Chapter 7: Beach

684 25 1
                                    

Naguguluhan pa din si Mon bakit kailangan na nakapiring siya. Pag alis ng blindfold ay nagulat naman siya na nandoon si Sam. Nagpatulong si Sam kay Kath na isurprise si Mon ng bagong sasakyan. Hindi alam ni Mon kung ano maramdaman niya, inabot ni Sam ang susi kay Mon. Si Kath naman ay masayang nagmamasid lang sa tabi.

"Sam? I thought you were sick." Hindi alam ni Mon kung matutuwa ito or maiinis dahil nagsinungaling si Sam sa kanya.

"Mon, I'm sorry, I really wanted to surprise you and this is the best option I could think of." Pagpapaliwanag ni Sam. Nagtalim ng tingin si Mon kay Kath.

"Tinulungan ko lang si Sam. Hindi ko yan matatanggihan, lalo na at sa kanya ko pa talaga nalaman na magjowa na kayo!" Nabaligtad ni Kath si Mon at biglang namula mga tenga ni Mon.

"Ehhh, okay fine fine. I guess the news is out. Alam mo naman din na hindi ko din matatanggihan si Sam e, haha!" Patawang paliwanag ni Mon. Lumingon uli ito kay Sam.

"Please don't lie to me again, okay? I was really worried. And thank you so much Sam, you spoil me too much!"

"I promise I won't lie again and you deserve all the best Mon. You want to try it now?" Tanong ni Sam.

Pagkakita sa sasakyan ay alam na agad ni Mon na ito ang pinakamahal na model. Binilhan siya ng Sam ng MG HS Trophy na kulay blue. Alam ni Sam na ito ang pinag-iipunan ni Mon dahil lagi daw itong kinukwento ni Mon kay Kath. Nagdesisyon sila na ihatid na din si Kath pauwi dahil maaga silang aalis bukas papuntang beach. Tinawagan na din ni Mon ang kapatid nito para makapaghanda ito bukas ng madaling araw.

[7/11 store]

Maaga pa lang ay nasa meeting place na sina Sam at Mon. Sunod na dumating si Kath at kasunod nito ang kapatid ni Mon na si Jake.

"Jake! Good morning, kumain ka na ba?" Tanong ni Mon sa kapatid. Umiling lang si Jake, inaantok pa ito dahil sa sobrang aga ng call time.

"BTW, Sam, this is Jake my younger brother, Jake, this is Sam, my girlfriend." Naghello naman si Jake kay Sam at ngumiti. Si Sam ay tumango lang din.

"Sam, tahimik lang talaga yang si Jake pero mabait yan." Sabi ni Mon.

Maya maya lang ay lumabas si Kath na may dalang drinks at snacks para sa lahat.

"Sam? How about your friends? Will they come?" Tanong ni Mon habang iniinom ang kape na binili ni Kath.

"They said they will come pero baka hahabol na lang sila sa resort. We should get going para hindi tayo abutin ng tanghali." Suggest ni Sam.

Hindi naman kalayuan ang beach na pinuntahan nila. Pagdating doon ay nakapag check in na sila at nasa kanya kanyang kwarto na, siniguro ni Sam na may sariling kwarto sila ni Mon. Pagdating sa kwarto ay humiga si Mon, lumapit naman agad si Sam at tumabi kay Mon.

"Are you tired? You want to sleep first?" Tanong ni Sam kay Mon. Umiling lang si Mon at umupo ito.

"I'm okay, should we go and get breakfast?" Mabilis na sagot ni Mon. Tumayo si Mon at nagayos ng kaunti. Sam was just looking at her when Mon pulled her.

"Tara naaa Sam. Hinihintay na nila tayo sa baba." Pamimilit ni Mon sa kanya. Sam pouted a little.

"But I just want to be with you Mon." Sam is being extra clingy today.

"You are with me, tara, let's go eat breakfast para makapagexplore tayo!" Excited na sabi ni Mon.

"Okay fiiiine, but we have to try the water activities too, deal?" Tanong ni Sam. Tumango naman si Mon at bumaba na sila.

[Hotel restaurant]

Pagdating sa baba ay hinihintay na sila nina Jake at Kath. Nagring ang phone ni Sam.

A Secret Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن