Chapter One

4 0 0
                                    

Sa buhay ako na ata ang pinakamalas sa mundong ito. Lahat ba naman ng malas sinalo ko!

Naglalakad ako ngayon papasok sa University na pinapasukan ko. Bagong lipat lang ako dito one month ago, pero meron narin akong mga kaibigan dito.

Actually, kaya lang naman ako lumipat dito dahil gusto ni Tita Rose. Mother ng asawa ko.

Yes! You read it right. Meron na akong asawa sa edad na labing walo. At first, I really don't want to. Pero dahil malaki ang utang na loob kay Tita Rose ay pumayag rin ako.

"Nag de-day dream nanaman ho ang kaibigan namin!" Natatawang sabi ni Denzie or Zie. Isa s'ya sa bestfriend ko rito. Ang masasabi ko lang ay napakabait n'ya at maaalalahanin.

"Girl, kelan ba hindi? Pag nasahan ba naman si Wayne Terresse!" Elle chuckled. Nako, s'ya ang pinakamaharot samin. You know what I mean. Marami siyang gustong lalaki dahil sobrang dami naman talagang pogi rito sa school na 'to.

"Che! Hindi ko nga sabi gusto yang Wayne nayan. Makita ko palang mukha n'ya sira na araw ko eh." Pag mamaktol ko sakanila.

Hindi nila alam na kasal kami ni Wayne dahil arrange marriage lang naman iyon. Ayoko ring ipagkalat dahil alam kong magagalit si Wayne.

Wayne is a cold hearted, hindi siya masyadong nakikisalamuha sa nga studyante rito. Palagi lang niyang kasama ay mga kaibigan niya.

"Kahit sino naman pagnanasahan ang isang Wayne girl! Ang yummy at hot pa!" Zie said. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwes wag mo akong idamay jan!" Inis kong sabi.

Tuloy parin silang dalawa sa pang aasar sakin hanggang sa umabot kami sa gym mamaya pa ang class hour namin.

"Parang ayoko na ngang pumasok sa sub ni tanda, baka magpa log quiz nanaman yun" Elle said.

"Ay true! Last na nag pa surprise quiz siya ay itlog talaga ako" natatawang sabi ni Zie.

"Ayaw kana naming tanungin about sa last quiz, Cel. Alam naman naming perfect mo yun!" Napairap naalang
ako.

"Pano kayo magiging doktora nyan kung kinakatamaran n'yong mag advance reading." Panenermon ko sakanila.

"Gosh! Manenermon nanaman ang nanay Celestina namin." Zie

"Oo na nay! Mag aaral na po" natatawang sabi ni Elle.

Napailing nalang kami. Masaya akong naging kaibigan ko sila. Pare pareho naming tutuparin ang pangarap naming maging isnag doctor.

Nagkwekwentuhan lang silang dalawa habang ako ay nagbabasa lang ng libro. Ramdam kong may nakatingin sakin kaya nilibot ko ang mga mata ko at tama nga ako, may isang lalakig seryosong nakatingin sa'kin. Ngayon ko lang s'ya nakita dito, bago ba sya?

"Hoy bruha ka! Tara na at baka malate na tayo." Sabi ni Zie sabay hatak saakin.

Pag pasok namin sa room ay agad akong binati ng mga classmate namin.

"Morning, Ms. Pres!"

"Pres ganda natin ngayon ha"

"How to be you po pres!"

Ngumiti lang ako sakanila at umupo na kaming tatlo. I'm the Class President, samantalang Secretary naman si Zie. Si Elle naman ang Muse.

Tinali ko lang ang mahabang brown kong buhok ng messy bun para hindi ako masyadong pag pawisan. Hanggang baywang ang haba ng buhok ko kaya naman bagay na bagay sa'kin. Bukod sa maganda ang katawan ko, maputi at makinis rin ang balat ko.

Marami na rin nag tatangkang manligaw sa'kin pero wala pa sa isip ko ang mag boyfriend, lalo ngayon ay kasal ako kay Wayne.

Dumating na rin ang Prof namin kaya umayos na kami ng upo. Malapit nang matapos ang discussion ng may kumatok. Agad naman pinagbuksan iyon ni Prof Narz.

"May I excuse, Celestina David." Sabi ng kung sino sa pintuan. Tinignan nila akong kahat.

"Ms. David, go ahead." Ngiting sabi ni Prof kaya kinuha kona ang gamit ko at lumabas. Nagulat naman ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng pintuan.

"S-Shawn. Ikaw pala." Shawn Lucas Winsmon, matalik na kaibigan ni Wayne.

"Mrs. Well wants to talk to you." He said with a cold voice. Grabe sa lamig pwede na magkaron ng snow dito.

Naglakad na siya kaya sumunod na ako. Tahimik lang kaming nag lalakad hanggang sa marating namin ang office ni Mrs. Well, Prof ko sa Microbiology.

Hinatid niya ako sa loob at walang pasabing umalis. Kaya naman umupo nako sa harap ni Mrs. Well.

"I'm sorry to disturb your class, Celes. But I really need to do a favor for me." Daretsong sabi niya.

"Ano po yun, Prof?"

"Mawawala kasi ako ng dalawang linggo, since you're my top student since highschool. Ikaw ang gusto kong maging student teacher ng Microbiology sa section n'yo." Napangiti naman ako sa sinabe ni Prof.

"Of course, Prof! How Can I declined the request of my favorite prof?" Natatawa kong sabi, natawa naman siya.

"And not only in Microbiology and your section." Natigilan ako sa sinabi ni Prof.

"W-What do you mean po?"

"You'll be a Student Teacher in Engineering department in Section A. You will be their ST in Engineering Chemistry for two weeks."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Prof. Seriously!? Sa section pa talaga ni Wayne!?

"A-Ah... ehh.. Prof kasi.." napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa hindi ko alam ang sasabihin.

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Please, Celes. Ikaw lang ang kilala kong kayang maging ST sa Section A. I know your capabilities that's why I choose you. Please accept this, wag ka mag aalala exempted ka sa Board exam kapag maganda ang kinalabasan ng pagiging ST mo." Ngiting sabi niya.

I sighed. May choice pa ba ko?

"Kelan po ako magsisimula?" Bigla nalang nag ning ning ang mga mata ni Prof.

"I'll take that as a yes!"

-------

"Omg! Sana pinili rin akong ST ni Prof! So yummy pa naman ng mga Engineering!" Kinikilig pang sabi ni Elle.

"Oh edi ikaw nalang, ayoko rin naman eh." Sabi ko. She pouted.

"As if namang kaya ko, kung same lang tayo ng brain why not eh." Pag mamaktol niya.

Nandito kami ngayon sa Canteen. Hinihintay lang namin si Zie dahil dumaan pa sa Dean's office.

"Omg girl! Si Wayne oh!" Hindi ko nalang pinansin si Elle, at tinuon ko lang ang mga mata ko sa libro.

"Si Shawn ba yun? So the rumors are true. Dito na ulit s'ya mag aaral." Dun ay napalingon ako sa gawi nila.

I saw Wayne with his friends. Katabi niya si Shawn, at ang lima pa nilang kaibigan.

"Napaka hot talaga nilang magkakaibigan. Ay may nalaman din ako about sakanila." Lumingon uli ako kay Elle.

"Narinig kolang to habang nasa Cr ako, they said, may gaganaping malaking Gang fight na kabilang sila--" hindi niya natapos ang sasabihin ng may nag salita sa gilid ko. Gulat kaming nilingon sino ang nag salita.

"Can I join?"

Mrs. Terresse (Wife's Series #1)Where stories live. Discover now