58

2 0 0
                                    

"Go Primo!!" Malakas kong sigaw kasabay ng ibang tao sa section namin.

Ang ganda ng laban kahit man 2nd quarter palang. Nakakapanibago rin na manood sa pinakamalapit dahil kitang kita ko talaga yung galawan at itsura ng mga players.

"Wow, girlfriend." Rinig kong bulong ni Max.

Masamang tinignan ko naman siya bago diniinan ang pagsandal ko sa mga braso niya dahil nakaakbay siya sa akin.

"Aray ano ba!" inis niyang bulong sa akin.

I cheekily smirked and looked in front. Palibhasa kasi ay hindi siya makasigaw sa crush niyang si Hugo dahil katabi niya tatay niya ngayon. Biglaan kasing nakisabay si tito sa amin nung nagkita kami sa arena.

Natawa pa ako kaunti no'n dahil kaagad kumaripas ng takbo itong si Max para tanggalin ang make up at para rin ayusin ang damit na suot.

Max hasn't come out to his father yet about his true sexuality. Halos lahat ay alam na bakla siya maliban lang sa tatay niya. Kaya ito kami ngayon, nagpapanggap kaming magkadate kahit naman hindi talaga.

"Ayan crush mo diba?" bulong niya sa akin habang sinusundan namin ng tingin si primo.

Ngumiti ako at tumango.

"Matagal na."

Tinignan ko siya at nakita ko siyang magpigil ng kilig. Matagal ko na itong kaibigan si Max dahil magkapitbahay kami sa Cavite tapos kababata ko pa. Sabay rin kami lumipat dito sa UST at halos parang ka-dorm ko na rin siya dahil katabi lang ng dorm room ko ang dorm niya.

"Infairness, may type ka sis ha."

Natawa naman ako.

"Wala nang bago doon!" asar ko.

Parehas nama kaming natawa subalit naputol ang tawanan naming dalawa nang umalingawngaw ang pito galing sa court.

At parang naaninag ako ng ilaw nang bigla bigla akong napatayo nang makita ko si Primo na seryoso at galit na nakatingin sa kalaban habang pinipigilan na siya ng ibang ka-teammates niya.


•••


p 🔒 @privprim • 4h
the fuck is happening to me

Chasing SunsetsWhere stories live. Discover now