Kabanata 06

887 43 9
                                    

Dedicated kay @poodlebear I'm so blessed with your feedbacks. I'm currently reading your "Broken Promises". Tsaka Faith ito na talagaaaa!!!

At sa lahat ng readers,thankyouuu!

Official Hashtags.

#ILoveGODfromMCL
#JesusismyLORDandSAVIOUR
#KeeptheFAITHfromMCL

~*~

Kabanata 06

"These things have I written unto you that believe on the name of the Son of God; that ye may know that ye have eternal life, and that ye may believe on the name of the Son of God. "

-1 John 5:13

Raymond

Siya?!

Siya? 'Yung babaeng malaki ang pananampalataya sa Kanya?

Siya? 'Yung babaeng may.....kanser?

"It's YOU?"mariin niyang sabi emphasizing the word 'YOU'

Hindi hindi. Replika lang 'to!

"Hali ka makinig ka sa story na ibabahagi ko!" Story?! Hoy matanda na ako noh? Ano ako 8 years old?

"Ah eh.....para sa mga bata lang 'yan noh!"pag-angal ko.

"No. It's all about JESUS..." 'Yan na naman eh. Palagi nalang Diyos. Diyos nalang ng Diyos na sa totoo...hindi naman talaga siya nag-eexist!

"Ah,may pupuntahan pa kasi ako eh! Oo! May pupuntahan pa ako.."Nagdahilan ako. Oo dahil hindi ko gusto. Una,dahil ayaw kong marinig ang sasabihin niya. Pangalawa,hindi ko gustong maniwala sa sasabihin niya. Kaya mas mainam na umalis nalang dito ng matapos na ang lahat.

"Dapat huwag mong e-regret ang story na'to,diba mga bata?"Kinukumbinsi niya sila.

Ano na naman kaya 'yang storya na'yan?

"Opoooooo!!!"masiglang sabi ng mga bata. Tsaka tinulak at hinilahila ako saka pinaupo.

Kahit labag sa kalooban ko. Gagawin ko nalang.

Umupo nalang ako.

"Yeeeeey!!!"

"Si Kuya Raymond sasali!"

"BUNYIIII!!"

"Waaaaah!!!"

Bunyi 'yan ng mga bata. Naalala ko 'tong mga batang 'to. Ito pala 'yung mga bata na nakikita kung nagtitipon ng mga basura tsaka plastic para ibenta sa junkshop para may makain sila.

'Yung babae naman nakangiti lang.

Ang ganda niya...pag nakangiti. Oh tigilin nga 'yang pag-iisip na 'yan!!!

"Pwede naba akong magsimula mga bata at....ano nga pangalan mo?"tanong nung babae.

"A-ah ...Raymond. Raymond Buenavista."utas ko habang nililibang ang sarili sa paglalaro ng mga daliri ko.

Pero nabalik naman agad ang atensyon ko ng nagsalita siya muli,

"At....Raymond? Pwede na ba akong magsimula?"

"Opooooo!!!" sigaw nung mga bata.

Ngumiti nalang ako.

"Okay ang story natin ngayon ay tungkol kay?" Kahit may sakit siya nakangiti parin siya masaya siya sa ginagawa niya.

My Christian Life (Christian Living Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon