CHAPTER 17 💋

1.5K 30 0
                                    

ARGUS 𝖯𝖮𝖵

Nagsisimula na akong gawin ang pakiusap ni Jace sa akin sa paghahanap dun sa 'Mystery girl' ni Mhiro.

I was hoping lang na maging okay ang lahat when I find her. Alam ko namang mahahanap ko agad siya kahit saang sulok pa ito ng mundo mapunta.

Magpapaalam lang sana ako kay Jace pero ang secretary nyang su Julie ang naabutan ko.

"Si Sir Jace?" tanong ko pero mukhang hindi nito alam tss.

Lumabas muli ako at si Trisha na ang nilapitan ko, I sat in her table and she looked shock when she saw me.

"Sir Argus?!" mahinang bulalas nito at napalingon pa sa paligid nito.

"Ano na naman po ba ang kailangan niyo, mangaasar kalang ata eh." sabi nito ng hindi makatingin, since kasi ng mahuli ko sila sa office na naghahalikan ay naging ganto na siya well, hindi ko naman siya masisisi.

"No, ikaw naman eh. Magtatanong lang sana ako, where's your boyfriend?" tanong ko at napairap kaagad ito saka huminga ng malalim.

"Sabi ko na nga ba, hindi daw mangaasar." sabi nito at natawa ako.

"Nasan nga siya? May sasabihin lang sana ako pero wala to sa opisina niya." tanong ko.

"Well, Sir Argus hindi po ako hanapan ng mga nawawalang tao, bakit hindi niyo po tanungin si Miss Julie." sabi nito sabay smile sakin pero sandali lang yon.

"At saka pwede po ba umalis na po kayo sa lamesa ko at baka kung ano pang isipin ng mga tsismosa dito." mahinang sabi nito at napalingon naman ako sa paligid at tumayo na nga ako sa pagkakaupo ko.

"Okay fine, pakisabi nalang sakaniya pag nakita mo na, aalis lang ako to do something amazing." sabi ko at ngumiwi lang siya at nagnod tss.

NAKANGITING umalis ako. She so cute, actually I like her since I saw her here pero wala, mas malakas ang tama ni Jace Clinton Monteverde sakaniya at ayokong kalabanin ang kaibigan ko tutal baka hindi din ako deserve ni Trisha, she's so kind but brave at the same time that's why I can't blame Jace Clinton to love her so much. Hindi na ako eeksena sa lovelife nila.

Ang sabi ni Jace sakin ay sa Batangas daw nakatira ang babae pero pagkarating ko dun sa address na in-email sakin nito ay iba na ang nakatira.

"Sigurado ho ba kayong walang nakatirang Belinda Serafin dito?" tanong ko.

"Ano ka ba naman fafa, kanina ko pa sinasabi sayo eh pajulit-julit yarn!" inis nito sabi na kinakunot ng noo ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi nito kaya huminga ako ng malalim at tiningnan ang kasama kong si France, matagal-tagal din tong nagbakasyon kasama ang misis niya kaya bihira nalang namin siya makasama ni Clinton.

"Sigurado ka bang tama ang address na napuntahan natin, baka naman mali yan." tanong ni France sakin kaya agad na pinakita ko sakaniya.

"Ito paanong magiging mali?" saad ko.

"Sampaguita Village Block 109"  basa ko pang muli.

"Eh baka naman tol wala na dito ang babaing hinahanap natin." sabi naman niya kaya napabuntong hininga ako.

"Magtanong nalang muna tayo, dapat mga lagpas five years ng nakatira dito ang mapagtanungan natin para sure." sabi ko at tumango ito.

Naglakad-lakad na muna kami para magtanong pero wala daw talaga silang kilalang Belinda Serafin.


One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now