eight

5 1 4
                                    

“Please wag mo muna ibaba yung tawag” paguulit niya pa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Please wag mo muna ibaba yung tawag” paguulit niya pa. Medyo tunog may tama na din ang tono ng pananalita niya halatang nakainom o kasalukuyang umiinom pa ito ng alak.

“Okay lang ba na magsabi ako ng sama ng loob sayo?” random na tanong niya, bakas sa tono ng pananalita niya na malungkot at may dinaramdam siya. Hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko ay kailangan ko siyang pakinggan ganun na ata ako ka pakialamera e. Tumango tango nalang ako bilang sagot na para bang nakikita niya ako ngayon, kasunod nun ay nagsimula na siyang magkwento.

“Sabi nila strangers won’t judge baka sayo may matanggap pa akong matinong sagot kaysa sa mga kumag na kasama ko” saad niya, weird man pakinggan pero nakinig padin talaga ako sa sasabihin niya ewan ko ba di naman ako chismosa, pero nakakaramdam ako ng curiosity sa taong kausap ko ngayon. 

“Hoy pre naririnig ka namin umayos ka” sigaw ng isang pang lalaki sa tawag, siguro ay kaibigan niya ito at kasa-kasama niya ngayon. Hindi niya ito pinansin at nagsimula na magkwento.

“Alam mo ba yung pakiramdam ng maiwan at mawalan? eh yung tinatanggalan ng kalayaan sa buhay? Ako kasi oo eh.” saad nito kasabay nun ay rinig ko din mula sa kabilang linya ang muli niyang pag-hikbi 

Ramdam na ramdam ko ang bigat na dala niya na para bang naranasan ko na din ito dati pa 

“Hindi naman ako naging masamang tao para maranasan ang lahat ng to. Eh mukhang sinalo ko na ata ang lahat ng kamalasan sa mundo haha. Kasi kung ako lang ang tatanungin hindi ko na kakayanin pa, gusto ko lang naman maranasan ang maging masaya at maramdamang hindi ako nag-iisa. Nakakapagod kasi, pagod na akong umiyak gabi gabi, pagod na akong mag-antay na may babalik, pagod na akong maging matapang para sa sarili ko, pagod na akong maiwanan at mawalan, pagod na akong dalhin lahat ng galit na naipon ko” pagkwento niya sabay huminto at bumuntong hininga

“pagod na akong mabuhay” kalmado at mahina niyang sambit ngunit bakas sa tono nito ang lungkot at hirap na nararamdaman niya

Hindi ako agad nakapagsalita at natigilan nalang sa pwesto ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya, pakiramdam ko tuloy ay mayroon akong responsibilidad sa taong to para maibsan man lang ang lungkot na nararamdaman niya 

“Nandyan ka pa ba?” halatang antok at lasing na pananalita niya napansin niya sigurong tahimik lang ako at hindi kumikibo

Sa bigat ng sinabi niya ay napa-buntong hininga na lang ako bago magsalita “Pasensya ka na kung ayan ang nararamdaman mo, wala namang tao sa mundo ang gugustuhin na maranasan ang dinadanas mo ngayon. Hindi mo naman pinili ang mahirapan at mas lalong hindi mo din pinili ang mapagod. Minsan hindi puro ginhawa at saya lang ang mararamdaman natin sa buhay, kailangan din natin tumayo, magpakatatag at harapin ang mga problema na ibinabato sa atin ng mundo at ng mga taong nakapaligid sa atin. At dahil sa mga pagsubok na yun doon tayo mas magiging malakas” saad ko sa sinabi niya  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"I Live for Sunsets With You"Where stories live. Discover now