CHAPTER 13

17 0 1
                                    

Carrie's POV

Nagising ako sa isang kwarto na hindi nanaman familiar sakin.

"She's awake."Rinig kong sabi ng isang lalaki kaya napatingin ako dito. Nakasuot ito ng pang doctor.

"Nasa hospital po ba ako?"tanong ko.

"No, nandito ka sa mansion ko anak."rinig kong sagot ng tunay kong ama na ngayon ay nasa tabi na ni Doc.

So it means siya nga talaga yung nag pasundo sakin don sa mga lalaki. Inutos niya kaya na pwersahin ako ng mga ito?

"Anong nararamdaman mo hija?"tanong ni Doc.

"Masakit lang po ang ulo ko."sagot ko.

May sinulat naman ito saka kinausap ang tunay kong ama.

"Inomin mo muna ito hija."Sabi ni Doc saka may inabot na gamot sakin na agad ko namang ininom. "Kapag may problema tawagan niyo nalang po ulit ako. Mauuna napo ako at marami pa akong pasyente."

Tumango lang naman ang tunay kong ama saka ito naupo sa tabi ko.

"Mabuti nalang at pinasundan kita sa mga tauhan ko kung hindi baka napahamak kana. Kilala mo ba iyong mga lalaking nag tangkang dukutin ka?" Tanong nito sakin.

So ibig sabihin hindi pala niya kilala yung mga lalaki kanina o baka nag papanggap lang siya?

"Hindi ko po sila kilala. Ang sabi nila kayo ang nag utos na sunduin ako."Sabi ko.

"Hindi ako ang nag utos sakanila. Marahil ginamit lang nila ang pangalan ko. Wag kang mag alala malalaman ko rin kung sino ang nag utos sakanila at sisiguraduhin kong mananagot ito dahil sinaktan niya ang anak ko."Sabi nito.

Mukha naman siyang di nag sisinungaling.

"Paano niyo po pala nalaman na anak niyo ako? "Tanong ko.

Ngumiti naman ito.

"Ibig sabihin ba niyan naniniwala kana na anak kita?"

Tumango naman ako. Naniniwala nanaman kasi talaga ako na ama ko siya pero di ko parin tanggap.

"Nabasa ko po yung diary ni mommy kaya naniniwala na ako na anak niyo ako. Ngayon gusto ko pong malaman kung paano niyo nalaman na anak niyo ako. Sinabi po ba sainyo ni mommy?"tanong ko.

Umiling iling naman siya.

"Hindi sakin sinabi ng mommy mo na anak kita,ang sabi niya anak ka ng Charlie na yun pero hindi ako naniwala kaya humingi ako ng tulong sa kaibigan ko na doctor na kapatid ng doctor ng mommy mo kaya nalaman ko na anak talaga kita pero ng malaman ko yun ay nilayo nanaman kayo saakin ni Charlie. Pinahanap ko kayo pero di kayo nahanap ng mga tauhan ko hanggang sa nabalitaan ko nalang na namatay na ang mommy mo at don sa libing niya ikaw natagpuan ng tauhan ko. Hindi ka niya nagawang lapitan kaya kinuhaan ka nalang niya ng litrato. Matagal na sana kitang nahanap kung hindi lang nawala ang litrato mo."

Kung ganon nilayo pala ako ni Daddy sakaniya.

Tok!tok!

Nang may kumatok ay sabay kaming napatingin sa may pintuan.

"Mawalang galang na señor, pinatatawag po kayo ni señora, gusto daw po niya kayong makausap."Sabi ng isang lalaki.

Tumango lang naman siya.

"Maiwan muna kita anak. Mag pahinga ka muna."Sabi nito saka lumabas na.

Marami pa akong gustong itanong sakaniya kaya hindi muna ako aalis dito. Bumangon muna ako para mag CR pero di ko makita kung nasan yung CR kaya lumabas nalang muna ako. Pag labas ko ay agad kong nilibot ang paningin ko. Grabe sobrang lawak nitong mansion.

THEY'RE RUINING OUR LIVES (DHU SEASON TWO)Where stories live. Discover now