CHAPTER EIGHT : Truth or Another Lie?

3 2 0
                                    

“ Chapter Eight : Truth or Another Lie? "


Limang araw nang burol ni lolo at kahit anino ng magaling kong mommy ay wala. Triny kong tawagan at pakiusapan si daddy pero hindi niya ko sini-seen, hindi niya ba alam gumamit ng messenger or facebook lite man lang?

" Magandang umaga po, tita Gwin " tugon ng hindi pamilyar na boses, nilingon ko ito at tinititigan. Malaking tao ito na may tattoo sa batok, sabihin natin medyo nakakatakot ang itsura niya

" Oh? Ang laki na pala ng inaanak ko tita " tugon nito at ngumiti, sino 'to? Bahagya akong umatras ng papalapit ito, " Gwapo. Parang si archie lang! " tugon niya at hinawakan ako sa balikat. Taas kilay ko itong tiningnan at bahagya siyang tumawa

" As expected, may nakuha ka din sa mommy mo " saad niya at doon nawala ang ngiti sa labi niya, " Archeo, ninong mo...Pinsan siya ng daddy mo, 2 years ka palang kasi nung huling kita niyo " singit ni lola, " Herton, nakakatandang pinsan ng daddy mo " tugon niya naman at umalis na sa harap ko

Ngayon nakatayo ito sa harap ng kabaong ni lolo, kita kong umiiyak ito hawak-hawak ang isang papel. Oo nga pala, may hawak siyang maliit na papel kanina pa. Kaninang kaharap ko siya napansin ko din na kasama siya sa photo na naka-tag kay daddy.

Hindi rin nagtagal umupo na ito sa gilid habang nakatingin kay lolo, " Archeo " tawag nito na ikinatigil ko. " Hindi ko alam kung bakit hindi na nagpapakita ang daddy mo sa'min lalo na sa inyo nila tito. Since nag divorce sila hindi na siya nagpakita, I know the reason why they chose to end their marriage than saving it, pero masiyado ka pang bata para malaman 'yun " tugon ni tito

" No matter how old I am, I have a reason and rights to know why they chose to get divorced. Afterall, anak nila ako " saad ko na ikinagulat niya, " Well, teenager ka na so--I guess, I have no choice....Your dad did something that your mom can't imagine how he do that, tita and tito knew about this too, but they chose to keep it a secret from you. We are afraid of what will happen to you after knowing those shitty things your dad did. Kung nagpaplano ka man na kilalanin at puntahan ang daddy mo mahihirapan ka, pati sa facebook, instagram, at sim number niya hindi siya ma reach out " mahabang lintaya nito

" Then tell me...Tell me what he do? Ano'ng reason niya para gawin 'yun? " pangungulit ko umiling lang ito at ngumiti, " No. I hold a promise from your dad and tito, hindi ko sisirain 'yung tiwala na binigay nila sa'kin patungkol sa kung ano man rason ng daddy mo " sagot niya

Inis akong tumingin dito, " Ha? So iiwan niyo na lang akong clueless habang buhay? Iiwan niyo kong walang kamuwang-muwang kung bakit ba naghiwalay ang parents ko? Totoo ba 'yang mga pinagsabi mo o hindi? Hindi naman ata makakaapekto sa'kin 'yun e. Ang akin lang gusto kong malaman kung ano ba rason nila para maghiwalay at iwan ako! Ayun ang gusto ko! " lakas loob kong tugon dito

Ngunit tiningnan lang ako ng may lungkot sa mata, " Sorry " tugon niya bago umalis. Nakita ko naman na nakatingin ang mga bisita sa'kin, " Archeo.... " mahinang tugon ni lola tumingin lang ako rito at ngumiti

Lumabas muna ako ng bahay para magpalamig, hindi ko na kasi alam ano nga ba'ng magagawa ko, ano ba talagang rason nila para itago lahat ng 'yun sa'kin

" M-mom? " tugon ko ng makita itong naglakakad patungo sa direksyon ng bahay namin, ano'ng ginagawa niya dito? Lumapit ako rito at hinatak ito, " Anong ginagawa mo?! " mahina't galit na tugon nito

Kinunutan ko ito ng noo, " Ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan. " sagot ko, hinatak niya ang kamay niya at binaba ang nakatakip sa bibig niya, " Gusto ko lang makita ang papa " saad niya, " No--si tito, gusto ko siyang makita pati si tita masama ba? " saad niya

" So, why are you here? 'Diba dapat binabantay mo ang lola mo? Ganiyan na ba ang mabu---- " hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng magsalita ako, " Bakit? Naging mabuting ina ka ba? By the way, nandiyan mga pinsan ng daddy " sagot ko na kaniyang kinagulat

Bigla niya akong hinatak pabalik sa kinauupuan ko, " Ginagawa mo? Bitawan mo nga ko " pagpupumiglas ko ngunit hinatak pa rin ako nito, " Please! Ayokong makita nila ako, please! Kahit samahan mo lang akong umupo dito " pagpupumilit nito, " Nah, bahala ka diyan " tugon ko at hinatak ang kamay ko

" Archeo, please " saad niya lumingon ako rito, " Fine. " inis na tugon ko at umupo saa tabi nito. Magkakahalating oras na kaming nakaupo sa labas na tahimik at tulala lang, " Sorry " she suddenly said

" For what? " saad ko, " Sa nangyari sa school....Hindi ko naisip na masasaktan ko pala ang anak ko, sorry " saad niya, " 8 years? That's long, I didn't know the archeo I left will grew this big....Top student ka at athlete pa, proud na proud ako sa'yo. Archeo, anak? Sorry if I can't be with you, I have a new family now and.....Your dad, I don't know where he is now but I hope you meet him too....I'm sure, matutuwa ang daddy na malaki na ang prinsipe niya " mahabang lintaya niya habang hawak-hawak ang ulo ko

Tinabig ko ang kamay nito na kaniyang kinagulat, " I'm happy that I met you after 8 years looking for you, pero I'm not the same as before na pinapangarap na makasama ka uli, kaya hindi mo na kailangan manghingi ng sorry " tugon ko,  " Your words cuts a deep wound in my heart and I can't forgive you for that. Enjoy your life, Mrs. CLARKSON. " dagdag ko at tumayo na sa kinauupuan at umalis doon

Sorry? No, that's a lie. How can you act like nothing happened? Acting like you didn't say something to me that hurts me? You left me for 8 years! You didn't smile and greet me when we met, you slapped me because I was too confused and angry, you said you don't want me to interfere your life but here you are, saying sorry? And hoping for forgiveness? No, I don't fucking give a shit. I will never swallow my pride for a shitty woman like you.




........
Chapter Eight : Truth or Another Lie?
" Her : The whole truth "

HER : The whole truthWhere stories live. Discover now