Chapter 10

4.7K 86 6
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Series 10: Her Wicked Smile is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 10

Akala naman niya, masisindak niya ako sa pananakot niya. Whatever he's going to do to make me give up, it won't work. 

Ako pa ba? Hindi naman ako balat sibuyas na madaling maapektuhan. O, iiyak kung gagawan niya ng pagkakamali.  

Nakahanda ako. 

Hindi ka sure diyan, Izza Beatrice. 

Bumuntonghininga ako at inilibot ang mga mata sa walk in closet niya. I was a bit surprised that he let me enter here. Kasi wala na lang siyang choice dahil alam niyang hindi ko siya titigilan?

Huminga ako nang malalim at naglakad lakad. Maraming cabinet doon at malalaki rin. May mga lagayan ng sapatos. May ilang rubber shoes pero mas lamang ang leather shoes, low cut at top sider. 

Binuksan ko ang isang cabinet. There were polo shirts hanging on the rack. Sa amoy pa lang ng mga ito, tila mga bago at hindi pa nagagamit. 

Sa ilalim ay naroon ang mga puti na t-shirt na nakatupi nang maayos. Marami iyon at kahit ata isang buwan siyang hindi ipaglaba, may isusuot pa rin siya!

"Ito na lang ang ipapasuot ko sa kaniya. At saka..." Nagbukas ako ng isa pang cabinet. I found his denim pants folded nicely and really organized. "Isang pantalon."

Hinanap ko na rin kung saan naroon ang underwear niya. Imbes na mailang ay nakaramdam pa ako ng kilig matapos iyon makita. 

Kulay puti ang lahat ng brief at boxer brief niya. Calvin Klein at Versace ang brand ng karamihan at ni isang kulay bukod sa puti ay wala akong nakita. 

"Ayaw ko talaga sa lalaki na nagsusuot ng makulay na underwear. Buti itong si Duke ay puti lang palagi ang suot."

Nang matapos ay lumabas na ako ng walk in closet niya. Wala pa rin siya at naririnig ko pa rin ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. 

I tried to think of something I can do while he's still inside. Naupo ako sa dulo ng kama habang hawak ang t-shirt niya. My eyes found a bottle of perfume on the bed side table. It was from a luxury brand. 

Kinuha ko ito at binuksan. I inhaled the scent. My eyes closed when I realized that the scent was too addictive. Iwiwisik ko na sana sa t-shirt niya nang sandali akong mapahinto. 

Something came up in my head. 

Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto niya. Bitbit ang pabango at t-shirt niya, pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa vanity mirror. 

I placed his bottle of perfume there. Kinuha ko naman ang sa akin at binuksan iyon. I sprayed it on his t-shirt and the strawberry scent of it filled the air. 

Nang makuntento sa bangong kumapit doon ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko. I went back to Duke's room and was surprised to see him already standing in front of his bed that made me stop from making any move. 

Nagtama ang mga mata namin. My eyes then crawled down his body. Tanging kulay puti na tuwalya lang ang suot niya at nakatapis sa bewang niya. 

Bumaba pa ulit ang mga mata ko. 

May umbok sa gitna ng mga hita niya, Izza!

I swallowed when I realized that it was huge and bulgy. He was oozing hot and I badly wanted to just gawk and drool at him all day. Hindi pa nakatulong ang mga butil ng tubig marahang gumagapang pababa sa katawan niya. 

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileWhere stories live. Discover now