seven

4 0 0
                                    

Nang makarating kami sa parking area ng school ay agad akong pinapasok ni kuya sa kotse niya “Uuwi na tayo” malamig na saad nito pero bago pa siya pumasok sa driver’s seat ay lumapit muna siya kila Shion at Max at tila ba may pinag-uusapan sila 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makarating kami sa parking area ng school ay agad akong pinapasok ni kuya sa kotse niya “Uuwi na tayo” malamig na saad nito pero bago pa siya pumasok sa driver’s seat ay lumapit muna siya kila Shion at Max at tila ba may pinag-uusapan sila 

Tanaw na tanaw mula sa pwesto ko na seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Nakita ko pang tumango tango si Max at nakipag-handshake naman si Shion kay kuya pagkatapos nun ay sumakay na ito sa kotse at saka ito pinaandar.

Tahimik lang ang naging biyahe namin ni kuya hanggang makarating kami nito sa isang restaurant akala ko ba uuwi na kami ang gulo din nito eh 

“Alam kong gutom ka na kumain muna tayo bago umuwi” kalmadong saad niya habang nagtatanggal ng seatbelt iba na din ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Kung kanina ay seryoso at galit ito, ngayon naman ay kalmado na “Teka kuya si Riel hindi na natin na-antay” sagot ko naman sa kanya 

“Nandito na si Riel kanina pa, mga 1 hour na nga niya tayo inaantay” sagot nito saka bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse

Nang makapasok kami sa loob ay napatulala ako sa ganda ng set-up at disenyo ng restaurant halatang mamahalin, at nakita ko ang bunso naming kapatid na nakabusangot habang may pina-nonood sa cellphone niya.

Nang makalapit kami ay nagulat pa ito saka kami inirapan at tumalikod dahilan para magka-tinginan pa kami ni kuya, nagtatampo na naman ang pusa namin eeste bunso pala. Umupo ako sa tabi ni Riel saka siya niyakap “Kanina ka pa ba dito? Sorry na-late kami may nangyari lang” pagkasabi ko nun agad itong gulat na humarap sa akin at saka sinuri ang mga braso at mukha ko “Napaano ka ate? Okay ka lang? Anong nangyari sayo?” nag-aalala at sunod sunod niyang tanong sa akin napangiti naman ako sa naging reaksyon niya 

“Ano ka ba okay lang ako wag ka mag-alala nandyan naman si Kuya” paninigurado ko sa kanya kaya tumingin ito kay kuya saka niya ito pinanliitan ng mata na para bang nagpapahiwatig na magkwento sa nangyari 

Napabuntong hininga na lang si kuya at walang nagawa kundi sagutin ang tanong ni Riel dahil alam niyang kukulitin lang siya nito

“Wala naman, dating eksena pa rin naman ang nangyari” sagot nito sabay kuha ng menu, napayukom naman ng kamao si Riel at nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Kung kanina ay nag-aalala ito ngayon naman ay seryoso na. Teka ano bang nangyayari anong dating eksena? Ibig sabihin ba naga-ganito na din ako sa campus dati pa? 

“Kumalma ka Riel nagawan ko na ng paraan, ang gagawin mo na lang sa ngayon ay kumain” kalmadong saad ni kuya habang nakatingin lang sa hawak niyang menu “Pero kuya” pangangatwiran pa ni Riel “Wala ng uuwi sa inyo ng late sabay sabay tayo lagi uuwi at papasok. Kung maaga ang schedule ko at hapon pa kayo mainam na magsabay kayong dalawa o sumabay kayo sa mga kaibigan nyo na kilala ko lalo ka na Akisha, kapag recess umupo kayo malapit sa table ng varsity team at lagi niyo akong ia-update kung nasaan kayo at kung may biglaan kayong lakad” sunod-sunod na bilin samin ni kuya tumango tango lang si Riel at ako naman ay na estatwa na lang dito dahil sa dami ng bilin niya 

"I Live for Sunsets With You"Where stories live. Discover now