Chapter Four

3 0 0
                                    

"W-Wayne..."

I gasped when Delor pointed the gun on me. "Tangina ka kasalanan mo 'to!"

*BANG*

Napapikit ako at hinintay ang bala na tumama sa'kin. Pero limang segundo na ay wala akong maramdaman. Agad akong nagmulat ng mata at nakitang nakahandusay si Delor ay nawalan ng malay.

Nanginginig na tumingin ako kay Wayne na palapit sa'kin. Habang palapit siya ay ramdam ko ang pag ikot ng mga mata ko. Bago ako mawalanan ng malay narinig ko pa ang sinabi niya...

"Fuck! You make me worried, woman!"

Dahan dahan kong minulat ang mata ko, ang kisame ng kwarto ko ang nakita ko. Nanaginip lang ba ako or ligtas na ako?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya dahan dahan akong bumangon at nakita ko si Shawn na may hawak pang tray ay may pagkain.

"You're awake." Sabi niya at ngumiti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What the?

Sa isang buwan kong pag aaral dito, ngayon ko lang siya nakitang ngumit. Palagi kasi siyang seryoso lang ang mukha. Pareho sila ni Wayne.

"M-Matagal ba akong tulog?" Mahinang tanong ko. Nilapag niya ang tray sa lamesa na nasa gilid ng kamay at umupo sa kama ko.

"Yes, simula kagabi ay tulog ka." Ha??

"Kagabi??" Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko. Omy! Its already 7am!

"Kumain ka muna at uminom ng gamot. Nilalagnat ka ng iuwi ka ni Wayne." Sabi pa niya at inayos ang soup na nasa tray pati ang gamot.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Inutusan ako ni Wayne na lutuan ka ng soup bago ako pumasok." Sabi niya at lumingon sa'kin. Nagulat ako ng iangat niya ang kutsara na may lamang soup.

"K-Kaya ko na.." naiilang na sabi ko. Kailangan talaga akong subuan??

"No, may mga sugat ang kamay mo." Napaingin ako sa kamay ko ay puro gasgas pero halatang ginamot na.

Binuka ko ang labi ko at sinubo rin ang soup. Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko sa hiya!

"Wayne must be lucky to have you as a wife." Sabi niya at nakatitig lang saakin. Nag iwas lang ako ng tingin, hindi naman kasi kami close pero heto siya at sinusubuan ako.

Hindi nako sumagot at inubos ang soup. Inabot niya rin sakin ang gamot at tubig kaya agad kong ininom ito.

"Magpahinga kana, excuse ka ngayong araw kaya don't worry." Gulat akong lumingon sakaniya.

"W-What? No, no! I need to attend my class today!"

"Pero magagalit si Wayne kapag pumasok ka."

"Okay nako, hindi na rin masama ang pakiramdam ko. Kaya ko na sigurong pumasok." Ngiting sabi ko. Tumango  nalang siya at kinuha ang tray.

"Then, I'll wait for you. Sumabay kana sakin." He said before leaving.

Dali dali akong pumasok sa banyo at ginawa ang morning routine ko. After ilang minutes ay natapos nakong maligo kaya nag ayos nako at sinuot ang uniform ko.

Nilugay kolang ang buhok at kinuha ang mga gamit ko at cellphone bago bumaba. Naaubutan ko siyang nasa sala.

Bahay namin to ni Wayne. Regalo ni Tita Rose saamin nung kinasal kami. Kaya dito kami nakatira kahit ayaw namin pareho. Pero wala kaming magagawa kasi desisyon ni Tita yun.

Lumabas na kami at nilock ko na ang bahay. Pinagbuksan naman ako ni Shawn ng pinto ng kotse saka pumasok. Shit! Ramdam ko nanaman pamumula ng mukha ko. Napaka gentleman!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mrs. Terresse (Wife's Series #1)Where stories live. Discover now