Chapter 6

5.1K 142 4
                                    


Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Series Book 10: Her Wicked Smile is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 6

"I'll find time for you..."

I felt a poke on my shoulder as if it was trying to wake my senses but my eyes couldn't find the strength to open them.

"I'll find time for you..."

Duke was holding my wounded leg while gently tapping the cotton with alcohol on the affected area. Ramdam ko ang matinding pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa paraan ng paghawak niya sa akin.

Alam kong walang malisya pero hindi ko magawang maintindihan kung bakit tila may paru-paro sa tiyan ko na paikot ikot at naghahatid ng kiliti.

"Bibigyan mo ako ng oras? Bakit? May gusto ka sa akin, ano?" humagikhik ako.

Mula sa binti ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Walang kahit na anong ngiti sa mga labi niya pero pansin ang mga emosyon doon na tila pilit itinatago.

"Matagal na."

"Izza..."

I giggled, feeling my skin totally burning in happiness. I slowly slouched down and held his jaw. Marahan ko 'yong hinaplos.

"Gusto rin kita-"

"Izza!"

"Ay Izzang maharot!"

Mabilis na bumukas ang mga mata ko at iniangat ang ulo mula sa pagkakasubsob pababa. Duke was squatting in front of me, his thick brows furrowed while staring at me.

Kumurap kurap ako nang mapansin na nasa talon pa rin kami. At ako, nakalublob pa rin sa tubig ang kalahati ng katawan.

Sandali. Hindi ba at nakauwi na kaming dalawa? Nasa sala pa nga kami at ginagamot niya ang gasgas ko sa gilid ng aking hita. Why are we here again?

"Ano?" tanong ko matapos ibalik ang mga mata sa kaniya. He was giving me intense glare as if he was starting to feel annoyed with me. "Bakit ba?"

"Day dreaming? Really?"

"Nananaginip? Hindi ah! Nakilala ko nga si Blue at iyong kaibigan niya! Sandali..."

Bahagya akong lumangoy patungo sa gilid ngunit kaagad rin natigilan. Ang alam ko talaga nakauwi na kami sa bahay. Bakit narito pa rin ako sa tubig at nakalublob?

Ibig sabihin... nananaginip lang talaga ako? Ganoon katagal akong nakatulog habang nandito sa talon?

Hindi. Imposible. Nasisiguro kong totoo ang lahat ng iyon. Mula sa pag-iwan sa akin ni Duke dito, sa pagkakakilala ko kay Blue at sa mga kaibigan niya, sa pagkakaroon ko ng sugat at ang paglilinis niya dito nang makauwi kami! Totoo lahat iyon!

"Nasaan si Blue?" bulong ko sa sarili habang iginagala ang mga mata.

"Who the hell are you looking for?"

Busangot ang mukha ko nang lingunin si Duke.

"Si Blue! Iyong dumating dito habang wala ka. Kasama niya 'yong mga kaibigan niya kaya nakilala ko rin sila."

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya, ang simangot ay mas lalong lumalim sa gwapong mukha.

"You were damn sleeping and alone when I arrived. Sinong sinasabi mo?" iritadong aniya.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon