Chapter 1

1.3K 25 3
                                    


Chapter 1


Melvin PoV

Nagkagulo sa loob ng campus dahil sa nakapaskil na mga papel sa sca*ndal na ginawa ni Augusto at galit na galit itong pinagpupunit ang mga nakapaskil sa bulletin board.

Masama itong nakatingin sakanila isa isa at nag anunsyon ito ng pagbabanta na kung sino man ang gumawa nito ay pagbabayarin niya.

Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito pero hindi naman siya mahuhuli dahil hindi naman niya Ito nakakausap o nakaaway dahil iniiwasan niya talagang mag krus ang landas nila.

Sa wakas ay nakapaghiganti din siya nasira niya ang reputasyon nito at malaking bunos na iyon para mag iba tingin ng mga babae sa kanilang campus.

Iyon na nga ang inaakala niya dahil mas naging cool pa Ito sa paningin ng mga babae. Sinabi pa ng mga Ito na hindi lang babae ang kayang paibigin ni Augusto kundi pati na din mga lalaki. Nakakapanindig balahibo iyon para sakanya.

Nasa loob Siya ng classroom nila ng dumating ang nag iisang kaibigan niyang si Nicolo at binati siya nito.

"May assignment kaba? Pakopya naman oh nag ML kasi ako kagabi kaya nakalimutan ko." Minsan talaga masarap man*akal ng kaibigan.

"Oh Ito kopyahin mo!" Sabay bigay ko ng notebook ko sakanya.

"Tama ba ito—" agad ko siyang binatukan dahil choosy pa ang ha*yop siya na nga itong mangongopya siya pa itong may ganang magsalita Kung Tama.

"Ang choosy mo! B*bo ka naman." Natawa naman Ito at dali daling komopya sa notebook ko.

Maya maya pa ay pumasok iyong mga student council sa classroom namin para mag imbestiga tungkol sa nangyari kay Augusto.

Nag umpisa silang mag halungkat ng mga gamit ng biglang magsalita si Nicolo at nanlaki mata ko sa hawak niya.

"Oy may print ka pala ng sc*andal ni Augusto—" agad ko kinuha iyon sa kamay niya at nilukot sabay pasok sa Bunganga ko.

"Ano iyon!" Saad nong isang student council agad akong sumenyas kay Nicolo na tumahimik.

"Ay may lemon square pala itong si Melvin kaso nilamon niya agad." Pagpapalusot nito at buong inspeksyon ay nasa bunganga ko iyong papel.

Hanggang sa makalabas na sila at nilabas yon sa bibig ko agad.

"Umamin ka nga Melvin! Ikaw ba iyong nagpakalat ng sc*andal ni Augusto."

"Shhh! Tumahimik ka nga baka marinig ka nila.. Oo ako nga pero di ko inaasahan magiging ganito iyon. Hindi dapat ganito ang resulta."

"Eh ikaw pala itong b*bo saatin. Hindi kaba nag iisip na kahit anong paninira ang itapon kay Augusto ay magugustuhan pa din siya ng lahat! Wala ka talagang utak minsan Di ka nag iisip." Panenermon nito.

"Masiyadong perpekto si Augusto para husgahan baka nga kapag tumakbo iyan ng naka brief baka nga pagtitilian pa Siya eh tayo... Baka mag mukha tayong manyak*is."

"Bakit ba kasi dito pa iyan nag aral eh mayaman naman iyan."

"Kaya nga... Parehas din tayo ng iniisip."

"Masasagot na sana ako ni Chelsea kung hindi dahil sa Augusto na iyan."

"Ul*ol kahit wala na si Augusto di ka papasa matangkad pa ata sayo si Chelsea sayo—aray ko!"

"Manahimik ka kung ayaw mo mawalan ng tank sa rank game."

"Ito naman di mabiro... Laro tayo mamaya."

"Sige." Matapos ang klase ay bumaba na Kami ng hagdan para mag recess pero napahinto kami pareho ni Nicolo ng may makita kaming duguan na schoolmate sa harap namin.

"Kapag talaga nalaman ko kung sino nagpakalat non... Ganitong ganito mapapala niya saakin." Saad nito para nanghina ang tuhod ko dahil sa sinabi nito.

Halos magkadurog na ang mukha ng lalaking sinuntok nito.

"Mag ingat ka pre, galit na ata siya." Agad na kaming lumayo don at nangako na talaga akong hindi ko na uulitin iyon.

Buti nalang at walang CCTV sa school namin dahil kung meron man Baka nasa hukay na ako ngayon. Buti pa ilaro ko nalang to ng mawala ang kaba ko.

Author's note;
Nilamon talaga na part🤣

Stalking the Psycho (BL story)Where stories live. Discover now