CHAPTER 6

6 0 0
                                    

Carrie's POV

"Ayos kalang?"tanong sakin ni Brix kaya napatingin ako sakaniya.

Sasagot na sana ako pero ng makita ko ang kotse ni Dark na huminto sa harapan namin ay napatikom nalang ako ng bibig. Bago pa man makalabas si Dark sa kotse niya ay pumasok na ako sa loob pero bago yun sinulyapan ko muna si Brix para sabihin na mauna na ako.

Pag kasakay ko ng kotse ay napabuntong hininga muna ako bago tingnan si Dark.

"Uhm..."Hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil pinaandar na niya yung kotse niya. "Galit kaba?"tanong ko.

"Nah,"tipid niyang sagot.

"Eh bat ganiyan ka?"tanong ko. Seryoso lang kasi siya at di manlang ako tinitingnan.

Sinulyapan naman niya ako.

"I was just worried. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo dahil hindi ka nag rereply sa mga messages ko tapos naka off pa phone mo."Sabi niya kaya agad kong kinuha ang phone ko sa bag saka ito tiningnan. Naka off nga ito. Namatay siguro ito nong nalaglag.

"Sorry hindi ko alam na naka off pala ang phone ko."Sabi ko.

Hininto nanaman niya yung sasakyan niya ng makarating na kami sa parking lot. Hindi pa siya bumababa kaya nanatili nalang din ako dito sa loob.

"Wala namang masamang nangyari sakin. Muntikan lang ako kaninang mahagip ng kotse na dumaan sa harapan ko. May sumugod din saming mga lalaki pero di ko naman sila kilala baka mga kaaway sila ni Brix kaya hindi na ako nangialam pa. Mag kasama nga pala kami ni Brix kanina dahil sinamahan niya akong mag hanap ng part-time job kahit ayaw ko."Paliwanag ko ng tingnan niya ako.

"Okay"sabi niya at bumaba na at pinag buksan ako ng pinto.

"Hindi kana galit?"tanong ko pag kababa ko.

Umiling naman siya.

"Hindi naman ako galit, nag-alala lang ako."

"Akala ko kasi galit ka dahil nakita mo kami na mag kasama ni Brix. Wag kang mag alala, sisiguraduhin ko na palagi ng naka bukas ang phone ko at mag rereply narin ako palagi sa mga messages mo para hindi kana mag aalala."

Napatango tango naman siya saka na niya ako inaya papasok sa condo. Pag karating namin sa unit niya ay kumain na kami.

"Hindi kapa matutulog?"tanong ko pag katapos naming kumain at mag ligpit. Nakita ko kasi na patungo siya sa study room at hindi sa kwarto niya.

"Yeah, mag aaral pa ako."Sagot niya.

Nakaramdam naman ako ng kaunting pag ka guilty dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang inaaral niya. Kung nag reply lang sana ako sa mga messages niya, hindi sana siya nag alala at hindi niya sana ako hinanap.

"Okay study well, my future attorney."Sabi ko saka siya nilapitan at hinalikan sa pisnge at pag katapos non ay tumakbo na ako papasok sa kwarto ko. Nahiya kasi ako sa ginawa ko. Hinalikan ko lang naman kasi siya para mag apologize. Kapag nag sorry kasi ako ang sasabihin niya ay hindi ko naman kasalanan na hindi siya nakapag aral dahil nag alala siya at hinanap niya ako dahil choice naman niya yun kaya hinalikan ko nalang siya sa pisnge.

Naligo muna ulit ako bago humiga sa kama.

Kinabukasan. 7 AM na ako ng magising, hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa nakita ko, di tuloy ako nakapag luto ng breakfast tapos na late pa ako dahil nag breakfast muna kami ni Dark sa isang restaurant.

Kinahapunan. Wala yung mag tuturo samin sa last subject kaya naisipan kong mamili nalang muna ng mga ingredients para sa lulutuin ko bukas dahil mamaya pa naman ang tapos ng klase ni Dark.

THEY'RE RUINING OUR LIVES (DHU SEASON TWO)Where stories live. Discover now