CHAPTER 15

13 0 0
                                    

Dark's POV

"L-Lets end our relationship."

When Carrie said that, it was like stabbing my heart. Ganon nalang ba kadali para sakaniya na tapusin ang relasyon namin?

"Ganon nalang ba kadali sayo ang lahat?"I asked.

Bakit parang ang dali lang sakaniya na tapusin ang relasyon namin samantalang hindi ko naman alam ang sinasabi niya kaya paano ko aaminin ang kasalanan na hindi ko naman alam? Isa lang ang sa tingin ko at yun ay may kinalaman yung taong nag papadala sakin ng sulat sa nangyayari ngayon.

Nong Monday ko pa napansin na iba ang kinikilos niya pero hindi ko nalang pinansin pa yun dahil inisip ko na pagod lang siya pero kinabukasan hindi nanaman niya ako masyadong kinausap kaya nag alala na ako na baka may problema. Pinuntahan ko siya non sa pinag trabahuhan niya pero hindi ako pumasok sa loob at inantay ko nalang na matapos ang shift niya hanggang sa hindi ko siya nakita na lumabas kaya tinawagan ko na siya pero di niya sinasagot at ng mag text siya at sinabi na uuwi na siya ay nag madali akong pumunta sa condo at pag dating ko ay dumating narin naman siya ang kaso sabi niya matutulog na siya. Pipigilan ko sana siya dahil gusto ko na mag usap kami pero ng sabihin ng kuya niya na mag usap kami ay hindi ko na siya pinigilan pa at sumama nalang sa kuya niya. Pag karating namin sa bar ay sinabi nito na may nalaman daw sila tungkol sa magulang nila at sinabi niya sakin kung ano yun kaya naintindihan ko na kung bakit siya nag kakaganon. Nang mag punta ito sa comfort room ay bigla nalang may lumapit saakin na babae at hinalikan ako kaya bigla ko itong naitulak at pag tingin ko si Chloe pala. Nagalit ako sa ginawa niya kaya humingi siya ng tawad pero hindi ko na pinansin pa yun at umalis nalang. Kinabukasan binalak kong sabihin kay Carrie yung nangyari pero hindi ko nagawa dahil pinaalis na niya ako  kaya umalis nalang ako pero hindi ako mapakali kaya bumalik ako pero pag balik ko hindi ko inaasahan na makita sila ni Brix na mag kayakap. Nakaramdam ako ng galit pero ng makita ko ang itsura niya ay mas pinili ko na huminahon at kausapin nalang siya ng mahinahon pero umalis siya at pumunta sa sementeryo kaya sinundan ko siya pero hindi ko siya nilapitan hanggang sa umulan kaya hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na siya. Nang iwasan niya ako ay tinanong ko na siya kung anong problema at ng sabihin niya na ako ang problema niya dahil niloko ko siya ay naguluhan ako dahil hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sinasabi niya at ng ipakita niya sakin ang picture namin ni Chloe ay napaisip na ako kung sino ang nag sent nito sakaniya kaya tinanong ko siya pero hindi niya sinagot sa halip ay mas nagalit pa siya. Nang himatayin siya ay dinala ko siya sa bahay nila nanay sa halip na sa condo dahil para mapalitan siya ng damit at malinisan. Ayaw ko naman kasi na ako ang gumawa non kahit na nakita ko na ang buo niyang katawan ay ayaw ko parin naman mag take advantage lalo na't wala siyang malay. Gusto ko na sanang mag paliwanag non pag kagising niya pero naisipan ko munang bumili ng gamot kaya umalis muna ako pero pag balik ko nakita ko na papaalis na siya kaya hinabol ko siya at pinaliwanag ko na sakaniya ang nangyari ang kaso lang naguluhan ako dahil para bang meron pa siyang gustong marinig na sabihin ko. Nang mag lakad na siya ay susundan ko pa sana siya pero pinigilan na ako ng kuya niya at sinabi na hayaan ko nalang muna siya at bigyan ko muna siya ng space and time kaya yun ang ginawa ko kahit na gustong gusto ko talaga siyang kausapin. Kanina sinabi sakin ng kuya niya na dalhin ko yung gamit niya kaya dinala ko ito pero hindi ako nag pakita sakaniya buong mag hapon para bigyan siya ng space and time pero kinahapunan di ko na natiis kaya pinuntahan ko na siya sa pinag tatrabahuhan niya at ng makita ko na hinalikan siya ni Brix ay nag dilim na ang paningin ko at parang gusto kong pumatay pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nangako ako na hindi na ako basta basta papatay. Sinuntok ko nalang ito saka pinag bantaan pero hindi siya nasindak sa pag babanta ko kaya naisip ko na baliin na ang pinangako ko sa sarili ko pero may pumigil na sakin kaya umalis nalang ako.

"Hindi!Hindi ganon kadali sakin ang lahat pero pinadali mo kaya mabuti pang tapusin na natin ito! Umalis kana dahil ayaw na kitang makita pa."pag kasabi niya non ay tinalikuran na niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THEY'RE RUINING OUR LIVES (DHU SEASON TWO)Where stories live. Discover now