Limampo

11.6K 191 5
                                    

Microphone

Nagbalik kami sa flat ni Jaythird. Nang makarating kami doon. Ay may kinausap siyang lawyer na palagay ko ay iyong lawyer ni Zoe.

"Don't you ever worry. Maipapanalo natin ito. Nandoon narin si Fred, siya na muna ang bahala sa kapatid mo. Magbibyahe ako ngayong gabi papunta doon." Anang lawyer nila. Tumango si Jaythird.

"I'll leave it all to you then Mr. Franco." Sagot ni Jaythird. Tumayo na si Mr. Franco at nakipagkamay na kay Jaythird.

"I have to go then Mr. and Mrs. Fajardo." inilahad din niya ang kanyang kamay sa akin kaya tinanggap ko iyon.

"Thank you." Pasalamat ko sa kanya bago tumalikod at lumabas na ng bahay.

Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa mga tumatawag sa akin na Mrs. Fajardo. Bumaling sa akin si Jaythird ng maisara niya ang pintuan.

"Magbihis ka na. Labas tayo." Utos niya sa akin. Tumango ako at dumiretso na sa kwarto.

Mabilis akong nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko siyang nagbibihis sa may sala.

"Ba't dyan ka nagbibihis?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at isinuot ang kanyang kulay black na T-shirt.

"Baka kasi hindi tayo makaalis 'pag pumasok pa ako ng kwarto." Sagot naman niya. Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi kaya napatawa siya ng mahina.

"Bilisan mo na nga dyan Fajardo! Manyak ka talaga." Sita ko sa kanya kaya mas lalo siyang napatawa. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Ba't ba lagi kang tumatawa pag sinasabihan kitang manyak?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harap niya. Ngumiti siya at humalukipkip. Pinagmasdan niya akong mabuti.

"Dahil ikaw lang ang nakakapag salita ng ganyan sa akin. I don't know.. it makes me feel ache for you more." Halos kilabutan ako sa sinabi niya na parang nangaakit siya. Tumikhim ako at inirapan siya para maitago ang aking nararamdaman.

"Halika na nga!" Lumabas na ako at sumunod naman siya.

Bumaba kami. Nakita ko si kuya Frank sa harap ng building na naghihintay sa amin. Nakangiti lang siya ng makita kaming palapit sa kanya. Ngumiti lang din ako sa kanya.

"Good morning Mr. And Mrs. Fajardo." Ngiti niya sa amin. Muling namula ang aking pisngi. Napahawak ako doon at nahihiyang bumati sa kanya.

"What's wrong?" Tanong ni Jaythird ng makita akong napahawak sa aking pisngi. Umiling ako at pumasok na ng sasakyan ng binuksan iyon ni kuya Frank.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya ng makapasok din siya. Sinulyapan niya ako.

"Awee's resto. We'll be meeting your parents." Paliwanag niya. Nabigla ako sa pagsagot niya. Ngumiti ako at idinantay ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Hinaplos naman niya ang aking pisngi. "Promise me you won't leave me alone again." Bulong niya sa akin. Tumango ako at ngumiti.

"I won't." Bumuntong hininga siya at inilahad niya ang kanyang hinliliit sa akin.

Napaayos ako ng upo at tinitigan siya. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay.

"Promise me." Aniya. Napatawa ako at tinanggap iyon.

"Okay fine. Pinky swear. I won't leave you alone again. It kills me too okay?" Ngumiti siya at niyakap ako. Hinalikan niya ang aking pisngi at Huminga ng malalim.

Napakunot ang noo ko at umayos ng upo. "Kailangan pa talaga ng pinky swear?" Tanong ko. He just frowned.

"The last time you said you won't. You actually did woman, how can you blame me?" Hindi ako agad nakapag salita dahil sa sinabi niya. Lahat pala ng nasasabi ko ay naapektuhan siya. Napaluha nalang ako.

Love me BackWhere stories live. Discover now