Kabanata 014

426 20 1
                                    

Matthew 6:33-34

"But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well. Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own."

-------------------------------

Kabanata 014

Raymond

Pero iyon lang din ang lumabas sa bibig ko. Inangat ko ang paningin ko sa itaas. Nanginig ang mga kamay ko. Nangilagid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sistema ng katawan ko. Hindi ko siya kayang harapin. Kasi walang katumbas iyong kasalanan ko sa kanya. Nahihiya ako sa harapan niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Agad akong tumalikod at dali-daling humakbang palabas ng auditorium. Mabilis akong naglakad pabalik sa group place namin. Pagkabalik ko doon,mahimbing na ang tulog nila. At hindi na nila ako pansin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa pwesto ko. Humiga agad ako sa banig at tinabunan ng kumot ang aking sarili.

Pinunasan ko muna ang luha gamit ang aking mga braso.

Ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng nagpahinga.

* * *

Nagising kami sa tinig ng kampana. Gusto ko pa sanang matulog pero tinawag na ang lahat ng miyembro sa grupo para ihanda na ang aming almusal.Masaya kaming nakikipag-usap sa mga ka-miyembro namin tungkol sa mga nangyari kahapon. Nabalot ng halakhakan at kantyawan ang kitchen ng bigla kaming sitahin nung councelor dahilan kung bakit tumikom ang aming mga bibig.

"Ang kj naman nun.."narinig kong bulong nung isa kong ka-miyembrong babae.

"Oo nga! Eh nagsisiyahan lang naman tayo rito."sabi pa nung isa.

Sinuway nalang sila nung leader namin na intindihin at huwag manira ng kapwa. Aniya'y nandito daw kami para ma-enjoy ang aming sarili at mas madagdagan at ilapit ang sarili namin sa Diyos.

Tama siya.

Kaya kami,ako nandito para doon.

Pumito na naman 'yung councelor para iligpit na 'yung mga plato at maligo na't magbihis kasi pupunta kami sa open field kasi magkakaroon ng sportsfest ngayong araw. Iba't-ibang outdoor sports ang lalaruin namin.

Noong matapos na kami ay agad kaming dumiretso sa open field. Hindi naman kalayuan 'yung plaza. Pero tirik na tirik kasi iyong araw. Nagmamadali kaming mga ka-miyembro ko na makapunta doon sa plaza para makasilong man lang sa init ng araw. Sakto pagdating namin agad kaming pinwesto para sa short briefing. Nandoon na ang lahat ng grupo at pumunta na doon sa harapan ang lead counselor na siyang mag-aanunsyo sa mga lalaruin namin. Nabanggit niya doon na maglalaro kami ng basketball,volleyball at softball. Panghuli ang batakan. Sa open field lahat lalaruin iyon.

Napag-usapan namin sa grupo na sa softball ay pwede na ihalo ang mga lalaki sa babae basta't mga magagaling ito. Napag-usapan rin namin na kung sino ang nakakasali na sa isang laro ay huwag ng sumali pa sa isa.

Stick-to-one aniya.

Doon ako sa basketball. Kasi hindi ko rin naman talaga alam kung pano lalaruin 'yung iba. Atleast,may alam ako rito.

Pinili na ang first five at isa ako roon. Noong una ay ang ganda pa ng laro nagsitalbugan lang ng shoot sa iba't-ibang player sa grupo. At hindi pa ako nakasali doon. Pero noong umabot na sa punto na inihagis na iyong bola sakin ay dali-dali ko itong shinoot at laking gulat ko na 3 points iyon. Nakarinig ako ng hiyawan galing sa mga ka-grupo ko pero ang gusto ko lang marinig ay ang sigaw niya. Ewan ko. Hindi makokompleto ang araw ko kung wala siya. Oo naiirita ako sa kanya dahil pinipilit niya ako. Pero nagpapasalamat narin ako at dahil sa kanya. Unti-unting bumabalik ang pananampalataya ko sa Kanya.

My Christian Life (Christian Living Series #1)Where stories live. Discover now