1

38 0 0
                                    

"Carmila Josephine! Susmiyo kang Bata ka bumalik ka rito!"Sigaw na tawag ni Trinidad sa Apo.

Natatawang nilingon siya nito. "Babalik din po ako Lola!"Nasapo ng Matanda and noo ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya.

Masaya siya kahit papaano dahil unti-unti ng bumabalik ang sigla at kakulitan nito kumpara noong nagdaang mga taon. Lalo na noong namatay ang Ina nito.

Idagdag pang tinutukso at inaaway ito sa Klase noon at higit sa lahat ang pananakit na ginawa ng mga taong iyon sa kaniyang Anak at Apo.

Limang taon na rin ang nakakalipas pero alam niyang nakatatak parin sa isipan nito ang pangyayaring iyon. Kinse anyos lamang ito noon.

Pinahid ni Carmila ang pawis na tumulo mula sa kaniyang noo gamit ang likod ng palad niya. Malawak ang kaniyang ngiti ng marating ang ilog dilim. Para sa iba niyang mga kaprobinsya ay nakakatakot ang bansag na iyon ngunit hindi sa kaniya, bagkos nagbibigay iyon ng katahimikan na gustong-gusto niya.

Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Mula sa batong kinatatayuan ay malaya niyang natatanaw ang malaparaisong ilog sa ibabang banda na nahahati sa lupain ng mga Salvatore, isang kilalang pamilya sa kanilang lugar at sa lupa ng kaniyang yumaong Lolo.

Wala siyang ibang naririnig kundi huni ng mga ibong dumadapo sa bawat puno. Lagaslas ng malinaw na tubig at ang mahihinang hampas nito sa batuhan. May kadiliman ang nasabing ilog dahil narin sa yabong ng mga dahon at punong kahoy na nakapalibot rito. Mga damo at bulaklak na tumutubo sa kong saan-saan lamang, at iba pang mga ligaw na halaman.

Simula noong bata siya ay ito na ang naging tambayan niya. Dito sa ilog narin siya natutong lumangoy at mamingwit, manghuli ng alimango. Halos binansagan na mga siyang Dalagang ilog dahil sa galing niya. Naiiling na pinadausdos niya ang mga paa sa tubig. Humagikgik siya ng mabasa ang kaniyang suot na palda. Walang pagdadalawang isip na naghubad siya ng suot na blosa.

Tanging pangilalim na panloob lamang ang tumatabon sa kaniyang katawan, lumusong siya sa malamig na tubig at doon nagtampisaw. Kampante naman siya sa ganoong ayos, walang sino man ang napapadpad sa lugar na iyon. Doon din ay ninamnam niya ang katahimikan na umuukupa sa palibot.

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabulabog ang katahimikang iyon ng umalingawngaw ang matigas na salitang English sa kong saan."F-ck!"

Natatarantang umahon si Carmila mula sa tubig. Saktong lumagapak ang tunog ng lagaslas doon, nakita niya kong paano gumulong-gulong ang katawan ng isang matipunong Lalaki bago tumalsik ang iilang tubig sa kaniya. Nakita rin niya ang nagwawalang kabayo sa may mataas na banda ng ilog bago tuluyang naglaho sa paningin niya.

Nagmamadaling tumakbo siya ng marinig ang malakas na pagdaing ng lalaking nahulog kanina. Hindi na siya nakapagdamit pa, kinakabahang  lumapit siya dito. May sugat sa kaliwa nitong braso, sa noo at sa pisngi."Arghh!!" Gumapang ito sa may pampang, basa narin ang suot nitong mga damit.

"U-uhm.."Hindi alam ni Carmila kong ano ang sasabihin, bigla siyang natakot ng marahas itong umatras hawak ang sugatang noo.

"Who the h-ll are you?!"Napakislot siya dahil sa sigaw nito.

Nanginginig na kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa kaba at hiya. Kaba dahil hindi niya kilala ang taong ito at hiya dahil sa hubad parin siya."I said who are you?!!"

"Carmila! A-ako po si Carmila.." Dahil sa takot na baka saktan siya nito ay napasagot siya ng diritso at walang kumpisal.

"Carmila??"Paguulit nito sa sagot niya, winasiwas nito ang mga kamay sa kong saan na kinataka niya."Where th- d-mn!"Muli itong napadaing ng marahas dahil sa mga sugat na natamo.

Cornelius Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon