Chapter XI

17 0 0
                                    

"Sav, please make it light" pakiusap ko sa kanya na wag kapalan ang make-up ko dahil hindi naman ako magka-club kundi ay magdidinner with Zyd.

"Oo na manahimik ka diyan, let me do my work" wearing her sweatpants and a tank top seryosong nakatingin si Sav sa pag aayos ng kilay ko. Kanina pa siya nandito at dito na niya balak mag ayos dahil pupunta din siya ng club.

Nilagyan niya ako ng pink na lipstick with a bit of blush on too.

"ayan, since maputi ka kitang kita talaga" she said staring at my face.

Nakangiti siya sakin at tuwang tuwa sa kinalabasan ng pagmamake-up niya. Siya kasi ang kinausap ko na tulungan ako mag ayos sa formal dinner nina Zyd mamaya.

"ang ganda mo masyado Sel, for sure maoobsessed na talaga sayo yang si Fuego" dagdag pa niya habang inaayos ang buhok ko. We decided to curl it down pero hindi sobra para magmukhang natural wave pa rin siya.

Sinuot ko na ang aking princess cut top dress na kulay beige with my red stilletos na hindi naman kataasan. I wore some jewelry too.

Tumingin ako sa salamin after and wow, parang gusto ko munang titigan ang sarili ko. I'm fair, tall and petite, just the usual type pero parang nagmature ako sa ayos ko and I really look elegant.

"you look so freaking gorgeous Sel, nakikita ko na mamaya na patay na patay lalo sayo si captain Fuego"

"Thank you Sav, I feel pretty too"

sinubukan pa ni Sav na iikot ako para makita niya ang likod ng dress ko and she thumbs up at approve na approve sa hitsura ko ngayon.

"Okay since you're done, maliligo na ako and I'll get wasted later" she said and I rolled my eyes at her.

"Sino na naman ang flavor of the week mo?"

"Well...may isang 4th year engineering student na kasama ko later, gosh super hot!!" she winked at me at umalis papunta ng cr dala ang mga gamit niya.

Napailing na lang ako. Sanay na sanay na ako sa mga flings ni Sav but never really commit. For sure in the future, makakahanap ng katapat to.

'I'm here' message ni Zyd. Inayos ko na ang gamit ko. Sav will lock the house once she leaves at pinag usapan na namin kanina. Minessage ko na din siya na aalis na ako since she's playing music inside habang naliligo so she won't hear me even if I yell.

Mabilis akong nagtungo sa labas. I slowly opened our main door and there he was... Zyd Fuego casually standing beside his Mclaren, hands inside his pockets wearing a navy colored three piece suit.

I smiled when I saw him.

He looked a bit shock dahil napanganga siya ng kaunti. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya tukhim at magsalita.

"you look...stunning vp" I rolled my eyes at him na kinatawa niya lang.

Ngumuso ako at nagkunyaring nainis sa pagtawag niya sa akin ng vp.

He softly grabs my hand and kisses my knuckles.

"sobrang ganda mo Selene"

Damn him!

He opened his car door for me and then he went to the drivers seat. Mabilis lang ang naging byahe namin.

Mamamatay ata ako sa kaba.

Before pag magkasama kami, the first few days lagi akong kinakabahan but it was with a tinge of happiness. Pero ngayon ay sasabog na ata ako sa kaba dahil makikilala ko ang pamilya niya.

Ni hindi ko pa nga siya boyfriend!

Ano yon? Friends ang pagpapakilala niya sakin? We're definitely not friends.

When She Fell Beneath, Under and OverOnde as histórias ganham vida. Descobre agora