Chapter V

35 0 0
                                    

The next few days were a blur. Nagsabay sabay ang mga assignments and quizzes ko sa iba't ibang subjects. Tapos naging busy din ako sa student council dahil puro meetings kami in between lunch and classes ko, minsan doon na lang din ako nag lalunch at hindi ko na nakakasama madalas si Thalia and Sav kahit may ilang minor subjects na magkaklase kami. Malapit na rin kasi ang foundation day and we would love to make sure that everything is prepared.

Nalulungkot ako kasi hindi ko na talaga nakausap si Zyd after our chat. Hindi na siya nag online after it. Hindi na ako dumadaan din sa sports ground.

 Sina Liam, Kai, Kyline and Riley ay hindi ko na makabonding masyado. Pag gabi ko na lang sila nakikita pag hinahatid ako ni Liam or Riley minsan sa bahay. Halos 11PM to 12MN na ako nauwi madalas sa sobrang daming gawain sa school. Hindi pa naman ako naglalakad pauwi kasi sobrang late na so minemake sure ni Liam at Riley na halin hinan sila sa paghatid sakin since tuwing umaga ay kasabay ko naman si Liam.

I can't even stop to take a break because of my studies because I can't afford a grade less than 1.75, pag nagka 2 ako ay iiyakan ko talaga. Sobrang daming assignments and projects! Mga minor subjects na akala mo ay major! Nakakainis. 

Hindi ako sobrang matalino unlike Kai and Liam na mabilis magmemorize at intindihin yung mga inaaral nila. I have to freaking work my ass off twice or thrice and hindi rin ako pwede magpabaya as the vice president of the student council. Si Kai na lang laging nakikita ko since sunod sunod mga meeting namin, hindi rin naman kami nakakapag usap ng maayos kasi pareho kaming busy. Doon ako sa SG office naglalunch na or nag-aaral. 

Late ako umuuwi tapos sobrang aga ko naman pumapasok. 

It felt like hell for the next few days. Kahit hindi pa midterms feeling ko sasabog na talaga utak ko. 

"tangina naman Riley" bulong ko after ko mareceived ang message niya na hindi niya ako mahahatid sa bahay ngayon kasi wala na siya sa school at may importante siyang pinuntahan. Dapat si Riley maghahatid sakin today since magsstay si Liam kina Kai at may tatapusin sila sa taxation ata. Riley is not serious on his studies unlike us, kahit magkakapareho sila ng course, kaya hindi siya kasama ng dalawa. 

I checked my watch. 12:30 Midnight. 

Fuck. 

Natatakot ako umuwi mag-isa at maglakad since super late na. Nasa student lounge ako and madilim na sa school pero may iilan pa ring students na nandito. 

Bahala na nga. Maglalakad na lang ako, ayoko mag taxi, I know this is a safe community pero hindi pa rin maalis sakin na baka sa ibang lugar ako dalhin. Huminga ako ng malalim at naglakad palabas ng campus. Ang bigat na ng handbag ko tapos may mga hawak pa akong papel kasi pasahan na tomorrow and tinapos ko lang ito sa school. 

Habang naglalakad ako sa gate ay nagsend na ako ng messages sa gc namin nina Liam, Kai, Kyline at Riley na pag wala ako bukas ay siguradong sinalvage na ako ng kung sino man dahil maglalakad ako pauwi. 

Walang nagseen. 

I sigh. Sobrang busy talaga naming lahat. Fuck you Riley kung nasaan ka man ngayon. 

"Selene? what the hell are you still doing here?!" 

Napatingin ako sa nagsalita na si Zyd. He's wearing a Ralph Lauren polo and a simple denim pants and brown loafers. Kita ko na parang galit siya ngayon? Problema nito? 

Hindi ako natutuwa na makita siya ngayon kasi alam kong sobrang haggard ko tingnan. Nahihiya ako kasi naka simpleng white vneck shirt at pants lang din ako na parang pinag sakluban ng langit at lupa pero siya parang ang fresh pa rin? Bakit ba napaka unfair ng buhay??!!

When She Fell Beneath, Under and OverWhere stories live. Discover now