CHAPTER ELEVEN 💋

1.7K 34 0
                                    

At dahil nga sa nangyare kanina ay parang natakot na si Marjorie na samahan si Sir Jace.

Kaya sinabi ni Miss Devone sakin na ako na lamang ang sumama rito.

"Coffee?" alok sakin ni Sir Argus na kinalingon ko sakaniya. Nasa labas kasi ako at hindi naman ako pinapapasok ni Sir Jace.

Ngumiti ako at tinanggap 'yon. "Salamat."

"So, ikaw pala ang babaing yon?" tanong nito at parang alam ko na ang ibig nitong sabihin kaya nakaramdam naman ako ng hiya kaya di na ako umimik.

"Don't worry, I won't judge you the way you judge me now." natatawa nitong sabi kaya tumaas ang isang kilay ko.

"I mean, jinajudge mo na ako the way you raising your eyebrows, dahil akala mo iisipin ko na isa kang ano...alam mo na pero I won't, okay." sabi nito at tumango ako.

"Bakit andito po pala kayo?" tanong ko.

"Ahm. Dinadalaw ko si Jace,why?" tanong nito.

"I mean, bakit andito po kayo sa desk ko, andon si Sir sa loob." saad ko.

"Tss damot mo naman makipagkwentuhan, alam mo namang ang sungit-sungit ni Jace ngayon eh." sabi nito at di na lamang ako nagsalita.

Nagsusulat na lamang ako habang siya salita ng salita.

"Mabait naman yan si Jace, kaso medyo moody at may pagka cold person..except to you." sabi nito na kinatigil ko saglit sa pagsulat at tiningnan siya.

Ngumiti naman siya sakin. "Kitam, interested ka din sakaniya---"

"I'm not, Sir!" saad ko at nagkibit balikat lang siya.

"Well, if you say so." sabi nito at napailing nalang ako, hindi ako makikipagtagisan dito.

Pareho naman kaming napatingin sa pinto ng magbukas 'yon at lumabas si Sir Jace.

"Why are you still here?" tanong nito, akala ko naman si Sir Argus ang sinasabihan nito kaya siya ang tiningnan ko.

"Don't look at him, hindi siya ang tinatanong ko." saad nito na kinatayo ko.

"I'm waiting for your signal, Sir." sabi ko.

"You can go if you want, hindi naman kita pinagstay dito." sabi nito at napabuga ako sa kawalan saka tumango at inayos na ang nasa desk ko.

"May masasakyan ka paba?" tanong ni Sir Argus sakin kaya ngumiti ako ng alangan.

"Pasado alas diyes na, Clinton!" tawag nito sa kaibigan.

"Do you expect me to drive her home?" tanong nito sa kaibigan.

"Well, if your not ako ng gagawa, tara?" aya nito sakin kaya sinukbit ko ang bag ko at kita ko ang paglingon ni Sir Jace samin at hindi ko pinansin yon.

"Wag na , salamat." sabi ko at iniwan na sila.

Pagbaba ko sa lobby ay halos wala na talagang tao at si Manong guard nalang ang andon.

"Good evening, Miss, ginabi ho kayo." sabi nito saka ako nag time out sa biometric.

Ngumiti na lamang ako at nagpaalam na kay Manong.

Naupo ako sa may waiting shed at nagabang ng bus na masasakyan.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakakailang tawag na pala si Patrick  sakin kaya naman tinawagan ko siya pero wala na pala akong load ngumiwi nalang ako at ibinalik sa bag ko yun.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now