Apatnapo't dalawa

9.5K 177 6
                                    

Lunchbox

"Hindi ka ba malulungkot dito mag isa?" Tanong niya ng inaayos ko ang necktie niya.

"Bakit naman?" Tanong ko ng hinaplos ang coat niya at ang kwelyo niya.

"Kasi wala ako." Bigla ay nalungkot ang boses niya.

"Jaythird syempre mamimiss kita pero ayos lang naman, uuwi ka naman diba?" Sumimangot siya. Natawa ako dahil sa pinapakita niya ngayon. Kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa office.

"You are so unfair woman, why is that you can live without me?" Inis na tanong niya kaya napatawa ako. Mas lalo siyang nainis at pinamaywangan pa ako.

"Magaayos pa ako dito at maglilinis Fajardo, Hindi naman ibig sabihin noon e kaya ko ng mabuhay ng wala ka." Napailing ako. Parang nagpapaliwanag ako sa isang apat na taong gulang na bata.

"I can't live and leave without you." Nakakunot parin ang noo niya habang sinasabi iyon at hinapit ang baywang ko.

Napatili ako dahil biglaan niyang paghapit sa akin."ano ba Fajardo! Magdadala naman ako ng lunch mamaya e, alis na! ang dami mo pang alam e." Napasimangot siya sa sinabi ko kaya hinaplos ko ang mga pisngi niya.

"I love you my Fajardo." Saad ko at hinalikan ang labi niya ng mabilis.

"I love you baby, but why is it so hard to leave?." May bagot na sabi niya at niyakap ako. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Bakit napaka childish mo ngayon Fajardo? Naglilihi ka ba?" Tanong ko sa kanya na nagpatawa sa kanya.

"Dapat ay ako ang magtanong niyan sayo." Naiiling na sabi niya.

"Sige na umalis kana, malelate kana." Tinapik ko ang balikat niya kaya napabuntong hininga siya.

"Pwede naman kasing magpatawag nalang ng maglilinis dito." Bagot na saad niya pero umiling iling ako.

"Mga maliit na bagay lang ito. Go na!" Tinulak ko siya sa may pinto.

"I love you so much." Ngumuso ako at hinalikan ang bibig niya.

"I love you so much more. Dalian mo ha?" Paalala niya kaya napailing nalang ako.

"Yes I miss you too." Sagot ko nalang at isinara ang pinto. Napatingin ako sa mesa at sa sala na nagkalat ng mga damit at pinagkainan namin.

Hindi kami lumabas kahapon, at halos buong magdamag ay kumain at nagharutan lang ang ginawa namin. Ang dami naming kalat na damit sa sala hanggang sa kwarto. Pati sa banyo.

Namula ako sa kaisipang panghaharot ni Jaythird sa akin. Isa isa kong pinulot lahat ng nagkalat na damit at maging ang tissue na ibinato ko sa kanya kagabi dahil sa panunukso niya sa akin.

Napailing nalang ako. Nang matapos kong maglinis ay naghugas muna ako bago nagluto. At habang inaayos ko ang niluto ko sa lunchbox ay may kumatok sa pinto.

Hindi ko na tinignan kung sino iyon at binuksan ko nalang. Nagulat ako ng makita ang kapatid niya na nakataas ang isang kilay at nakamaywang sa akin.

"So? It is true. My loving brother is living with a slut?" Naiinis na saad niya. Nagtiim ang bagang ko dahil sa sinabi niya.

"I'm not a slut." Sagot ko sa kanya.

"So ano naman ang mga pictures and video na nakakarating sa akin?" Mas tinaas niya ang kanyang isang kilay at napanguso ng kaunti.

"Hindi ko ala--"

"Oh! Shut up! Hindi na uso yan sa akin. And you, don't ruin my brother's life! Hindi pa ba sapat na naaksidente siya at muntik ng mamatay ng dahil sa iyo!" Sigaw niya at dinuro pa ako.

Love me BackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora