagot sa linya, napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sunod-sunod na paghikbi ni lola

" Lola? Ano pong nangyari? Lola? Umiiyak ka po ba? " tugon ko, " Hijo-Hijo " tugon ni lola, " Po? Bakit po? " saad ko " Ang lolo---ang lolo mo " sagot ni lola

" Ano pong nangyari kay lolo? " saad ko, " Na-sugod ang lolo mo sa hospital malapit sa trabaho niya hijo " sagot ni lola hindi na ko nagtanong pa kay lola at agad na pinatay ang tawag, hindi na ko nag-abalang mag-antay pa ng jeep

Hindi naman kalayuan ang university sa hospital kaya tinakbo ko ito, lolo ano pong nangyari? Papunta na po ako, hindi ko alam pero kahit hindi pa green light ay dire-diretso akong tumakbo para, unti-unting lumalabo ang paningin ko dahilan na rin na naiipon ang luha ko

Ramdam ko ang bawat pagpatak ng luha ko sa'kin pisnge na kinadahilan na pagtinginan ng bawat taong nakakasalubong ko sa daan, " Ayos ka lang? " saad ng isang buntis sa'kin hindi ko namalayan na nadapa ako sa daan

Tumango lang ako bilang sagot at tumakbong muli, unti na lang acheo makakarating ka na, " Na-nasaan po 'yung ma-matandang dinala dito? Ma-matandang lalaki po? " bungad ko sa nurse na aking natagpuan sa entrance

Gulat itong nakatingin sa'kin ngunit agad niya sa'kin itinuro kung nasaan ba ang lolo ko, agad ko itong pinuntahan at nakita si lolang nakatayo't palakad-lakad sa hallway, nilapitan ko ito at niyakap, " Ano pong nangyari? " tanong ko na kinadahilan ng pag-iyak ni lola

" May nangyaring sa lolo mo sa trabaho niya " sagot ni lola, " Nahulog daw ang lolo mo--hindi ko alam kung saan pero--pero--pero kritikal ang lagay ng lolo mo " saad ni lola at humagulhol, niyakap ko ito at pilit na patahanin

Sunod-sunod nagbabagsakan ang mga luha ko, hindi ko maintindihan, bakit ganito? Sunod-sunod na problema ata ang sumalubong sa'kin ngayong araw. Nakita ko nga ang nanay ko pero hindi maganda ang mga binitawan niyang salita sa'kin tapos ngayon naaksidente't nasugod si lolo aa hospital

Pagkalabas ng doctor sa ER ay agad itong nilapitan ni lola, " D-doc, ano pong nangyari sa asawa ko? Doc, ayos pa po ba siya? " bungad ni lola tumingin sa'kin abg doctor at bahagyang yumuko, " We did our best lola, but lolo Din didn't make it, our deepest condolences " doctor said

Napaupo si lola at humagulhol lalapit na sana ako kay lola ng hawakan ako ng doctor, " I don't know what's written inside this paper but he handed me, hindi ko na binuksan dahil sabi niya ay ibigay ko 'to sa apo niyang lalaki which is you, he said alagaan mo raw ng mabuti ang lola mo " tugon niya at inabot sa'kin ang maliit na papel


.....

Archeo,

Apo pasensiya na at hindi ko masabi sa'yo ng harapan kung ano nga ba ang dahilan ng mga magulang mo para maghiwalay sila, iniisip ko kasi na masiyado ka pang bata at hindi mo pa kayang akuin 'yung sakit na dinulot ng paghiwalayan nila

Noong iniwan ka nila sa'min hindi ko alam ano nga ba'ng gagawin ko, nag-iisa kong anak ang daddy mo at masaya ako na nagkaanak siyang lalaki na katulad mo. Napaka-bata mo pa noon nung iniwan ka nila, nag-antay ka ng taon dahil ang alam mo ay aalis lang sila at babalikan ka nila, ngayon binata ka na nag-aantay ka pa rin sa kanila

Sorry apo, pero kahit ang lolo hindi na ma-contact ang daddy mo gayon din sa mommy mo, siguro nga't masaya na silang dalawa pero natatakot akong baka isang araw malaman mong ano nga ba'ng dahilan ng hiwalayan nila at natatakot akong baka ma-saksihan mo kung gaano na sila kasaya sa buhay nila habang ikaw nandito sa piling ng lola mo umaasang babalikan ka nila

Apo, kung ano man ang mangyari sa pagkikita niyong tatlo sana'y maging masaya ka katulad ng sinasabi mo sa'kin. Pakiusap apo yakapin mo nang mahigpit ang daddy mo para sa'kin, kumustahin mo siya, okay?

Sana'y makasama mong muli sila apo ko, alagaan ng mabuti ang lola ha? Mahal kita apo ko.

Farewell, archeo.

......


Napaluhod ako ng mabasa ang sulat ng lolo ko, kahit sa huling hininga niya inaalala niya pa rin ang daddy ko. Nasaan ka ba? Nasaan ka bang tao ka? Bakit hindi ka nagpaparamdam sa mga magulang mo? Alam mo ba'ng gaano ka nila inaalala? Gaano ka nila ka-miss? Gaano ka nila gustong mahagkang muli?

H'wag mong sabihin dahil sa walang kwentang babaeng 'yun iniwan mo na rin ang pagiging mabuting anak mo sa kanila? Wala ka bang utang na loob? Isa ka bang gago?

Dahan-dahan akong gumapang palapit kay lola at niyakap ito, " Susubukan ko pong tawagan at hanapin si daddy lola " tugon ko na ikinatigil nito, " Gagawin ko po ang lahat magkita lang po kayo " dagdag ko

" Aalagaan ko rin pa kayo ng mabuti " dagdag ko at hinagkan muli ang lola ko

Umuwi na kami nang kunin na ng funeraria ang lolo, tulalang nakaupo sa sala ang lola. Madilim at mabigat sa pakiramdam ang itsura ng aming bahay hindi katulad noon na maliwanag at kay siglang tignan

" Archien Lincoln, no mutual, may 5 last post, and empty about? " pero may mga photos siya, " 1,206 mobile uploads, 3 profile pictures, 500 timeline photos, and 1 cover photo " sigurado na kong siya ito, ang cover photo niya'y litrato nilang tatlo

" Ha? Ni-isang litrato na kasama si mommy wala? Pero---nandito ako " saad ko nang silipin ko ang mobile uploads niya, " Wait--Si mommy 'to, noong kasal nila ito " tugon ko nang mapansin ang isang litrato sa profile pictures niya

Napahinto ako nang makita ang isang litrato na naka-tag sa kaniya, " I--ito 'yung babaeng nasa diyaryo nung nakita ko dati....Si-siya 'yung nag suicide sa mismong kasal nila " tugon ko nang makilala ko ang isang babae sa litratong iyon

A-anong koneksiyon ni daddy sa babaeng 'yun?

.......
Chapter Six : Farewell, Archeo
“ Her: The whole truth ”

HER : The whole truthWhere stories live. Discover now