Chapter 7

9.6K 187 11
                                    

Change

I didn't think about going somewhere after class. Kahit pa inaya ako nila Darlene na kumain para i-celebrate ang resulta ng initial screening. Tinanggihan ko ang lahat ng anyaya nila dahil ngayon mas excited pa ako na malaman ni Mama ang ibabalita ko. I'm doing this for her kaya dapat lang na malaman niya agad.

"Good afternoon po!"

I greeted Manong Roldan, the Almendrala's guard. Kahit sino yata kaya kong batiin ngayon sa sobrang tuwa ko.

The guard smiled at me. "Mukhang ang ganda ng araw natin ngayon Euphony, ah?"

Nginitian ko na lang si Manong Roldan at nagmadaling pumanhik sa mansyon. Tahimik pa rin ang mansyon tulad ng mga normal na araw. Magiging maingay lang naman ito kapag umuwi na rito ang mga magulang ni Zero.

Dumiretso ako sa kusina at tama nga ako dahil nakita ko roon si Mama at si Rachel na naghahanda na para sa hapunan.

"Ma!" dinaluhan ko si Mama at agad na niyakap. Alam kong magtataka siya sa biglaan kong pagyakap. Pagkabasa ko pa nga lang ng email kanina gusto ko na agad umuwi para mayakap si Mama.

"Anong meron, anak? May ginawa ka bang kalokohan?" tanong ni Mama. Hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya. She does not seem to mind it either.

"Kapag ganiyan maglambing anak ko alam kong may kasalanan eh. Last time na niyakap ako ni Kiko nakabasag siya ng baso eh," ani Rachel habang natatawa.

Bumitaw naman ako sa pagkakayakap at ngumuso. Wala naman akong ginawang kasalanan! Mukhang nabasa yata ni Mama ang iniisip ko.

"Oh sige wala kang ginawang kalokohan. Ano bang nangyari?"

Hinilig ko naman ang ulo ko sa balikat ni Mama. "Tanda mo po ba yung sinabi ko sa'yo last month na nag-audition po ako sa survival show ng TVM?"

I bit my lip trying to stop myself from smiling. Napahinto si Mama sa paghiwa ng patatas. Nakita kong nangingiti siya at may halong gulat din ang mata niya.

"Iyan ba yung nakita ko sa commercial nila? Girls Project ba iyon?" sabat ni Rachel na nakikinig din pala sa usapan namin ni Mama.

Mama nodded. "Tama. Ayan nga!" Nilingon naman ako ni Mama. "Nakapasa ka ba, anak?"

"Opo, Ma!" I answered excitedly.

Naubo si Mama pagkatapos kong sumagot. Halos tapikin pa niya ang dibdib niya habang umuubo kaya nagmadali akong kumuha ng tubig. Nabitawan niya rin ang kutsilyong hawak niya.

"Ma? Ayos lang po ba kayo?" agad kong dinaluhan si Mama. Ginilid naman ni Rachel ang mga putahe para lapitan kami.

Umuubo pa rin si Mama kaya hinawakan ko ang likod niya at bahagyang hinaplos para kahit papaano ay kumalma siya. Ilang minuto lang kumalma na rin si Mama at natapos na ang pag-ubo niya. Inabot ko naman sa kaniya ang tubig. Nanginginig ang kamay ko habang pinapanood si Mama na umiinom ng tubig.

"Ma punta po tayong hospital..." iyon agad ang una kong naisip.

Umiling si Mama. "Huwag na, anak. Ubo lang naman ito."

"Ma! Kailangan lang po natin makasigurado please."

"Hindi na kailangan, anak. Ayos lang ako. Kailangan ko lang uminom ng gamot tapos mawawala rin ito," medyo namamaos pa rin ang boses niya dahil sa pag-ubo.

"Sigurado po ba kayo?" hindi pa rin ako kumbinsido.

"Oo anak. Huwag ka nang mag-alala. Alalahanin mo yung kasunod na screening. Kailan ba iyon?"

Sa totoo lang, hindi ako kumbinsido roon. Kung ako lang ang masusunod gugustuhin ko na dalhin talaga si Mama sa ospital para mapanatag ako. Mas lalo lang akong nabuhayan na ipagpatuloy itong ginagawa ko. Kailangan kong manalo para hindi na ni Mama maranasan ito.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz