Chapter 16

7K 161 38
                                    

News

"Euphony, ang ganda ganda mo pa rin talaga," nilapitan ako ni Mrs. Almendrala upang yakapin. Dinikit niya pa ang pisngi niya sa pisngi ko.

"Thank you po. Kayo rin po."

She chuckled. "Oh darling! Wala ka pa ring pinagbago. Nahihiya ka pa rin sa akin."

Niyakap niya rin si mama at nakita kong may binulong siya dito. Nagtawanan naman silang dalawa at nilingon ako.

"Zero told me that you joined TVM's survival show. Is that true, darling?"

I nodded. "Yes po."

She eyed me meaningfully. "I know their CEO. Kindly tell me if you need some help."

May diin ang salitang iyon. Alam ko ang pinupunto niya pero umiling ako. I know they can do it but I don't need their help.

"Thanks po for the offer but I'm afraid that I will decline it."

"I knew you would say it. Wala ka talagang pinagkaiba dito kay Vienna," humalakhak siya at ininom ang alak sa wine glass niya.

Suminghap ako habang tinitingnan ang kisame sa kwarto namin ni mama. Hindi inaasahan ng lahat ang pag-uwi ng parents ni Zero. Akala namin next month pa iyon kaya sigurado akong kahit si Zero nagulat din.

Hindi rin nila alam ang relasyon namin. Honestly, hindi ako sigurado kung gusto kong ipaalam sa kanila. There's a part of me telling me that it's a wrong move. Mabait sila pero hindi ko alam kung tatanggapin nila kami.

My phone beeped. Hindi kami nakapag-usap nang maayos ni Zero kanina. Naiintindihan ko naman since he needs to do some catching up with his parents.

Zero:

Tulog ka na ba?

Me:

Matutulog na sana ako kaso nagtext ka pa.

Akala ko naman hindi na siya magrereply kaya nagulat ako dahil nakapagreply agad siya.

Zero:

Ang sama mo talaga. Wala ka bang sweet bones sa katawan?

Me:

Heh. Go and have some fun with your parents. I'm going to sleep.

Zero:

Good night, my Euphony. Sleep well.

Me:

Nighty!

I know I have not been vocal with my feelings for Zero. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ipapakita sa kaniya. Hindi ko kaya maging sweet. Hindi rin kaya ng hiya ko na magsabi ng sweet sa kaniya.

Umiling ako. Ano ba itong naiisip ko? Boyfriend ko naman siya pero bakit hindi ko pa rin kaya? Siguro dahil nasa first stage pa lang kami. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit na matulog.

"Ang ganda ng face mo. Anong skin care mo?"

Hinawakan ng makeup artist ang mukha ko at sinipat. Ngayon ang schedule ng photoshoot namin para sa promotional poster. Next week na kasi nila ilalabas sa public ang poster ng bawat contestant.

"Wala po. Ligo lang," natatawa kong sagot.

"True ba? Ang ganda ng mukha mo parang Korean sa sobrang kintab!"

Napalingon ang ibang contestant sa amin. Nagkibit lang sila ng balikat at inirapan ako.

"Thank you po."

We were told to wear their customized school uniforms which is designed for this survival show. Ang gray na blazer ay nakapares sa puting blouse. Pink naman ang necktie at skirt namin.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now