Chapter 16

6.1K 125 14
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 16

Halos gumapang na ako pababa sa hagdan dahil sa sakit ng puson ko. Madaling araw pa lang at nasisiguro ko na wala pang gising na kahit na sino. It was just two in the morning and this dysmenorrhoea was killing me.

I need a hot compress bag. Kung mayroon lang sanang gising sa mga kasambahay ay puwedeng iutos ko na lang.

Ito iyong mga sandaling hinihiling ko na sana ay naging lalaki na lang ako. Circumcision is painful but at least they would only get to feel the pain once in their life. Hindi kagaya sa isang babae na kada buwan na lang.

"Hay, ambot!" nanghihinang sabi ko.

Kulang na lang ay magpadausdos ako sa handrail para lang makababa sa sahig. Imbes na gawin 'yon ay niyakap ko na lang ito at ginawang suporta huwag lang ako mahulog sa lapag.

"What are you doing?"

I blinked my eyes as soon as I heard that deep and low voice. Ipinihit ko ang ulo at nilingon iyon. Duke was standing on the upper part of the grand staircase while looking at me. Bahagyang salubong ang mga kilay niya, tila ba nagtataka sa ayos ko.

"Going down obviously." nakangiwing sagot ko at nagpatuloy sa pagbaba.

Sandali. Bakit gising pa ang isang ito? Anong oras na, ah.

"Why are you having a hard time going down then?"

"Masakit 'yong puson ko, Duke..." reklamo ko habang patuloy sa pagbaba. "I need to go to the kitchen for a hot compress."

Hindi ko na siya narinig pang sumagot o gumawa ng kahit anong ingay. I'm not in the mood for anything right now. Kahit pa gusto ko siyang kulitin, hindi ko rin magawa. I'm sleepy and in pain to even care about anything.

Pero kung makikipagharutan siya sa akin ngayon, kaya ko pa naman.

Ganoon na lang ang pagtalon ng puso ko nang umangat ang mga paa ko mula sa sahig.

"Hala!" sigaw ko.

The next thing I knew, I was already jailed inside Duke's arms. He was carrying me bride-styled. Mabilis akong napakapit sa leeg niya matapos mag-angat ng mga mata sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa harapan habang walang kahirap hirap na bumababa ng hagdan bitbit ako.

Natawa ako. "Sweet mo naman."

His eyes gave me a downward glance.

"Nakakaawa ka pagmasdan."

Ngumuso ako. "Ganito ako kada buwan kaya next month ay kakailangan mo ulit akong buhatin."

"You could have just called me and ask for what you need. Hindi mo na kailangan bumaba pa."

"How would I know that you are still up? It's already two in the morning. Siyempre ay kasarapan na ng tulog mo. Bakit nga ba gising ka pa? O, naalimpungatan ka lang?"

"I was working on some report. My father needs it this week..." sagot niya. "Magigising ako kaagad kung tatawagan mo ako. Hindi ako malalim kung matulog."

"Grabe. Ang sipag mo naman. Marami kayong magkakapatid, hindi ba? Bakit ikaw ang gumagawa kung puwede namang iba na lang?"

"We have our own duties and responsibilities. Ang para sa akin, hindi puwede ipasa sa iba. We were taught to do our tasks without asking for anyone's help."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon