Outro

9.9K 201 173
                                    

Zero Almendrala

“Ano ba kasing ginagawa natin dito?” naiinis na tanong ni Euphony.

Humalakhak naman ako at hinawakan ang kamay niya. Mukha namang nagtataka pa rin siya dahil nasa harap kami ng tattoo shop. Akala niya ba hindi ko napansin na nilagyan niya ng dagdag na design yung tattoo niya? Hindi na tuloy matching ang tattoo naming dalawa.

“Magdadagdag lang ako ng design sa tattoo ko. May isa kasi d’yan na nagpadagdag nang hindi nagsasabi.”

Nag-iwas naman siya ng tingin. Huli ka ngayon!

“Break naman kasi tayo noong nagpadagdag ako ng design kay Damian,” protesta pa niya.

“Missing in action si Damian kaya dito muna ako magpapa-tattoo.”

“But this is girly!” hirit pa niya.

“I don’t care. Gusto ko matching tayong dalawa.”

She let out a laugh. “Para ka namang highschool d’yan!”

Pinagmasdan ko naman siya na humagalpak ng tawa. Umaalog pa ang balikat niya habang tumatawa. Tangina posible ba talaga na mahulog ng paulit-ulit sa isang tao?

“Balik na tayo sa mansyon, Seven. Pagod na ako maglaro.”

Tumango naman si Seven at sumunod sa akin. Basang-basa na ako ng pawis dahil kanina pa kami tinuturuan ni Daddy na maglaro ng basketball. Puro na lang daw kasi ako video games kaya oras na raw para matuto akong maglaro ng outdoor games.

Nasa bulwagan pa lang kami pero rinig na rinig ko na ang boses nila Mommy. Pinunasan ko naman ang pawis ko habang pumapanhik ako sa loob. Napansin naman ni Daddy ang pagdating namin.

“Zero, magpalit ka na muna ng damit. Isama mo na rin si Seven,” ani Daddy.

Kuryoso naman akong napatingin sa kausap ni Mommy. Kausap niya si Tita Vienna, yung friend ni Mommy na maid dito. Napansin ko naman na may batang babae na nagtatago sa likod ni Tito Vienna.

Nagulat naman ako dahil tumingin din siya sa akin. Bigla ko namang inayos ang postura ko at kinuha ang tubig na inabot sa akin ng kasambahay.

Bakit ba tingin siya nang tingin sa akin? Crush niya ba ako?

“Naku mas lalo kang dapat magpalit ng damit. Nakakahiya kay Euphony!” natatarantang nasabi ni Mommy.

“Euphony? Is that her name?” tanong ko sabay turo sa batang babae.

“Yes, be nice to her. She’s Vienna’s daughter.”

Sumulyap ulit sa akin yung batang babae na tinawag ni Mommy na Euphony. Mas lalong sumingkit yung mga mata niyang singkit. Tipong kapag tumawa siguro ito mawawalan na siya ng mata. Maputi siya at matangkad kung ikukumpara sa mga batang kaedad ko.

“Sorry, babalik na lang ako...” sambit niya sa mahinahong boses.

My heart pounded when I saw her. Naningkit ulit ang mata niya dahil nakita niya akong nakaupo dito sa duyan. Pakiramdam ko may nagbara sa lalamunan pero sinubukan ko pa rin siyang kausapin.

“No, you can sit here.”

“Ayos lang,” agaran niyang sagot.

Ngumiti ako. Hindi ko rin alam kung bakit ngumiti ako. Nakakadala kasi yung mata niya. Mukhang ang sarap tingnan kapag makita ko siyang tumawa.

“I insist. Dito ka na sa duyan.”

“E paano ka?” tunog nag-aalinlangan pa siya.

Ang hirap niya pala basahin. Singkit na nga ang mata niya kaya mas lalo akong nahirapan tingnan kung anong nararamdaman niya.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now