Kabanata 04

816 43 13
                                    

Dedicated kay Faith!...Thankyouuu for your support :)

~*~

Kabanata 04

"Whether therefore ye eat,or drink,or whatsoever ye do,do all to the glory of God."

-1 Corinthians 10:31

Raymond

"Ma-may taning na ang buhay mo?"tanong ko.

"Yep. Pero sa kabila nun ni minsan hindi ko sinisi ang Panginoon...dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito....kung bakit ako nagka-kanser."masigla pa niyang sagot saka nagpatuloy sa kanyang pagsasalita,

"Tayo lang naman ang gumagawa ng sarili nating daan. Ginawan tayo ng Diyos ng kalayaan. Kung gusto mo 'yan gawin. Edi gawin mo! Kung ang Diyos pa ang nagccontrol satin. Edi sana walang mga kriminal. Edi sana walang mga makasalanang tao. Edi sana hindi tayo nagkakasakit. Edi sana......walang namamatay. Pasalamat nga ako sa Kanya eh. Dahil kahit may taning na ang buhay ko,hindi parin lumalagas ang mga buhok ko. Hanggang ngayon humihinga parin ako. Kaya dahil dun,gumagawa ako nang mga bagay na ikakaligaya Niya. Manalig kalang sa kanya. At sisiguraduhin kong happy ang life mo kasama Siya." Then she genuinely smiled.

M-may kanser siya?

Gusto kung maniwala. Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya. Na meron ngang Diyos. Na totoo nga Siya. Na buhay nga Siya.

Pero ang unfair naman ata nun?! Bakit sila masaya e kami hindi? Bakit may nagmamahal sa kanila samantalang kami wala? Bakit ganito ang estado ng buhay namin samantalang sila ang swerte swerte nila wala silang.....pinapasan na problema.

Pero kung totoo man Siya. Ang unfair niya! Ang unfair unfair niya!

Dali-dali kong nilagpasan ang babae na kasulukuyang nagsasalita parin tungkol sa Diyos niya!

Baka kasi maniwala pa ako. Maniwala pa ako sa wala.

Agad akong nakarating sa silid kung saan naka confine ang aking kapatid. Nakita ko namang natutulog sila. Si Mira,Si Tiya at ang bunso kong kapatid.

Napa buntong hininga nalang ako.

"Oh....nandito ka lang pala Raymond! Akala ko umuwi kana.."wika ni Tiya.

"Aah...May binili lang po ako...Oo! May binili po ako para kay bunso!"sakto namang may prutas akong dala. Binigyan kasi ako ng pera ni Mira kanina. Pambili daw sa gusto kong makain. Sakto namang may nakita akong fruit stand.

"Maganda na ang kondisyon ni Janjan. Tumaas na uli ang platelet niya sabi ng doktor. Salamat sa Diyos!"bunyi ni Tiya habang si Mira naman bago pa ang gising.


"Kuya!"sigaw niya.


Salamat.

Gumaan naman uli 'yung kalooban ko.

Naalala ko na naman 'yung babae.

'Yung babaeng malaki ang pananampalataya sa Kanya.

Sa Diyos.

Maniniwala nga ba ako sa kanya?

Ano nga ba ang pangalan niya?


To be continued...


Pray.

Read God's Word.

Go to Church.

Obey his commandments!

Thank you sa lahat na bumabasa. I hope na may matutunan kayo sa bawat kabanata!

GOD BLESS YOU ALL!

My Christian Life (Christian Living Series #1)Where stories live. Discover now