CHAPTER NINE : How does it feel?

3 2 0
                                    


“ Chapter Nine : How does it feel? ”


* after three weeks, archeo's grandfather has been buried but on those weeks his father didn't show up, message and call for archeo, but his mother gave a money for his grandfather's graveyard.

......

Tatlong linggo nang nakalipas na nailibing ang lolo, si lola hindi na tulad ng dati. Tahimk siya't hindi makausap, mahirap parehas sa'min na mawala si lolo, pero tinatataggan ko ang loob ko para kay lola, sinubukan ko ng ilang beses na tawagan si daddy pero wala, hindi naman nito sinasagot ang tawag ko

Hindi ko alam kung naka-onlin ba siya o hindi dahil na rin hindi naman kami mag-mutual sa facebook, hindi ko rin alam ang number niya sa sim. Mahirap palang maghabol sa taong hindi mo na alam kung nasaan o kumusta ba siya

" Lola? Dito po muna ako, uuwi din po ako kaagad " saad ko ngunit walang lola ang sumagot sa'kin, napaka-dilim st tahimik ng bahay namin. Nakatalikod lang si lola sa'kin, humihikbi lang siya at nakatulala

" Nag-iwan po ako ng pagkain sa lamesa, kumain po kayo ha? Sige po dito na ako " saad ko bago tuluyang umalis sa bahay, " Archeo " saad ni rio nang magsalubong kami sa terminal

" Rio, dito ka rin pala sumasakay " saad ko, " Dito ko kasi inaantay ang papa ko, unang pasada niya sumasabay na ko sa kaniya para iwas gastos sa pamasahe. Kumusta si lola? " sagot niya, ngumiti lang ako rito at bahagyang yumuko

" Gano'n pa rin, simula nung mawala ang lolo tulala siya't iyak nang iyak. Hindi ko na alam ano'ng gagawin ko kasi umaabot na sa puntong hindi na siya kumakain sa isang araw, natatakot akong manghina siya " sagot ko rito

" Mahirap mawalan ng taong minamahal, umaabot muna ng taon bago ka maka-move on at ma-punta sa acceptance stage lalo na kay lola. Kaya lakasan mo loob mo archeo, ikaw na lang ang mayroon siya " saad ni rio at itinapik ang balikat ko

" Ha! Makikita ko na naman si ate fienne " nakangiting tugon niya habang hawak-hawak ang bag niya, " Thank you " saad ko rito na ikinatawa niya

" Thank you? You don't need to thank me, pinapayuhan at tinutulungan kita dahil kaibigan kita. Pakatatag ka " saad niya pa bago pa man kami makasakay sa taxi ng papa niya

Pinapanood ko lamang silang mag-ama na nagbibiruan, napaka-saya nilang pagmasdan 'yung ngiti nila napaka-genuine sa isa't-isa. Ngumiti din kaya ng ganiyan si daddy sa'kin? Naging masaya ba kaming dalawa noon? Kahit isang beses lang?

Hey rio, how does it feel to laugh and smile with your father? How does it feel to have a father by your side? How does it feel, to have a complete, happy, and healthy family?

Napansin ko na lamang silang nakatingin sa'kin hindi ko naramdaman na may luha na palaang tumutulo galing sa'kin mga mata, " Hijo, okay ka lang ba? " mahinahong tanong nito umiling lang ako bilang sagot at tumingin sa labas ng bintana

" Ano po ba'ng pakiramdam na kasama mo ang pamilya mo? " tanong ko na ikinagulat nila, he then smile at me before he gently look away

" Masaya, kasi nakikita mong lumalaki ng malusog ang mga anak mo. Masaya dahil nakikita mong mahal ka rin nila, bakit hijo may problema ba ang pamilya mo? " tugon niya na nagpalungkot sa'kin

Rio gently touch his father's shoulder gesturing something to him, " Pa " mahinahon ngunit malungkot na pagkakabigkas ni rio, " Rio, that's fine....Sinabi lang naman ni tito 'yung nasa isip niya" tugon ko pa't ngumiti

Huminga ako ng malalim bago magsalita, " Yes we have tito, I don't have any hard feelings to both of my parents before....Pero after eight years na paghihintay ko malalaman kong professor ko pala 'yung mommy na inaantay ko, she looks happy and contented, then when I come to her life again....At natawag ko siyang mom sa room she pulled me outside, she slap me really hard and pushed me....Hindi niya na ko anak kung tingnan niya, my dad? I don't know where is he now, sa facebook walang update hindi niya nga ko ina-accept I called his number several times yet he didn't answer one of them " mahabang lintaya ko

" Ayokong magtanim ng galit kay daddy, pero sa ginagawa niya he making me do it. How come he didn't shows up to his father funeral? Kahit no'ng nilibing si lolo wala siya! Putang ina, kapag kailangan namin siya wala siya no! Kahit kailan wala siya sa tabi namin " galit na tugon ko na nakapagpa-tahimik sa kanila

" S-sorry for blurting some bad words " saad ko, " Okay lang hijo, ayan ang nararamdaman mo ngayon kaya wala kaming magagawa ni rio diyan. Okay lang umiyak sa ganiyang problema, okay lang magalit sa ganiyang mga tao kahit pa sariling amo mo 'yan. Ilabas mo lang " tugon niya na nakapagpakalma sa'kin

" Thank you po " mahinang tugon ko at yumuko. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kamk sa school namin at dumaan muna ako sa sports club, " Magandang umaga po sir " bati ko pagkapasok

" It was nice seeing you again, Lincoln " saad nito at bahagyang tumingin sa'kin, " For now you must rest, h'wag mong i-push ang sarili mong mag-train may team ka na rin pala, you can rest for a while " tugon pa nito at bahagyang tumalikod upang gawin ang kaniyang ginagawa

" Naintindihan ko po, thank you po " tugon ko bago umalis, habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si mommy. Yumuko ako para iwasan siya ngunit narinig ko itong bumulong

" Alagaan mo nang mabuti si mama ikaw na lang ang nandiyan para sa kaniya " bulong niya na aking narinig, napatigil ako't tumingin sa kaniya

" Mommy? May pag-asa pa ba'ng mabuo ang pamilya natin? " tugon ko na ikinatigil niya, lumingon ito sa'kin. Umiling ito sa akin at bahagyang ngumiti, " I'm happy with my new family now archeo.....And I don't even know where is your dad now, move on and forget about us. Just so you know I'm happy that you grow to be a healthy and big boy now but I can't assure you that our family will be fix just like what are you thinking sorry " saad niya at lumakad na papalayo

Huminga akong malalim bago pa tumulo ang aking luha, " You know? I missed you and dad I've been crying every night thinking that what if we're still okay right? Ano ba'ng magagawa ko? Masaya ka na sa bago mong pamilya while here I am umaasang maayos pa ang pamilya natin " saad ko pa bago lumakad





.....
Chapter Nine : How does it feel?
" Her : The whole truth "


Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 16, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

HER : The whole truthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora