Kabanata XV

144 5 0
                                    

Nakapatong ang siko ni Ralf sa may bintana ng multicab na minamaneho ni Drei habang pinipisil-pisil ang kaniyang labi. Si Drei naman ay kalmado lang, nakatuon ang atensyon sa sa liko-likong daan. Nakasuot ito ng puting tank top at may nakapatong na sunglasses sa ulo. Suot naman ni Ralf ang kulay kahel niyang damit at hindi niya dinala ang kaniyang salamin.

Hindi niya akalain na parang bituka ng manok ang dadaanan nila. Kung sakaling sa bahay pa rin nina Sir Olorvida gaganapin ang selebrasyon at hindi sa resort na pag-aari ng pamilya niya, baka nae-enjoy ni Ralf ngayon ang biyahe. Parang ang sangkapat na lang ng pang-upo niya ang nasasalo ng upuan kahit na ang totoo ay maayos ang pagkakaupo niya. Hindi niya na rin alam kung saan itutuon ang tingin nang hindi nahihilo. Kahit na hindi pa madilim at nandoon pa rin ang araw, hindi siya nalilibang sa nakikita niya sa labas.

Kagyat na napasulyap si Drei sa kaniya at napaisip ito. Nakapag-usap naman na sila kanina, pero ngayon ay iniisip ni Drei kung paano niya sasabihin ang gusto niyang itanong kay Ralf.

“Is there something wrong?” seryoso niyang tanong. Kasing seryoso ng mukha niya na nakatingin ngayon sa may kalsada.

Ralf firmly pressed his back against the seat. He then took a deep breath and swallowed the knot in his throat. Kanina ay tuwang-tuwa siya sa kaloob-looban niya nang mag-usap sila ni Drei. Ngayong nahihilo na siya, ang pakikipag-usap na 'ata ang bagay na pinakaayaw niyang gawin. Kahit si Drei pa 'yan.

He tightly pursed his lips as he glanced at Drei. The pressure in his chest suddenly vanished when he saw that Drei wasn't looking at him. What a relief!

Napailing siya. Pero dahil hindi nakatuon ang mata ni Drei sa kaniya, hindi nito nalaman kung ano ang sagot niya. Nang muling mapasulyap sa kaniya si Drei, napalunok siyang muli para labanan ang kumululong tubig na nagbabadyang umakyat papunta sa kaniyang lalamunan. Ang problema, nanunuyo ang laway niya kaya wala siya masiyadong nalunok.

“Wa . . . wala,” sagot niya at napailing. Mas lalo lang siyang nahilo sa ginawa niya.

He could actually tell Drei that he's feeling nauseous. Nahihiya lang siya dahil sa edad niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa biyahe.

Tumango lang si Drei saka nagpatuloy sa pag-drive. Bawat lubak at umbok na  siyang nagiging dahilan para maging magalaw ang sasakyan, paakyat nang paakyat din ang mapait na tubig patungo sa lalamunan ni Ralf. Pinagpapawisan na siya nang malamig na tubig. Wala na ring natira pang laway sa bibig niya.

Parang may timer na nakatatak sa ulo at may limang segundo na lang siya.

Apat.

Napakapit siya nang mahigpit sa upuan.

Tatlo.

Ramdam na niyang susuka na talaga siya.

Dalawa.

Kinurot niya ang hita niya.

Isa.

Napahawak siya sa may bintana ng sasakyan at saktong huminto ang ito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at nilabas niya ang ulo sa may bintana at sumuka.

Napahawak naman si Drei sa noo niya, nakangiti at napapailing habang nakatingin kay Ralf. Habang suka nang suka ang isa, kinuha niya sa maliit niyang bag ang baon niyang tissue at ang isang mint candy.

“Here.”

Ralf stayed in his position. His hands were on the opposite sides of his worn-out face. When he heard and realized that Drei was offering something, he extended his left hand to his back and reached for it. He was in an uncomfortable and unfortunate situation.

Kaagad niyang pinunasan ang bibig niya at hindi siya bumalik sa puwesto niya nang hindi nasisiguradong walang bakas o kalat ng suka sa kaniyang mukha.

Tahimik siyang napasandal habang hawak-hawak ang tissue. Hindi niya ginalaw ang kaniyang mukha, tanging ang mga mata niya lang para masulyapan si Drei.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon