Kabanata II

418 18 7
                                    

Eleven Years Ago

“In the matrix
| 1   4   3 |
| 0   6   4 |
| 9   1   4 |, what is the cofactor of 6?”

Masakit sa tainga ang nagagawang ingay ng pagkiskis ng lapis sa bond paper. Kaagad sinagutan ng iilan ang tanong na iyon, kabilang na si Drei. May iba namang napailing na lang habang kinakamot ang ulo. Parang sisiw lang naman kay Drei ang tanong. He's lucky enough because they just had their discussion about matrix last week. He could recall it without having a hard time.

Kasalukuyang ginaganap ang “Search for the Mathematician of the Year”. Noong nakaraang linggo ay sumubok ang lahat ng engineering students na mapasama sa top 60 ngunit iilan lang ang pinalad. Noong Biyernes, nagpatuloy ang elimination round hanggang sa sampu na lang ang natira.

Ang sampung natira ang kasalukuyang napapalibutan ng ilang estudyante at instructors na nagsisilbing audience at tagasuporta. Tila naging bangayan na rin ito ng mga engineering department dahil kaniya-kaniya silang pakita ng suporta. May nagpa-banner, may sumasayaw, at may sumisigaw na ilang beses nang nasita.

Si Drei lang ang nakapasok mula sa industrial engineering department samantalang may tig-tatlong estudyante naman ang electrical, mechanical, at civil engineering. Siya rin ang pinakabata at ang nag-iisang second year student. Ang mga nakasama niya ay graduating students na at may dalawa pa ngang Registered Master Electrician na mahigpit niyang kalaban.

Isa-isa nang kinuha ng mga assisting panelist ang bawat folder ng estudyante. Nakapaloob kasi sa folder ang sagot. While the panelists were verifying and checking their answers, Drei looked at the crowd. Sa grupo ng mga electrical engineering student siya napasulyap.

Kaagad siyang napangiti nang makita roon si Ralf na halatang kanina pa naghihintay ng tiyempo na magkatitigan sila. Ralf jolted both of his thumbs and plastered the biggest smile on his face.

“Love you,” bulong ni Ralf sa hangin na kaagad namang naintindihan ni Drei.

Napapailing habang napapangiti naman itong si Drei. Hindi niya rin maitago ang pamumula ng kaniyang pisngi. Kaya naman, napasulyap sa kung saan-saan ang mga kaklase ni Drei dahil hindi nila maunawaan ang kinikilos ng kanilang kaklase. Ang alam lang nila, kinikilig itong si Drei.

“These are the students who got the correct answer.”

Parang bumagal ang paligid at ang tanging napapansin lamang ni Ralf ay ang lalaking nakaunipormeng nasa harap niya at ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib.

“Eulogio.”
“De Leon.”
“Omega.”

Malakas ang naging hiyawan ng mga electrical engineering student dahil natawag na ang mga apelyido ng kanilang pambato. Nagtutulakan na rin ang iba at hindi lang sila pinapansin ni Ralf kahit pa natatamaan siya sa kalikutan ng mga kasama niya.

Nakakuyom ang mga kamay ni Ralf habang nakatitig sa emcee na siyang nag-a-announce.

“Cervantes, please,” bulong niya sa sarili. “Cervantes po.”

“Arumbo.”

Nagsigawan na rin ang grupo ng mga mechanical engineering student.

“Cervantes.”

Kaagad na napatayo si Ralf at napataas pa ng kaniyang kamao habang sumisigaw sa tuwa.

“Cervantes, whoah!” sigaw niya at nakisabay sa pagpalakpak ng mga industrial engineering student na nasa tabi lang nila. “Baka Andrei 'yan!”

Napahinto lang si Ralf sa kaniyang pagbubunyi nang kalabitin siya ng kaniyang kaklase.

“Bro, bakit ka naman nagsasaya? Kalaban natin 'yan, e,” kunot-noong sabi ng kaklase niya.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon