CHAPTER 23 💋

1.7K 30 0
                                    

Pagpasok namin ay sinalubong kaagad kami ng isang babaing may kaedaran na kaya agad akong yumuko sakaniya.

"Siya si Manang Sol, matagal na namin siyang kasama dito sa bahay." pagpapakilala nito.

"Hello po." bati ko.

"Magandang umaga sainyo, ma'am, kanina pa ho kayo inaantay ng Mommy mo." sabi nito at tumango ito sakaniya saka tumingin sakin.

Iginiya niya ako kung nasaan ang mga magulang nito at kung ano-ano nalang ang naiisip ko sa mga oras ngayon.

"Clinton, anak." bati nito saka hinalikan ito sa pisngi at niyakap.

"Dad." bati naman nito kay Sir Rocco na nakaupo sa pangisahang couch.

"Mom, Dad. Si Solene po girlfriend ko, siya po yung nasabi ko sainyo."sabi nito kaya naman agad akong tumungo at saka nag hello sakanila.

"Good morning po sainyo." sabi ko at wala akong ibang narinig na sagot kaya mas kinabahan ako.

"Iha, okay kalang? Ba't namumutla ka?" biglang tanong nito kaya ngumiti nalang ako at tiningnan si Jace.

"Mahal kalmahin mo ang sarili mo please, makakasama sa baby natin kung ganiyan ang nararamdaman mo." mahina nitong sabi kaya tumango ako.

"P-Pasensya na mahal." sabi ko at tumango ito at inalalayan niya akong makalapit sakanila.

"Kamusta ka iha?" tanong naman ni Sir Rocco kaya huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Okay lang po ako"  sabi ko at tumango-tango ito.

"Di ba isa kasa mga accounting dun sa kumpaniya?" tanong nito at tumango ulit ako.

"Opo." tipid kong sagot.

"Well, alam ko isa ka sa mga magagaling kong empleyado ko." sabi nito.

"Nako, so magaling ka pala, matutulungan mo si Jace sa pagpapatakbo nito." sabi nito.

"Mom naman." sabi ni Syxto.

"Eh kaya naman pala inspired magtrabaho itong si Jace  may magandang dilag na nakita, kung dati sapilitan pa para lang patakbuhin ang kumpaniya." natatawa nitong sabi kaya medyo nababawasan ang kaba ko dahil feeling ko naman ay mababait sila. Sinabi nadin namin sa magulang ni Jace ang pagbubuntis ko at syempre para walang gulo ay sinabi nadin namin ang sa nakaraan namin ni Mhiro at inexplain namin sakanila ng maigi at wala naman akong nakuhang pambabatikos sa magulang nito na gaya ng inaasahan ko.

___

"Saan ka nakatira iha?" tanong ng Mommy ni Jace.

"Ahmm..sa Sta. Maria Bulacan po kami." sabi ko at tumango ito.

"Ilan kayong magkakapatid ha?" malumanay nitong tanong sakin.

"Dalawa lang po kami, ako at kapatid kong lalaki, ako ho ang panganay." sabi ko.

"Alam mo, dati talaga gusto-gusto ko ng anak na babae kaso hindi ako biniyayaan.." sabi nito at nakinig lang ako.

"First time lang magpakilala ng babae na girlfriend nito si Jace, mga pinapakilala lang niya samin na babae ay si Jeneza at kaibigan niya ito, kilala mo ba ito?" tanong niya sakin at tumango ako.

"Kaibigan ko po si  Jeneza, magclassmate ho kami nung highschool at Third year College sa Harson University." sabi ko at tumango ito.

"woooaahh..you mean nag aral ka sa Sikat na Universidad sa pilipinas." sabi pa nito.

"Opo, kaso hindi po ako nakapagtapos ng college dahil namatay po ang aking papa." pagpapaliwanang ko.

"Clinton told us already about what happened to your family. at nakikiramay kami sa pagkamatay ng Papa mo. Im sorry din about sa inasal noon ng kapatid ko sayo. Talagang iniingatan lang nila ang kapakanan ni Mhiro at ng kompanya nila."   pag eexplain ng mama ni Jace na halos naluluha.

"nauunawaan ko po, nakikiramay dn po ako sa pagkamatay nila" sabi ko.

"Well, aaminin ko sayo, medyo nailang ako sa isiping naging kasintahan mo noon si Mhiro pero syempre hindi ibig sabihin non ay ayaw ko na sayo at tututulan ko ang relasyon niyo, nagulat lang pero ayos na din saamin ng asawa ko, sa tingin ko naman ay mabait ka at alam kong mahal na mahal ka ng anak kong si Jace."  dagdag pa nito.

"Salamat po, sa totoo lang po ay kinakabahan ho talaga ako dahil first time ko lang maka-meet ang parents ng naging boyfriend ko..noon kasi kay migo ay ang lola lang nito ang nakilala ko at hindi ang parents niya tas after naman po sakaniya is si Jace na ho." sabi ko dito.

"Ibig sabihin lang non ay meant to be talagang maging magfuture Mommy tayo .." natatawa nitong sabi.

"Oo nga po." sabi ko, narinig ko ang pagbuntong hininga nito at binuka ng malaki ang dalawang kamay niya.

"Welcome to the family, Solene." sabi nito kaya napangiti ako saka tinanggap ang yakap nito.

"Ma-Maraming salamat po." sabi ko at hinaplos nito ang buhok ko at sinabing puntahan na daw namin ang mag-ama.


One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now