Chapter Three

2 0 0
                                    

Shawn's POV

Uwian na pero nandito kami ngayon sa Headquarters namin dito sa school. Nag patawag kasi ng meeting si Wayne para pagusapan ang nalalapit na laban sa underground world.

"Fuck! Napakatagal naman ni Sandoval." Reklamo ni Philo.

"Ano pa aasahan mo kay Jace, baka nakakita nanaman ng pagnanasahan niya." Natatawang sabi ni Nico.

Umiling nalang ako. Nagtatawanan lang sila habang si Wayne ay seryoso lang na nakatingin sa lamesa na parang ang lalim ng iniisip.

Bumukas ang pinto kaya napatingin kami dun, iniluwa nun ay si Jace.

"Bakit ba ang tagal mong lalaki ka!" Reklamo ni Loue. Natawa nalang si Jace at umupo sa tabi niya.

"May aangkinin nanaman si Delor." Naiiling niyang sabi.

"Oh kelan kapa nag ka pake kung may angkinin yung gago na yun" Nico said.

"Nakaaawa lang. Bago lang siya dito kaya siguro wala siyang alam." Napalingon si Wayne sa sinabi ni Jace.

"What?" Wayne.

"She's the transferee nung last month" napatayo kami pareho ni Wayne kaya nagulat sila.

"We'll go there." Seryosong sabi ni Wayne.

"What!? Why?" Naguguluhang tanong ni Philo

Hindi na nag salita si Wayne at lumabas kaya sumunod kaming lahat sakaniya. Alam ko ang iniisip niya, at hindi ako nag kakamali kung sino ang tinutukoy ni Jace. Isa lang naman ang pinayagan mag transfer dito kahit na nag simula na ang first sem, si Celestina.

I know about her relationship with Wayne. She's Wayne's wife, ako lang ang nakakaalam dahil sinabi ni Tita Rose sa'kin.

Dumaretso kami sa building nila Delor at sakto ay nakasalubong namin si Rairon kasama ang Gang niya na kakarating lang dito sa tapat ng Headquaters ni Delor.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Seryosong tanong ni Rai.

"Ikaw? Ba't ka nandito?" Cold kong tanong. Ngumisi lang siya saken.

"I'll save my girl." Ngising sabi niya saakin. Ramdam ko ang madilim na awra ni Wayne, niyukom niya ang kamao niya.

"Your girl?" Wayne asked and look at Rai, matalas silang dalawang nakipagtitigan.

"Let me go!! T-Tulong!!" Sabay sabay kaming napalingon ng umalingawngaw sa buong building ang sigaw ni Celestina.

"She's not your fucking girl." Diing sabi ni Wayne at tumakbo papasok g building, sumunod naman kami at nasa likod rin naman si Rai.

Nang makapasok kami sa loob ay kitang kita namin si Celestina na nasa higaan at nakapatong si Delor at inaamoy ang leeg ni Celestina. Habang nakapalibot sakanila ang mga tauhan ni Delor na tuwang tuwa sa nakikita.

"Fuck." Sabay na mura ni Wayne at Rai sabay kasa ng baril.

Celestina's POV

"Bitawan mo sabi ako! Gago ka!" Naiiyak kong sigaw, napadaing ako ng bigla niya akong ihagis pababa sa kama. Shit.

"Napakaingay mong babae ka!" Sigaw ni Delor at sinampal ako ng malakas. Nalasahan ko ang sarili kong dugo galing sa gilid ng labi ko. Ang sakit nun ha!

"A-Ano bang kasalanan k-ko.." nanginginig kong tanong at yakap yakap ang sarili.

"Uunahan kona si Rai bago ka pa niya angkinin." Ngising sabi niya at lumapit saakin. Nag sigawan naman ang mga kasama niya.

Nasa gitna kami malaki ang space dito parang lumang bodega. Umatras ako ng umatras hanggang sa nasa headboard nako ng kama.

Mrs. Terresse (Wife's Series #1)Where stories live. Discover now